Prologue

4.4K 64 6
                                    

Mika: And once again fellow students and pupils of St. Xavier Academy, I am Mikhaela Xhien Clarkson-Sandoval, running for your Student Council President for the School Year 2015-2016! Thank You!

Ngumiti si Mika at bumaba sa stage. Para talaga siyang pulitiko sa itsura niya ngayon. Kahit naka-uniform siya ay maraming tao ang malakas na nagpalak-pakan matapos niyang ilahad ang lahat ng plataporma niya para sa taong ito. Kasunod ni Mika ay ang kaklase niya at masasabing mortal niyang kaaway, si Adam.

Adam: Nice speech.

Ngumiti si Adam kay Mika pag dating nito sa back stage at binati. Pero tila para kay Mika at sarcastic ang dating ni Adam. Sumunod ang grupo ni Adam na nag-present nang kanilang plataporma para sa school.

Katulad nang plataporma nila Mika ay maganda ang hangarin nila para aa eskwelahan.


Adam: Isa lamang akong patunay na hindi lahat ng varsity players ay bola ang hawak. Kaya ko ring humawak ng posisyon at katulad ng bola ay responsibilidad ko ang posisyon ko, responsibilidad ko kayo.

Naghiyawan ang mga tao sa loob ng auditorium at ang iba ay tumayo pa sa pagpalakpak. Bago umalis ang grupo ni Adam at inangat nito ang uniporme dahilan para lumantad sa madla ang magandang hubog ng katawan niya.


Mika: Ewww (pabulong na sabi)

Pagka-baba nang stage ng grupo ni Adam ay agad silang nag-ingay at nag-celebrate sa sobrang saya nila. Ang grupo naman ni Mika ay tahimik lang na bumalik sa kani-kanilang mga classrooms.


Adam: Adam Dmitri Ayala-Zulueta, President of the School Year 2015-2016. Ang cool 'di ba?

Mapang-asar na sabi ni Adam sa katabi niyang si Mika. Nanlilisik ang mata at umuusok ang ilong at tenga ni Mika nang mapakinggan niya si Adam.

Mika: Ano namang kayang gawin ng isang varsity player para sa eskwelahan natin? Mag-lalaro ka lang ata eh.

Adam: Mika alam mo you should give chane to others. Masama ang madamot, sige ka. (pang-aasar pa ni Adam.)

Mika: Alam mo Adam, kung sa'yo rin lang, ayoko nang mag-bigay ng chance. Kasi kung alam ko naman na ako na yung the best at karapat-dapat, bakit pa ako magbibigay ng chance sa iba. Saka alam mo ang mga binibigyan lang ng chance ay yung mga deserving.

Adam: We'll see. (mayabang na tono.)

Mika: Humanda ka na sa pagka-talo mo!

Adam: Chill! Sige, paghahandaan ko pagka-talo mo. Magpapa-pancit pa ako!

Mika: That was nice of you! (sarkastikong sabi ni Mika at saka inirapan si Adam)

Adam: Let's make a deal para naman hindi ka lugi. Kapag nanalo ka, I'll be your slave, for a month. Then, kapag nanalo ako, you will be my slave for a month. Lahat ng ipapagawa ko gagawin mo.

Mika: (nag-iisip...) Deal!

Presidency RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon