𝐒𝐔𝐌𝐌𝐀𝐑𝐘: After the death of Charles' grandfather, he is expected to take over his grandfather's forgotten café.
Charles Sebastian Lafuente, a passionate man in pursuit of his dream career as a doctor. But all of his dreams shattered to build...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
[Chapter 14]
Brainwelyn
Binitiwan na ni Chrys ang kaniyang hawak sa aking kamay. Nilingon niya si Charles, nag-iintay ng sagot.
"Baka abutin ako ng ilang araw. I need to research this carefully." Si Charles na nakapamaywang na nakatingin sa sahig.
Sunod siyang inakbayan ni Chrys sa balikat, malapit ang mukha nito sa kaniya, malalim ang pagtingin na nilapat niya sa kaniyang kapatid. Para bang may nakaambang itong ibulong sa kaniya.
"What are you talking about, Charles? This is a serious matter, bakit mo pa patatagalin?"
Ikinagalit ata ni Charles ang suhestyon ni Chrys at umatras ito sa pag-akbay ng kapatid niya.
His face grimaced upon fronting him, "Hindi naman din natin dapat madaliin ito?" Tuluyan nang napikon si Charles sa kaniyang kapatid.
Blangko ang mukha ni Chrys mula sa pinakitang galit ng kapatid. Sa kabila noon ay nagpatuloy pa rin ang mahinahon niyang ekspresyon.
Malalim itong huminga na may pagpikit pa. Bumukas muli ang mata nito at tanging nilapat ang paningin sa nagtitimping kapatid, "Fine. We can wait."
Mabuti pa itong si Chrys, mapagpasensya. Si Charles talaga, lagi na lang siyang short-tempered. Ganiyan din siya sa 'kin noong una.
Chrys pulled out a subtle smile before stepping back away from Charles. Despite the short-temperedness of his brother, he still kept his composure out of the situation.
Chrys and I are the same, naiintindihan naman naming stressed lang si Charles sa isyung ito. Nabigla lang siya sa pagbaba ng sales. Therefore, we should be more understanding of him, and maybe I can somehow help in some other ways.
"Um-. . let's look through current trends! Sa TikTok kasi madaming makikita. Right now ang current trends na natatandaan ko. . ." Nag-isip ako habang nakapalumbaba.
"Sobrang sikat ng mga matcha ngayon, we should probably make a discount for matcha related products. We have a matcha frappe right? That can do. Isa pa, sikat din ang mga--"
"Sadly, that won't work, miss." Singit ni Chrys.
Natikom ang bibig ko sa kaniya nang singitan niya ako. Wala akong ibang nagawa kundi tumango-tango na parang wala sa sarili.
Kahit naman si Charles ay hindi makaimik sa ganap. Naupo siya nang nakatukod ang kamay sa kaniyang noo na tila ba nag-iisip ng malalim. In fairness talaga, mag-iisip ka na lang, pogi ka pa din; kung ako 'yan, magmumukha lang akong high school na nanghuhula ng sagot sa exam.
Nanatili ang katahimikan sa amin ng ilang minuto nang may bigla na lang sumulpot sa pintuan ng cafe.
Patalon-talon siyang pumasok sa loob saka siya napadpad na nakaakbay naman sa akin ngayon. Grabe naman kayo, sino naman kaya ang susunod sa aking umakbay? Laruang manika lang ba ako sa inyong tatlo. "Brainwelyn!" At alam niya din ang pangalan ko! Sino ba talaga ang lalaking ito?!