CHAPTER 24

23 7 0
                                    

[Chapter 24]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Chapter 24]










Brainwelyn

Gusto kitang makasama buong gabi.

Kasama ditong sumayaw sa buong oras.

Hawakan mo ang kamay kong tanging ikaw lang ang nais makahawak.

Brainwelyn. . . gising na. Malayo sa katotohanan ang gusto mong mangyari. Anong magagawa ng pagmamahal mo kung hindi ka gusto ng gusto mo?

"So, did you reject Steven's feelings?" biglang tanong ni Charles.

Ngek, bakit naman niya natanong? Masyado na siyang nangangalakal ng chismis sa aming dalawa ni Steven.

Ngumuso ako at napatingin sa baba, "Oo eh."

Ngumisi siya, "Bakit naman? Hindi mo ba type si Steven?"

Ano ba namang klaseng mga tanong 'yan?!

Pero oo.

"Daming tanong. Nandito na nga ako, ibang tao pa din pinag-uusapan," sarkastiko kong reklamo na siyang nagpahalakhak kay Charles.

Hindi ito umimik at nagkibit-balikat lamang na parang bata.

"Pwede ba isayaw mo na lang ako? Mamaya makahalata pa si Claudia sa 'tin, wala naman tayong label," dagdag ko pa. Ito seryoso na talaga ako dito.

Banat ko pa sa kaniya ang label namin na sa utak ko lang naman nabubuhay.

"Label?" blangko niyang pag-ulit. Mas nilapit niya pa ang ulo niya sa 'kin para marinig ako. Little did he know it just made me flush even harder.

"O-Oo. . ilayo mo nga ang ulo mo, wala ko makita." Sus, palusot. Gusto talaga kita maka eye to eye.

Umatras nga siya gaya ng utos ko. Oy! Bakit ka naman lumayo, pwede namang mamaya ka pa lumayo.

He caught my attention when I heard him grunt again, this time, more annoyed.

"Nandito na nga ako, ibang tao pa din ang pinag-uusapan. Sa akin ka lang mag-focus, otherwise I'm really going to be upset," he said, his eyes calmly narrowing.

Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Hala, totoo ba 'yan? Selos ka? Isang tao lang binanggit ko grabe ka naman magmaktol.

Akala ko joke lang, pero nagulat ako nang bigla niya akong pakawalan sa dance move, paghatak niya pabalik sa akin ay nagkahalik kami ng ilong. Ang mga mata'y hindi makaiwas sa titig ng isa.

Kakainin na ako ng hiya ko sa ganito. Legit na naka eye to eye ko nga ang boss ko. . . .

Mukhang naknakan nga talaga ako ng swerte.

"Brainwelyn. . . ," bigla niyang tawag sa pananalitang tila ba may matinding pangangailangan siya.

Bumalik sa akin ang nahihirapan niyang mata.

✓ | Sweet Vanilla KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon