[Chapter 43]
Brainwelyn
Nagsimula ang mga date namin. Actually ito na nga ang unang araw ng date namin e. Mala date compilation ang nangyari.
Sobrang excited ko ang aga ko pa nagising para lang magplano ng susuotin ko. Pero ang oras talaga ng meet up namin ay alas onse ng umaga.
Ang napili ko naman na suotin ay ang red petal bell sleeves ruffle dress na binili ko lang sa tiyangge dalawang araw na ang nakalipas. Sobrang ganda niya at pinag-effort ko talaga ang paghahandang ginawa ko para lang sa date namin. Mura lang naman ito, kumasya sa budget ko.
Ngayon, susuotin ko na siya, dinadagdan ko lang ng accessories gaya ng gold necklaces at ang formal watch ko.
At exactly ten am, nakagayak na ako. Hayst, napaaga ako masyado dahil sa excitement ko. Ayan tuloy, nag-intay ako sa bahay ng isa pang oras. At nang mag-quarter to eleven na nga, tinawagan ko na si Charles.
"Hello, Charles? Hand-" Tatanungin ko sana kung handa na siya kaso inunahan niya ako.
"You're ready?"
"Oo," nagagalak kong sagot dito. Halos hindi na mabura ang masasayang ngiti na nakaburda sa mukha ko.
"O sige, lumabas ka na, I'll pick you up." Oh my god! Hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong huwag kiligin sa paraan ng pag-aya niya sa 'kin. Certified boyfriend talaga ang dating!
"Okay!" pabebe kong sagot.
Natapos ang tawag. Binitbit ko ang puting sling bag ko at nagmadali nang pumunta sa labas sa may sakayan ng bus.
I stood patiently outside, completely absorbed by my excitement and anticipation.
I didn't realize how much time had elapsed as the buzz of excitement coursing through me kept my focus elsewhere. The hours seemed to fly by as I eagerly anticipated what lay ahead.
Hanggang sa ang mamalayan ko ay lumipas na pala ang dalawang oras ng pag-iintay. Bakit ba ang tagal niya? Kanina pa siya tumawag na lumabas na ako tapos pag-iintayin lang pala 'ko dito.
Pero baka na-traffic lang. . . mas makakabuti kung tatawagan ko siya ulit.
Kinuha ko ang cellphone ko para i-dial ang number ni Charles. Pati sa pagri-ring ng tawag ay napapatagal din.
Halos maglakad-lakad na ako dito sa inip, pero kinalaunan ay sumagot din naman siya, "Hello?" bumungad sa akin ang tila ba natatarantang boses ni Charles, sa paraan ng pagsagot niya parang hindi niya inaaasahan na tatawag ako.
"Hello!" iritable kong sagot sa tawag.
"I'm sorry, pwede bang mauna ka na lang sa restaurant? Susunod na lang ako, may hinahabol lang talaga ako ngayon."
BINABASA MO ANG
✓ | Sweet Vanilla Kiss
Romance𝐒𝐔𝐌𝐌𝐀𝐑𝐘: After the death of Charles' grandfather, he is expected to take over his grandfather's forgotten café. Charles Sebastian Lafuente, a passionate man in pursuit of his dream career as a doctor. But all of his dreams shattered to build...