[Chapter 15]
Brainwelyn
Nakakahiya pero sinuot ko pa din.
Hindi kagaya ng iba, hindi ako naka-topless, nakasuot ako ng white t-shirt na pinatungan ng apron uniform namin. 'Wag ko daw suotin ang name tag ko utos ni Chrys. Makakahalata daw kasi ang mga tao na babae ako dahil sa pangalan ko.
Totoo naman, kaya walang alinlangan ko siyang sinunod. Hindi ko nga sinuot ang name tag.
Pero paano naman ako magpapakilala sa kanila? Anong pangalan ang ibibigay ko? Brain? Brainy? Puta, baka masulasok lang ang mga tao.
Umiling-iling ako upang maialis ang mga unnecessary thoughts.
Mahalangang event ito kaya kailangan perpekto ang maging performance ko; gusto ko din kasi sana magka-bonus hehe.
Nakasuot ako ng wig, hindi siguro ako mahahalata ng mga tao. Ang suot ko kasing wig ay isang messy medium-length hair.
Sa huling pagkakataon, napatingin ako sa salamin. Namilog ang mata ko sa laki ng pinagbago ko sa anyo ko. Ako ba talaga 'to?! Syempre hindi, ibang tao nga pala ako ngayon. Hindi ako babae.
"Teka. . . paano ba maging lalaki?" bulong ko sa sarili habang nakatitig sa salamin.
Bahagya kong hinukot ang likod ko. Natawa lang ako sa ginawa ko.
"Tangina, mukhang ewan. Lolo ata ginagawa ko e," pagtawa ko ulit.
Hayst! Wala na lang akong gagawin. I'm just going to be myself, pero lalaki.
That's right! I pursed my lips as I find the courage to finally step outside.
Nagtago ako sa pader at pasimpleng sumilip sa labas. Nagdagsaan na nga ang mga customer. Marami nga talagang nagpunta nang malaman nila ang ganap ng event.
Ang mga 'to! Nakikita tuloy nila ng libre ang topless Charles!
Nakakainggit naman.
Habang busy ang mata ko sa paggala sa labas, natigil ito sa gawi ni Chrys. Napansin niyang nakasilip ako sa katawan ni Charles kaya pangisi-ngisi ito sa 'kin.
Kung tutuusin, mas malaki ang katawan ni Chrys, pero mas gwapo naman si Charles.
Hay, jusko, Brainwelyn! Pinaulit-ulit ko ang pagsampal sa aking mukha, desperado na maialis ang atensyon ko kay Charles. Imbes na magpantasya, dapat nagtatrabaho na!
Umalis na ako sa pagtatago ko. Kahit na nahihiya ay lumabas ako ng buong tapang.
Sa paglabas ko, si Charles ang unang sumalubong sa akin ng tingin. Nanlawak agad ang kaniyang mata nang matunghayan ang aking anyo. Hindi siya makapaniwala na ganito ako tignan kapag naging lalaki. Petite na cutie.
Siguro pinagtatawanan na ako nito sa utak niya. Hayst!
Pero. . . napansin kong hindi na lumayo ang titig ni Charles sa akin. Talagang nalula ito sa anyo ko.
BINABASA MO ANG
✓ | Sweet Vanilla Kiss
Romance𝐒𝐔𝐌𝐌𝐀𝐑𝐘: After the death of Charles' grandfather, he is expected to take over his grandfather's forgotten café. Charles Sebastian Lafuente, a passionate man in pursuit of his dream career as a doctor. But all of his dreams shattered to build...