[Chapter 26]
Charles
Lahat ng nagkakainteres kay Brainwelyn, mga hindi matitino. Kung hindi babaero, mga walang kapasidad na mabigay ang best kay Brainwelyn.
"Wala namang naging matino sa mga mata mo," biglang sagot sa 'kin ni Yuji.
"Syempre, I'm quite the perfectionist." Nakipag-toast ako sa kaniya ng baso saka kami tumira ng shot.
Napadighay siya bahagya matapos tumira ng shot ng alak. He chuckled drunkily, "Ang sabihin mo, nagseselos ka lang."
Really? Again?
"Lahat na lang kayo ganiyan ang sinasabi niyo. Makinig ka, alam ko ang sarili ko. Kung nagseselos ako, aaminin ko 'yon, but I'm not, so anong dapat kong aminin?" Sa inis ko'y tinusok ko ng daliri ang dibdib ni Yuji kaya natanggal ang naglolokong ngisi nito.
Pailing-iling ito na para bang nadismaya lang sa paliwanag ko, "Sige. . . ," mala-pagod na boses niyang huni, "Hindi mo lang kasi naiintindihan ang sarili mo ngayon." Umirap ito habang kasalukuyang nagbubuhos ng alak sa mga baso namin.
"Ikaw-!"
"Ops! Shot ka muna." Bigay niya sa 'king baso.
Hindi natuloy ang pag-aalburuto ko at kalmadong kinuha ang baso para tumira.
Habang umiinom ako, may tumunog na notification sa cellphone ko kaya chineck ko ito saglit. Lumitaw ang message ni Brainwelyn.
Brainwelyn: Boss Charlie! Punta ka p dito bukas, bday ng anak q.
It doesn't sound like Brainwelyn at all? Nangunot lang ang noo ko sa pagbabasa. Must be her parents.
Wait. . . . birthday?!
"Birthday ni Brainwelyn?" wala sa sarili kong bulong.
Hindi ito nakatakas sa pandinig ni Yuji, "Tignan mo. Ayan ba ang hindi nagseselos? Pati birthday ng tao naaalala mo."
"Shut up, hindi ko nga alam na birthday ni Brainwelyn bukas, tinext lang ako ng mama niya."
Humuni ito ulit, "Sus! Palusot! Gusto mo samahan kita bukas?"
Tumaas ang isang kilay ko sa kaniya, "Bakit ka naman sasama?"
Nagkibit-balikat ito at napatipid ng ngiti, "Well baka kasi kailangan mo ng flirting lines assistance."
"Siraulo, 'wag na 'wag kang lalapit sa 'min." Pailing-iling kong irap sa kaniya.
. . . .
Naalala ko pa ang daan sa bahay simula nang sagipin ako ni Brainwelyn sa pagkalasing at wala siyang naging choice kundi iuwi ako sa bahay nila.
Sa gate ako huminto para dumungaw ng tingin sa loob. Kinailangan kong tumingkayad kaunti dahil nahaharangan ng tangkay ng mga halaman ang loob.
Madami nang tao sa loob. Karamihan ay mga kamag-anak niya. Lahat sila ay nagsisimula nang mag-ingay at magkantahan.
BINABASA MO ANG
✓ | Sweet Vanilla Kiss
Romance𝐒𝐔𝐌𝐌𝐀𝐑𝐘: After the death of Charles' grandfather, he is expected to take over his grandfather's forgotten café. Charles Sebastian Lafuente, a passionate man in pursuit of his dream career as a doctor. But all of his dreams shattered to build...