[Chapter 11]
Brainwelyn
Madaling araw na, may buhat-buhat pa 'kong responsibilidad.
Napakabigat na, ang likot pa.
Halos hindi pa rin talaga ako maka-get over sa buong pangyayari na 'to. First off, nagpakalasing si Charles dahil sa isang lalaki. Second, ako ang tatawagin niya bigla?
O kaya naman. . . baka ako talaga ang tinutukoy niya sa bulong niya kanina. Pero hindi ko naman kilala kung sino ba ang Chrys na tinutukoy niya.
Ah! 'Di bale na! Mas mabuti pa kung wala akong kinalaman dito. Mananatili na lang siguro akong labas sa bagay na ito.
Para sa ka kapakanan ng privacy ni sir, ako na mag-a-adjust.
Napahuni ako sa hirap na buhatin si sir. Pasalamat lang talaga kila Mama at masustansya ang mga kinakain ko kaya malakas ako.
"Bakit kasi umiinom ka ng mag-isa? Pwede mo naman ako tawagin, inom tayo milktea."
Tila sinuyod ako ng realisasyon sa aking paglakad.
"Teka. . . sa'n ka nga ba nakatira?"
Namilog ang mata ko nang mapagtanto. Hindi ko alam kung saan nakatira si sir kaya saan ko nga naman siya dadalhin?!
Try ko kaya hanapin? Kaso delikado na. Masyado nang malalim ang gabi.
Napapadyak ako at nagpatuloy sa pag-ungol sa inis. Dahil sa pagpupuyat nalulutang na ako.
Brace yourself, Brainwelyn. Hindi mo pwede maibagsak ang boss mo. Kaltas ka niyan o kaya naman ay masisisante ka!
Bumuntong-hininga ako. Wala akong ibang choice kundi iuwi sa bahay ko si Charles.
. . . .
Alas-dos ng umaga, nakarating na ako sa bahay. Tulog na ang mga magulang ko nang madatnan ko.
Akala ko nga ay matatago ko pa sa kanila na may inuwi akong lalaki, kaso--sa hindi inaasahang pangyayari, bumungad na lang bigla si Mama mula sa CR. Umihi pala siya sa gitna ng gabi.
Nang buksan niya ang ilaw ay nahuli niya akong may yakap na lalaki. Agad namilog ang mata niya at umambang ipamalo kay Charles ang fry pan sa may kusina.
Sinubukan ko siyang pigilan, "W-wait Ma, hindi ito kagaya ng iniisip mo!"
Natigil siya. Tumuwid siya ng tayo sa oras na kumalma ang loob niya. Unti-unti kong pinababa sa kaniya ang fry pan sa lamesa.
Hindi pa ito natapos dahil si Papa naman ang sumunod na lumabas. Kakalabas lang nito sa CR at dumumi pala ito.
Nang makita ng dalawang mata niya ang yakap kong lalaki ay umakma rin itong manapak.
"Pa! Please kumalma kayo!" Pagtigil ko sa kanila.
Natigil sila at naturingang magkatinginan sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
✓ | Sweet Vanilla Kiss
Romansa𝐒𝐔𝐌𝐌𝐀𝐑𝐘: After the death of Charles' grandfather, he is expected to take over his grandfather's forgotten café. Charles Sebastian Lafuente, a passionate man in pursuit of his dream career as a doctor. But all of his dreams shattered to build...