CHAPTER 2

85 11 2
                                    

[Chapter 2]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Chapter 2]













Charles

Tinakbo ko na ang pagbalik ko habang karga-karga ang isang sako ng coffee beans na tyinaga kong puntahan. Malapit na ang oras ng pagbubukas ko. Mga sampung minuto na lang ang mayroon ako para magbukas.

Dahil iisa lang ako sa cafe, ako lang ang gumagawa ng lahat ng trabaho. Ganoon na talaga sa pagbubukas, laging napakaraming aasikasuhin. Inuna kong ilabas at iayos ang mga upuan at lamesa para sa outdoor area ng cafe.

Pagpasok ko sa loob ng cafe, binukas ko ang mga ilaw saka winalis bahagya ang lounge. Pagkatapos noon ay chineck ko ang mga stocks saka inayos ang mga display.

Last 6 minutes. Nagmadali na ako sa pagpasok ng mga nakahanda nang pastries. I know how to bake, kasama na ata iyon sa expertise ko, pero dahil wala akong oras today, kinailangan kong orderin ang mga iyon sa kilala kong pastry baker.

Sa wakas at natapos ko na ang lahat ng preparasyon sa pagbubukas. Hindi nagtagal at dinagsa na naman ang cafe. Napansin ko nga'ng madalas puro mga estudyanteng mga babae ang pumupunta dito. Maraming nagsasabi na kaya lang daw dinadagsa ang cafe na ito dahil sa poging barista noon which is ako.

Tinatawanan ko na lang sila, palibhasa ay hindi pa nila natitikman ang menu. Sa totoo lang ay hindi ako ang gumawa ng menu, si Lolo. Hindi ko na binago dahil wala din akong interes at balak na palawakin ang revamp at pag-u-upgrade sa cafe.

Sa tagal kong nagtrabaho, iba't-ibang klaseng problema ang kinaharap ko. May isang batang lalaki na nakahulog ng mass croissant na in-order ng ibang customer. Nagpaumanhin naman ang ina ng bata pero sa 'kin hindi uubra 'yan.

Ang isa naman ay isang babae na sa sobrang pagkakilig na lumapit sa akin, nabangga na ang kape kong ise-serve sana sa nag-order. Tumakbo silang lahat

sa sobrang takot. Tama lang dahil kahit tawagin pa nila 'kong gwapo, hindi pa rin mamumuo ang galit ko.

Ako pa tuloy ang humingi ng tawad sa nag-order.

At marami pang ibang ganap. May nakabuhos ng coffee beans at may nakabasag ng pinggan. Lahat ng iyon, ako lang din ang nag-aayos. Sa dulo ng gabi. Naubos ang mga customer. Oras na para magsara. Gaya ng pagbubukas, ako lang din mag-isa ang magsasara.

Tila pagkahapo na mismo ang tumulak sa akin sa upuan sa sobrang pagod. Kinuha ko ang panyo at pinunas ito sa pawis ko sa ulo.

"Ganito na lang ba araw-araw?" Reklamo ko sa sarili. Hindi ko naman ginusto ang ganitong buhay sa simula pa lang. Pero pilit e.

Ang hirap tanggapin ng isang bagay na hindi mo pinangarap gawin. Pero para sa isang tao, kinailangan mong harapin.

Nagulat ako ng may bigla na lang pumasok sa cafe. Paglingon ko ay nakita ko ang isang matandang lalaki na siguro ay sisenta na ang edad. Kasing-tanda ni Lolo.

✓ | Sweet Vanilla KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon