Chapter 31

855 18 5
                                    

Second week ng September at nagkaroon ang St. Xavier Academy ng annual event nila ang tinatawag na INTRACAD. Kung saan pinagsama ang Intrams at Academy Day. Isang linggo ang pagdiriwang nila kaya naman busy ang lahat para sa mga preparasyon lalo na si President Adam.

Napunta sa section nila ang Marriage booth at busy na sila pag-hahanda para rito.

Aizle: Guys game na meeting na tayo!

Si Aizle ang president ng section nila kaya siya ang taga-pangasiwa ng meeting ngayong hapon.

Aizle: Sino ang may puting gowns sa inyo na pwede nating hiramin? May isa ako dun sa bahay. Dalawa na lang para tatlo.

Nagtaas ng kamay sila Lyn at Minette na mga kaklase nila at sila na ang nag-dala ng dalawa pang gown. Inilista lahat nila ang mga kailangan pati na ang props na gagamitin nila.

Aizle: Mika pwede bang ikaw ang gumawa ng props? Mag-hanap ka na lang ng kasama mo, magaling ka kasi sa arts eh.

Mika: Hmmm, sige.

Pagka-tapos ng meeting nila ay agad namang nilapitan ni Mika si Aizle para sa budget na pambili ng props. Ibinigay sa kaniya ni Aizle ang pera at siya na ang bahalang bumili. Gagawa si Mika ng origami na mga bulaklak at iba pang pang-design para sa booth nila.

Nilapitan ni Mika isa-isa ang mga kaklase na pwede niyang makasama pero busy ang lahat sa kani-kanilang practices. Halos lahat ay member ng brass at marching bands dahil nga sa graduating na ay kailangan nila ng grade sa co-corricular activities. Ang iba naman na varsity ay may practice pa dahil sa tuwing Sabado na inter-school competition, ang iba naman ay hindi malapitan ni Mika dahil hindi niya sila ganoon ka-close at ang iba ay wala ring alam sa nga ganung klaseng arts.

Wala ng nagawa si Mika kundi mag-isang gawin ang props na ipinapagawa ni Aizle total wala rin naman siyang gaanong gagawin at siya rin ang secretary ng Art Club.

Caleb: Mika! Mika!

Tawag ni Caleb kay Mika habang papalabas siya ng gate. Agad namang napa-lingon si Mika kay Caleb at ngumiti.

Mika: Hi! Wala kayong practice?

Caleb: Wala, kaninang umaga ang training namin. Pauwi na sana ako kaso naman nakita kita so I ran called you.

Mika: Ahh. Okay.

Caleb: So where are you going?

Mika: Sa National. May bibilhin kasi ako.

Caleb: Can I come with you for a minute?


Ngumiti si Mika at saka sila lumabas ng gate. Pumara sila ng jeep at sumakay.


Caleb: I got this.



Sabi ni Caleb kay Mika na kukuha pa lamang ng barya niya sa coin purse.



Mika: Oh, thanks. :)

Caleb: Kuya, makikisuyo po ng bayad. Dalawang National lang po.


Pagka-abot ng bayad ay napatigil ang jeep sa tapat ng school na malapit lang sa St. Xavier. Maraming estudyante ang sumakay kasi mahaba naman ang jeep na sinakyan nila Mika at Caleb. Napa-ipod si Mika pakanan kay Caleb.


Girl1: Girl ang gwapo.


Bulong ng isang babae na taga-Greenhills Academy sa katabi nito. Si Caleb ang tinutukoy nila at panay ang pa-cute.


Caleb: Ipod ka pa dito para maka-upo pa sila.


Hinawakan ni Caleb si Mika sa kaliwang braso na parang pa-akbay para iipod si Mika papunta sa kaniya. Natatawa na lamang si Mika dahil alam niya ang gustong palabasin ni Caleb.



Girl2: Girl, may girlfriend na pala eh.


Natatawa si Mika sa isip niya sapagkat nag-work out ang plina-plano ni Caleb. Makalipas ang tatlong minuto ay bumaba na sila Mika at Caleb.

Namili muna sila ng mga kailangan ni Mika tulad ng cartolina, felt paper, construction papers, gunting, glue at cutter. Tinulungan na rin ni Caleb si Mika mag-bitbit ng mga pinamili niya. Palabas na sila ng bookstore ng bigla namang pumasok ang ibang varsity ng SXA at magkasama sila Gwen at Adam. Agad namang nag-tago si Gwen sa mga kasama na tila takot kay Mika. Napa-tingin si Mika kay Adam at lumabas na ng bookstore.



Grae: Bakit kasama mo si Mika?





Nilapitan niya si Caleb at tinanong. Halata ang tensyon sa pagitan nila Grae at Caleb.





Caleb: Nagpasama siya sa akin eh. Sige una na kami, we still have to do thier props para sa wedding booth ng section nila.





Ngumiti si Caleb at lumabas ng bookstore. Tumigil siya saglit bago maka-layo at binulungan si Grae.





Caleb: Tell your best friend to take care. He might loose someone important to him. Oh well, hindi nga pala siya importante sa best friend mo.




Tumingin siya kay Adam at ngumiti saka ulit ibinaling ang tingin kay Grae at tinapik sa balikat.




Caleb: Gotta go!




Naglakad na si Caleb palayo para sundan si Mika. Samantalang si Adam naman ay kitang kita ang pag-layo ni Mika sa kaniya at ang pag-sunod ni Caleb dito. Hindi man ipakita ay nasasaktan si Adam sa loob niya ng hindi naman niya alam ang dahilan.





Gwen: Adam, I want that!




Bigla namang hinila ni Gwen si Adam at itinuturo ang bag na gusto niya.




Adam: Okay.





May usapan silang dalawa na bibilhan ni Adam si Gwen ng regalo as an advance birthday gift. Hindi mapakali si Adam kaiisip kay Mika kaya nilapitan niya si Grae.





Adam: Ano'ng sinabi ng amerikanong hilaw na yun? (pabulong)

Grae: Wala. Walang kwenta naman yun eh.

Adam: Walang sinabi kung saan sila pupunta?

Grae: Wala eh. Bakit?





Umalis na agad si Adam at nag-iwan na lang ng pera kay Grae para bayaran ang bag ni Gwen. Sumakay siya sa kotse niya at nag-maneho paalis.

Hindi malaman ni Adam kung bakit hindi siya mapakali. Simula noong nagka-galit sila ni Mika ay naging okay sila ni Gwen at palagi na ulit silang mag-kasama ngunit hindi pa rin siya masaya.




*****



Mika:a Caleb salamat ha. Wala ka ba talagang gagawin, sure ka?

Caleb: Wala talaga, promise! :)




Sa terrace sa labas ng bahay gumawa sila Mika at Caleb ng mga origami na bulaklak at iba pa nilang props.

Presidency RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon