𝐒𝐔𝐌𝐌𝐀𝐑𝐘: After the death of Charles' grandfather, he is expected to take over his grandfather's forgotten café.
Charles Sebastian Lafuente, a passionate man in pursuit of his dream career as a doctor. But all of his dreams shattered to build...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
[Chapter 5]
Brainwelyn
Naging katulong ako ni Colette sa pag-aayos at pag-oorganisa ng mga bagong biling textbooks ng University.
Sa storage room, habang may ginagawa ay sinasabayan namin ito ng chikahan para naman hindi kami ma-bored habang may ginagawa.
"Colette, hindi ko nasabi sayo." I approached.
Napalingon siya sa akin, "Ang alin?"
"Na may part time na ako."
Lumiwanag ang reaksiyon niya sa akin, sa nagtaas niyang kalay nakangiting labi, "Ha?! Saan ka natanggap?" sabik niyang tanong.
"Doon sa sinabi mo sa 'king cafe. Sa Coffee Clock." Lalo pang namilog ang mata ni Colette nang malaman kung saan ako natanggap.
Pailing-iling siya, sadyang hindi makapaniwala, "Weh?! Totoo ba?!"
Tinanguan ko siya, "Oo nga ante! Bakit naman ako gagawa ng kwento sayo?"
"Balita ko gwapo daw ang may-ari no'n."
Tumango ako ulit na may tiyak na ngiti, "True. Boss ko na nga siya eh. Kaso--kahit na gwapo siya, suplado naman at minsan ko lang makitang ngumiti 'yon. Pero mabait din naman siya." Kwento ko.
Hindi ko mapigilan ang bunganga ko sa pagkekwento tungkol kay sir Charles. Ewan ko ba. Simula nang makilala ko siya, hindi ko na siya naalis sa isip ko. Nagagwapuhan lang siguro ako masyado.
"Naku. . sana all sayo," naiinggit na sambit ni Colette.
Hinipan niya ang isang maalikabok na libro saka ito nilagay sa isang kahon, "Eh. . ako din. May part time na din ako actually. Side line, gano'n."
Napataas ang mga kilay ko sa interes. Nilingon ko agad siya at nakita ang hiya sa mukha niya sa pagkekwento pa lang nito.
"Sabi na eh. Saan ka naman nagtatrabaho ngayon? Sugar papa?" Biro ko.
Binatuhan niya ako ng maliit na libro ng natatawa, inilagan ko ito pero kinalaunan ay pinulot ko rin mula sa sahig, "Gaga! Sugar papa ka diyan?! May trabaho na nga ako, modeling."
Agad bumuka ang mata ko. Totoo ba iyan?! Hindi kapani-paniwala sa umpisa pero parang may katotohanan nga. Magandang babae si Colette, may katangkaran na papasa sa modeling criteria.
Bagay nga sa kaniya na maging model. Nawala na ang pagtataka ko. Totoo ang sinasabi niya dahil kung hindi siya naging model na may mataas na sahod, hindi niya naman mabibili ang mga mamahaling damit na iyan.
"Anong agency?!"
"Vinestar. Sama ka mamaya sa photoshoot ko!" bigla niyang aya.
Na-excite ako sa pag-aaya niya. I'd be glad to come with her kung makakakita din ako ng mga gwapong models!