[Chapter 17]
Charles
After the incident, bumalik na kami agad ni Brainwelyn sa cafe.
Natapos ang event na wala kami pero at least it still received a massive hit.
Nasa gate pa lang kami pero nakasalubong na agad ang mga kasama namin. Mula sa malayo, nakita ko pang kumakaway na sa sabik si Yuji, samantalang si kuya naman ay nakahalukipkip na nakaabang sa 'min.
"Saan kayo galing?! Kanina pa kami nag-iintay!" Iyan ang unang bungad na tanong sa 'min ni Chrys.
Pero pinigilan siya ni Yuji at hinawakan ito sa kaniyang kanang balikat, "Don't be like that, bro. Nag-iintay tayo dito sa pagdating nila."
"Yeah, we're back now, bro." I reassured him.
Umirap lang si Chrys at nagpakawala ng mabigat na buntong-hininga. Alam ko namang nainip lang siya dahil sila ang umako sa cafe hanggang sa huli.
I admit it, I feel sorry for suddenly leaving them behind, but Brainwelyn's a top priority at this point, muntik na siyang mapasama sa nangyari.
"Anyways, kumusta naman ang program." Si Yuji ang sabik na naghanda ng balita sa 'min. Looks like it's a positive result judging the looks of him.
Maganang pumanguna si Yuji, "It's a huge hit! Madami tayong naipon na positive feedbacks sa page kaya mas tumaas ang rank natin sa popularity rankings."
Namilog ang mata ko sa balitang hinatid ni Yuji. This is worth a feast to celebrate! Sa simpleng concept na naisip namin kay Brainwelyn, hindi ko aakalaing ito ang magiging tulay sa tagumpay ng cafe.
I guess there really is more than meets the eye.
With a subtle movement of my eyes, I turned to look at Brainwelyn, and was struck by the radiant smile that had spread across her face. It was clear that she was filled with joy and pride at how successful the program had become.
Brainwelyn initiated something, "E 'di good news! Dapat mag-celebrate tay-" Ngunit nang lumiko ang ulo niya sa likod ko, natigil ang binabalak niyang sabihin na para bang may malignong bumungad sa paninging niya.
Nakaramdam ako ng bahagyang pag-aalala sa tingin niya kaya tumalikod na rin ako. Sinalubong ang gate ng dalawang taong papalakad palapit sa gawing ito. May isang babae at isang lalaki.
Lalo kong ikinagulat ang pagdating ni Claudia na kasalakuyang nakasuot ng sexy black slacks para sa pang-ibaba at cranberry red sweater crop top na pinatungan ng diamond necklace.
Her beauty was undeniable, even in her simple attire. There was a natural elegance to the way she carried herself.
Lumusot sa pandinig ko ang munting bulong ni Brainwelyn na ngayon ay matinik na nakatitig sa lalaking katabi ni Claudia, "Bakit nandito 'yan? Ay. . . inimbitahan ko nga pala. Ba't naman kasi late na nakapunta." From the tone of her passage, para bang hindi siya nasiyahan sa pagdating ng lalaking iyon.
BINABASA MO ANG
✓ | Sweet Vanilla Kiss
Romance𝐒𝐔𝐌𝐌𝐀𝐑𝐘: After the death of Charles' grandfather, he is expected to take over his grandfather's forgotten café. Charles Sebastian Lafuente, a passionate man in pursuit of his dream career as a doctor. But all of his dreams shattered to build...