[Chapter 27]
Charles
Nagsalitan ng tingin sa aming dalawa ang hindi makapaniwalang mata ni Yuji.
Pagkatapos kong ayusin ang seatbelt ni Brainwelyn, akala mo'y may nasaksihan na sunog ang tingin niya.
Bumalik ang tingin ko kay Brainwelyn. Her eyes were suddenly sparkling, but her eyebrows creased with a hint of concern.
Honestly, I had no clue what was up with her, so I just gave her a pat on the head to settle her down.
Nagpatuloy na ako sa pagbubukas ng makina at magmaneho.
Eventually, nakarating din kami sa lugar.
Dederetso na sana kami sa paghahanap ng club kaso nagpauna muna si Brainwelyn dahil kailangan niya daw gumamit ng restroom.
"Wait lang guys. . . Kailangan ko pumunta ng banyo," aniya.
Nag-alala si Colette sa kaniya, "Eh, Brainwelyn, hindi mo na ba talaga maiintay sa club?"
Pag-iling lang ang tanging tugon niya rito.
Bumuntong-hininga si Colette at napahukot ng likod, "E paano na 'yan?"
Brainwelyn constantly fanned her hand to everyone, "Sige na, iwanan niyo na ako dito at mauna na kayo."
"Ay hindi pwede 'yan, hindi ka namin pwedeng iwan dito." Si Claudia.
"Okay lang ako, titignan ko na lang ang cellphone ko para malaman kung saan kayo."
Kahit si Claudia ay napabuntong-hininga din sa pagpupumilit ni Brainwelyn.
I can't deny that I was concerned too. I honestly just can't leave her here.
But majority says so. Hindi na talaga kayang tiisin ni Brainwelyn kaya wala kaming nagawa kundi iwan siya.
Habang kami'y nagpapatuloy sa paglalakad, si Brainwelyn ay tumatakbo na sa loob ng isang restaurant para maki-CR.
Brainwelyn
Kaasar! Ngayon pa kasi ako sinumpong!
Hindi ko na talaga kayang pigilin pa kaya tinakbo ko na ang paghahanap ng CR.
Maya-maya din ay matagumpay akong nakapagbanyo. Ang sarap sa feeling noong relief na naramdaman ko pagkatapos ko gumamit ng banyo.
Paglabas ko agad kong chineck ang cellphone ko. Pero wala pa din silang sinesend na location.
'Di oras kaming gumawa ng group chat dahil sa naging gala na ito.
Me: Guys? Nasan na kayo?
May mga nag-seen pero hindi naman nag-reply. Si Claudia ang nagta-type kaya lang ang tagal.
BINABASA MO ANG
✓ | Sweet Vanilla Kiss
Romance𝐒𝐔𝐌𝐌𝐀𝐑𝐘: After the death of Charles' grandfather, he is expected to take over his grandfather's forgotten café. Charles Sebastian Lafuente, a passionate man in pursuit of his dream career as a doctor. But all of his dreams shattered to build...