EPILOGUE

73 7 0
                                    

[Will it also end with a tragedy?]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Will it also end with a tragedy?]









Brainwelyn

Tatlong araw simula nang ipakilala sa 'kin ni Nyx ang kakilalang si Leo na isa ring barista.

Sobrang excited akong makilala siya at makapagtrabaho rin sa wakas. Sabi ni Nyx ay kilala daw ang cafe niya sa lugar na iyon dahil masarap siya magtimpla. Lalo pa akong na-excite na makilala siya dahil sa mga papuring binabato ni Nyx.

Ito ang araw na makikilala ko na nga siya. Nag-message din kasi kinalaunan si Leo na handa na daw siyang ma-interview ako. At dahil may experience na ako sa dati kong training--which is kay Charles. . . alam kong mas magiging maganda ang kalalabasan ng interview na ito.

Pinaghandaan ko ang damit na susuotin ko sa araw na ito. Nagsuot ako ng itim na cable knit cropped sweater. Sa pang-ibaba naman ay denim flared jeans at black sneakers.

Sabi kasi ni Leo ay hindi na daw kailangan na sobrang pormal kaya kaunti lang ang inayos ko para hindi masyadong magarbo. Syempre may pa-make up din ako pero light make up lang.

Nang masigurong handa na ay tuluyan na akong umalis. Sumakay lang ako ng bus para tipid. Medyo may kinalayuan nga ang lugar mula sa bahay namin, baka kailanganin kong mag bus araw-araw o maghanap ng malapit na unit sa lugar na ito.

Maya-maya pa ay nakarating din ako sa destinasyon ko. Isang magandang cafe ang bumungad sa akin. Mukhang italian style nga ang disenyo nito, akala ko tuloy nasa ibang bansa ako. Napapaligiran naman ng mga ivy ang bawat pader na nagsisilbign disensyo ng cafe.

Napakaganda dito, kung ganito kaganda naman palang cafe ang papasukan ko, magpapasalamat pa ako sa araw-araw na 'yon!

Naramdaman ko ang paghigpit ng aking kapit sa sling bag ko bago ako tuluyang pumasok sa loob. Tinatatagan ko lang muna ang sarili ko sa ngayon, kinakabahan na ata ako.

"Kaya mo 'to, Brainwelyn," bulong ko sa sarili. Ito ang tanging motibasyon ng pinanghahawakan ko.

Sana nga ay umayon ang motibasyon ko sa realidad na haharapin ko mamaya.

Pumasok na nga ako sa loob. Kung sa labas pa lang ay nagagandahan ka na, puwes, hindi nagpahuli ang panloob na disenyo.

Moderno at minimalistic ang design ng mga muwebles sa loob. May mga vintage frames na puro kape lang ang disenyo, may realixing ambient lights, at malamig pa!

Paano nga naman itong hindi sisikat sa lugar na 'to e pak na pak ang mga disenyo! Halatang pinag-effort talaga sa lugar pa lang.

Tumingin-tingin ako sa kapaligiran ko, hinahanap si Leo. Gumala ang paningin ko at wala pa rin siya. Pero nang lumapit ako bahagya sa may cashier, doon ko napagtantong na naroon pala si Leo! Wait. . . hindi nga ako sure kung anong mukha ni Leo, mamaya staff niya pala ito.

Lumapit pa ako sa counter at napahawak doon saglit, "Uhm. . . hello?" nahihiya kong tawag sa lalaking nagbabasa sa baba ng counter. Kaya nga hindi ko siya nakita eh.

✓ | Sweet Vanilla KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon