𝐒𝐔𝐌𝐌𝐀𝐑𝐘: After the death of Charles' grandfather, he is expected to take over his grandfather's forgotten café.
Charles Sebastian Lafuente, a passionate man in pursuit of his dream career as a doctor. But all of his dreams shattered to build...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
[Chapter 32]
Brainwelyn
"Ayos lang ba talaga sayo? Baka makita tayo ni Mama. . ."
Matapos ang ilang oras ng pakikipagkuwentuhan kay Nyx, hindi na namin namalayang tumatakbo nga pala ang oras. Siguro mga tatlong oras ang inabot ko. Yari ako kay Mama nito. . .
Umiling si Nyx, ang purong ngiti ay nananatili sa mukha niya. Mabuti naman at okay lang sa kaniya. Hinatid niya pa kasi ako dito sa bahay.
"Okay lang. Hindi naman siguro tayo makikita ng mama mo," aniya.
Inabot niya sa 'kin ang plastic ng mga pinamili ko. Gaya ng pinangako niya, siya ang nagbitbit sa mga pinamili ko hanggang sa makauwi ako dito.
I appreciate it a lot. Ang tulong niya at ang pakikipagkuwentuhan niya. Parang siya ang nagsilbing therapist ko ngayong araw. Sana naman maulit dahil ang saya niya talaga kasama.
Medyo bantulot pa nga ako sa pagkuha ng inaabot niyang plastic, because it would then mean of letting him go. Gusto ko pa sana siyang makasama ng mas matagal.
But we have to let go. That's my first rule in my moving on progress na hanggang ngayon ay hinaharangan ng bagong mentality na tinuro sa 'kin ni Nyx kanina.
Even if I was still hesitant to do this--I knew I had to. Kinuha ko sa kamay niya ang plastic yet something so unexpected turned out to happen.
Nagdikit ang mga kamay namin sa oras na abutin ko ito. Parang sinadya ni Nyx na ako ang kumuha sa kamay niya para ma-corner niya naman ito sa kaniyang mataimtim na hawak.
My heart can't help but beat faster as the sudden touch freak my mind. My mind racing into all sorts of thoughts yet meaningless in reasons. Only a touch like this had ever made me blush like an idiot.
Hanggang sa madatnan na lamang kami ni Mama na magkahawak kamay mula sa engkwentro. Agad kaming napaatras sa gulat sa isa't-isa nang mamilog sa hiwaga ang mata ni Mama mismo sa kaniyang natunghayan.
Naku po naman! Kabaliktaran lang ang inasahan ni Nyx. Nakakahiya sa kanilang dalawa, wala namang meaning itong holdi-- touch of hands lang!
"M- m-ma! Wala po ito! Kaibigan ko lang po siya!" taranta kong pagpapaliwanag kay Mama na hindi naman matapos sa paulit-ulit kong putol sa aking mga salita.
"Ouch," rinig kong bulong ni Nyx habang hinihimas niya ang likod niya sa hiya.
Hanggang ngayon ay hindi makaimik si Mama sa gulat nang makita si Nyx. Lumapit sa tainga ko si Mama ng may nakaambang na bulong, "Ang gwapo naman niyan, anak. Mukhang lapitin ka ng mga pogi at lagi kang nag-uuwi ng pogi dito sa 'tin!"
Jusko si nanay, 'yon lang ay binulong pa. Nakakahiya kay Nyx. Nakapamaywang lang siyang nag-iintay sa aming dalawa.
Umatras si Mama para ngitian si Nyx. Iyong ngiting may bahid ng kilig ba. Pero sadyang mabait na anghel itong si Nyx at madaling napapaamo si Mama.