CHAPTER 1

103 13 1
                                    

[Chapter 1]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Chapter 1]








Kim Brainwelyn Moncada

(Her pov)

"One. . . two. . three. . smile!" Ngumiti kaming lahat nina mama at papa sa pagkuha sa amin ng litrato. Para ito sa graduation memories.

Finally. . . magiging college student na ako. I graduated in my ABM strand dahil may sinusunod akong career. Isa lang naman ang gusto kong gawin sa kinabukasan ko, ang maging barista.

Inaakala ng marami na madali lang ito dahil simpleng pagtitimpla lang ito ng kape, but the truth is--hindi talaga ito kadali gaya ng inaakala ng lahat, it's more than that. Sa katunayan ay hindi ko pa napeperpekto ang sa akin, wala pa akong experience kaya balak kong kumuha ng part time job para hindi lang ako magkaroon ng basic knowledge, magkakaroon pa ako ng dagdag kita para sa sarili ko.

"Saan mo gusto kumain?" biglang tanong ni Mama habang tinatapik-tapik ako sa balikat ko.

Nginitian ko siya saka sumagot, "Mag Jollibee na lang tayo, Ma"

Nagkatinginan sila ni Papa at nagkabuhulan ng mga sinasabi, "Sige sige," unang sabi ni Mama at, "Sige, kahit saan, ha? Ah sige ba," sabi naman ni Papa.

Dumeretso na kami sa pinakamalapit na Jollibee dito. Nang makarating kami, si Mama na ang naiwan sa napili naming table para magbantay, ako naman ang kasama ni Papa sa pag-order.

Lumapit kami sa may counter saka um-order. Hindi na namin tinanong si Mama dahil ang usual lang naman ang o-orderin niya, ang sopas at Chickenjoy. Kami ni papa ay iba, ako kasi ay sundae at Chickenjoy with spaghetti and o-orderin, at si Papa naman ay Cheesy Yumburger at sundae lang. Mahilig kasi kami ni Papa sa ice cream kaya nga bata pa lang ako, 'yan na ang alam niyang pangsulsol sa 'kin.

Matapos maka-order ay bumalik na kami ni Papa sa table, "Oh ano? Na-order niyo ba ang gusto ko? Baka nakalimutan niyo at mali ang na-order niyo." pangangamusta ni Mama nang makabalik kami.

"Oo naman 'Ma! Sopas at Chickenjoy 'di ba?" confident ako sa sinabi ko, dahil wala namang dahilan para magkamali ako.

Pero laking gulat ko nang sumimangot si Mama, "Mali! Ang gusto ko ay iyong burger steak!" Parehong namilog ang mata namin ni Papa. Hindi namin lubos akalain na magkakamali kami. Desidido akong iyon ang usual na ino-order ni Mama!

'Di bale na. Agad kaming tumakbo pabalik sa counter para baguhin ang order. Si Mama naman, hindi na lang kasi sinabi sa 'min bago kami nagpunta ng counter. Buti na lang talaga at mabait ang clerk, hinayaan na lang kaming magpalit ng order.

Maya-maya lang ay dumating na ang pinakahihintay naming pagkain. Nakuha ko nga ang in-order kong Chickenjoy with spaghetti. Kasabay nai-serve ang sundae namin ni Papa. Bukod roon ay nabigay naman sa amin ang eksaktong mga in-order namin.

✓ | Sweet Vanilla KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon