CHAPTER 9

44 8 2
                                    

[Chapter 9]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Chapter 9]







Charles

Kakauwi ko lang ng bahay matapos ang lahat ng mga nakakabaliw na pangyayari ngayong araw.

Pagkauwi ko ay dumeretso ako na maligo bago matulog. Papasok sa banyo at magsha-shower.

Pagkatapos maligo ay tatapat sa harap ng salamin kung saan nakikita ko ang maganda kong pigura. Look at that abs, dapat siguro ay mas tagalan ko pa ang gym hours ko.

Nag-aalala lang ako na baka mawala ang pigura kong 'yan dahil sa kakasubsob ng trabaho sa cafe.

"See, Claudia? Ito 'yung abs na sinayang mo," bulong sa sarili habang binibida ko sa salamin ang abs ko pati na rin ang naglalakihan kong muscle.

Hindi ko mapigilang hindi mangiti sa sarili. Natawa rin ako sa huli kaya nga minabuti ko na lang na gawin na ang skin care ko.

At nang matapos ko din ang skin care ko, ang gwapo kong mukha naman ang sunod kong binida sa salamin, "See, Claudia? Ito 'yung mukhang sinayang mo," bulong pa sa sarili habang nakatutok ang daliri ko sa mukha ko.

Pailing-iling akong nakangisi. Hindi ko nga din alam kung bakit ang taas ng confidence ko ngayong gabi.

Kasabay ng paglalakad ko patungo sa kama ko, nag-iisip din ako kung bakit nga ba ang taas na lang ng tingin ko sa sarili ko.

Gan'on talaga 'ko paminsan-minsan. Malakas kasi ang awareness ko sa sarili ko kaya kahit simpleng bagay ay napapansin ko.

Saktong paghiga ko sa kama, bigla na lang sumingit sa isip ko ang mukha ni Brainwelyn. The moment she went hopeless when she got burned, and also the look she had when I was treating her burn.

All that, I can't fucking dismiss from my mind once I've set my mind to it.

Sa gulat ay napahawak ako sa pisngi ko, "Wh-what the. . . ?!"

Marahan kong sinampal ang mukha ko at umiling-iling, sinusubukang alisin sa isip ko si Brainwelyn. Why the hell am I even thinking about her in the first place?! This is unusually random.

Baka sakaling mawala siya sa isip ko kapag tumagilid ako ng higa. Sa oras na ipikit ko na ang mata ko, mas malinaw ko namang nakita ang nanlulumong mukha ni Brainwelyn kanina noong iniwan ko siya para isara ang cafe.

Ugh! For god's sake, why is this happening to my brain?! Should I get a brain surgery?

Nang mamalayan ko ay nanlalagim na pala ang mata ko, "Brainwelyn. . . pwede bang umalis ka na sa isip ko? Hindi naman kita gusto pero nasa isip kita." Reklamo ko sa sarili.

Tinakpan ko na lang ang buong mukha ko ng unan hanggang sa makatulog ako ng tuluyan.

. . . .

"Dunhills?"

✓ | Sweet Vanilla KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon