[Chapter 25]
Brainwelyn
Ilang araw na ang lumipas simula nang maging ka-partner ko si Charles para sa prom ko dahil inabadona ako ni Steven.
Simula nang malaman ko 'yon, lagi na akong iniiwasan ni Steven. Hindi niya rin ako kinakausap o tinatabihan man lang kapag nagkakasabay kami ng klase.
Masakit para sa 'kin 'yon dahil kaibigan ko si Steven, tapos bigla na lang siyang lalayo por que hindi ko kayang ibalik sa kaniya ang nararamdaman niya.
Imbes na magmukmok sa kaniya, nagpaka-busy na lang ako sa pagtatrabaho. Wala si Charles ngayong araw dahil may inaasikaso daw siya. From this day, acting boss muna 'ko.
Boss Brainwelyn. Sarap pakinggan!
Nagsaya pa ako, hindi naman pala madali. Ganito pala ang inaabot dati ni Charles. Ang daming customer, ang daming troublemakers. Pero walang dapat ikabahala dahil naniniwala naman ako sa sarili ko na magagawa ko ito ng maayos.
Bigla na lang akong may narinig na nahulog na kung ano sa likod ko.
"Ano 'yon?" bulong ko habang nakakunot ang noo sa pagkalito.
Tumalikod ako para tignan, ah, may nakapasok sigurong pusa sa likod ng storage room, nahulog tuloy ang maliit na pack ng coffee beans. No worries at nabalik ko naman na ito sa dapat nitong kalagyan.
Pagharap ko ulit sa counter, napaurong ako sa gulat nang ang tumambad sa akin ay isang panibagong customer.
Huminga ako ng malalim, kinakalma ulit ang sarili, "G-ginulat niyo po ako, sir," bahagya kong tawa.
I feel like looking up on the customer just shocked me more.
Paano ba naman, nakakawindang on the spot ang kagwapuhan niya. Ngayon ko lang na-realize dahil ngayon ko lang siya nakita ng malapitan at maayos.
The man was so tall, halos maabot na niya si Charles kung nandito lang siya ngayon. His hair was long, hindi lalagpas sa pinakababa ng leeg niya, it was airy, messy, at ang bangs ay may kalahating nakahawi.
Kapansin-pansin din ang magaganda niyang mata, maganda ang hugis nito. Kapag tinignan mo ang mukha ng lalaki, aakalain mong wala itong gana o kaya naman ay pagod. Pero sa oras na ngumiti ang lalaki, kakaibang impact ang hinahatid nito.
Nakasuot ang lalaki ng gray t-shirt na siyang nagpakita sa tattoo nito sa kanang braso paakyat sa kaniyang leeg. Dahil t-shirt lang ang suot niya, mahirap tuloy iwasan ng mata ang naglalakihan niyang muscles at biceps. . . grabe, ang init bigla.
The man then chuckled at my astonished reaction, "Nakakasilaw ba talaga 'ko? Naka-turn off naman ang flash ko," biro niya.
I can't help but stare at every movements occurring in his face. He's so handsome and I can't deny it.
BINABASA MO ANG
✓ | Sweet Vanilla Kiss
Romance𝐒𝐔𝐌𝐌𝐀𝐑𝐘: After the death of Charles' grandfather, he is expected to take over his grandfather's forgotten café. Charles Sebastian Lafuente, a passionate man in pursuit of his dream career as a doctor. But all of his dreams shattered to build...