[Chapter 39]
Brainwelyn
Nagising akong katabi si Charles na natutulog sa kama ko. Nakayakap siya sa katawan ko noon. Kinailangan kong mag-ingat sa pagkilos para hindi ko siya magising.
"Bakit nandito ka?" medyo paos na tanong sa sarili. Kakagising ko lang kasi at mabagal pa ang kilos ko.
Hindi naman siya nagising sa pag-alis ko sa tabi niya, pero nang patayo na ako mula sa kama, naramdaman ko ang kamay niyang humahatak sa akin pabalik.
Gising na ba siya?
Lumingon ako sa kaniya. Nakita kong nakahawak siya sa pulso ko pero hindi pa din minumulat ang mata.
Come on, alam kong nagpapanggap ka na lang ngayon.
Pero in fairness, sumakit ang ulo ko noong sinubukan kong tumayo. Bumalik na lang muna ako pansamantala sa kama at nahiga sa harap ni Charles. Tinitigan ko ng mabuti ang natutulog na mukha niya. Kahit sa pagtulog ay napakaperpekto niya.
Every time I look at him, a radiant smile spreads across my face. His undeniable handsomeness knows no bounds, and even in the early morning he exudes a magnetism that leaves me enchanted and falling in love with him all over again.
A grin suddenly appeared to his face, "Done enjoying my face?" biglang bungad ni Charles ng hindi man lang dumidilat ang mata.
"Gising ka na pala e," sabi ko.
Sa wakas ay pagising na siya. Mabigat pa ang mata niya sa pagmulat. Mabagal ang katawan niya at bahagyang tumayo mula sa kama para pantayan ang aking lebel.
Marahan niyang hinaplos ang aking mukha kasabay ng ngiti niyang tila ba nalilibang sa bagong-gising kong mukha.
Banayad akong humiga sa tabi niya habang ang kamay ko'y nakasuporta sa ulo kong nakaharap sa kaniya.
"Bakit nandito ka?" Medyo nautal pa ako noong una sa pagtatanong.
Ni hindi ko nga alam kung paano ko sisimulan ang mga katanungan sa ulo ko. Ang naaalala ko lang ay. . .
Humagikgik siya at banayad ding humarap sa 'kin, "Wala ka ba talagang naaalala?" tanong niya.
Hindi ako umimik. Tanging iling lang ang sinagot ko sa kaniya. Kung sisimulan ang lahat, ang naaalala ko lang ay tinawagan ko si Colette na makipag-inuman sa 'kin, kaso umalis din siya ng maaga dahil tinawagan siya ni Yuji. Naiwan kaming dalawa ni Nyx at pagkatapos noon--wala na akong maalala.
Muling humagikgik si Charles. Patuloy siya sa paghaplos sa pisngi ko papunta sa likod ng tainga ko na kaniyang hinawi.
"Better not thinking about it all now," malumanay niyang sagot.
Napangiwi lang ako sa kaniya. May kaunti pa ring pag-aalala na naiwan sa 'kin. Na baka may kung ano na akong nagawa sa kaniya habang nalalasing ako.
"Pero-" May sasabihin pa sana ako pero laking gulat ko nang dumapo ang hintuturo niya sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
✓ | Sweet Vanilla Kiss
Romansa𝐒𝐔𝐌𝐌𝐀𝐑𝐘: After the death of Charles' grandfather, he is expected to take over his grandfather's forgotten café. Charles Sebastian Lafuente, a passionate man in pursuit of his dream career as a doctor. But all of his dreams shattered to build...