Chapter 6

1.2K 28 5
                                    

Last week of June at ngayon na ang araw para malaman kung sino kila Mika at Adam ang mananalo.

Maagang pumasok si Mika para dumaan sa Blessed Sacrament at ipagdasal ang mga mangyayari mamaya. Inaabangan ng lahat ang araw na ito dahil na rin sa mainit na labanan sa pagitan nila Mika at Adam.

Nagsimula ang botohan sa mga Grade 3 pupils at habang bumoboto ang iba nagkakaroon naman ng klase ang ibang year levels.

Makikitang nasa good mood si Mika. Si Adam chill lang pero medyo kinakabahan. Si Mika parang confident na confident na siya ang mananalo.

Dumaan ang recess at patuloy ang pasimpleng pangangampanya ni Mika sa mga estudyante. Nakikihalubilo siya sa ilan at nakikipag kwentuhan para siguro mas makilala pa siya.

Habang palapit ng palapit ang last period kinakabahan na ang dalawang kampo hanggang sa nag-alas tres na at oras na para bumoto ang mga seniors. Nauna ang section nila Mika since Section A sila. Naka alphabetical silang pumila at pumunta sa Computer Lab 1 para bumoto.

Matapos ang pag-boto ay bumalik na sila sa classroom para ituloy ang klase. Nag-alas kwatro at uwian na. Nagtama naman ang mata nila Mika at Adam.


Adam: Wag kang pakampante, slave.

Mika: Huh! Get ready for your wrath! Maghanda ka na sa susunod na month.

Adam: Let's see tomorrow. Bye!



Pag-uwi ni Mika sa bahay...



Mikhael: Nag start na ba ang election?

Mika: Yes dad.

Mikhael: Be sure to win that.

Mika: Yes dad. I asure you. (smiles)



Kinabukasan ay maagang pumasok si Mika sa school para tingnan sa bulletin board kung sino ang mga nanalo.




1st Year Representative
Betsy Andal

2nd Year Representative
Luviña Munar

3rd Year Representative
Reem Tan

4th Year Representative
Kristel Joy Sevilla

P.R.O.
Joshua Elaine I. Atanacio

Auditor
Zane Laude

Treasurer
Michelle Albarillo

Secretary
Justine Paula Barrera

Vice-President
Zebedee Navarro




Pumikit si Mika bago basahin ang President. Lahat ng nasa party niya ay panalo maliban lang kay Luviña. Kinkabahan si Mika ay unti-unti niyang hinarap ang board. Bigla siyang nagkaroon ng feeling of doubt at parang nawala lahat ng confident niya.


Boys: Whooooooo!!!!!! Adam! Adam! Adam!!!



Napalingon si Mika sa mga lalaki at kasama si Adam habang kinakamayan nila. Agad niyang tiningnan ang President.



President
Adam Dmitri Zulueta



Napa second sight si Mika ng makita ang resulta. Hindi siya makapaniwala sa nabasa niya.



Mika: WHAT?!! No!


Paalis na sana siya pero agad siyang hinarangan ni Adam at na-corner sa may bulletin board. Hinarangan ni Adam ang magkabilang tabi ni Mika para hindi siya maka-alis.



Adam: See, I told you. Wag kang pakampante. (smiles)

Mika: (irap) Dinaya mo ang election kaya ganyan.

Adam: Mika, accept it. Natalo kita. So the deal.

Mika: (roll eyes, cross arms) What? (pout)

Adam: Just meet me at the canteen after class.



Nag lip bite si Adam at ngumiti. Hinawakan ang baba ni Mika at agad tinabug ni Mika ang kamay ni Adam.



Adam: You look so cute when you pout. (pabulong) Come on na boys! Magpapasalamat pa tayo sa supporters natin! (alis)

Boys: Adam! Adam! Adam! Whoooooo!!! (fading)



*****


Mika: Bwisit! Bwisit talaga! Nakaka-inis! Urgh!

Angelie: Mika, accept it, okay? Wala na tayong magagawa dun.

Claire: Isipin mo na lang na sobra mong generous kaya mo ibinigay yung spot kay Adam. Girl, ang dami mo ng achievements. Mamigay ka naman.

Angelie: Bakit ba kaso sobra kang mag-rant? Hindi ka naman ganyan kapag sa iba ah.

Claire: Gie, alam mo namang si Adam yun. Longest-alive-mortal-enemies, remember?

Angelie: May iba pa bang dahilan bukod sa natapakan ego mo?



Natigilan si Mika sa tanong ni Angie. Hindi niya pwedeng sabihin sa kanila ang usapan nila ni Adam dahil ayaw niyang malaman na slave siya ni Adam. Para kay Mika, nakakahiya at napakababaw.




Mika: Wala! Nasaktan lang talaga ko! Nakakainis! Urgh!



Buong araw nag-rant si Mika at hanggang sa office ni Mr. M nag-ra-rant siya. Hindi niya sinipot si Adam sa canteen nung hapon sa halip ay sumama siya kay Clark sa may mall para mag chill-out.




Clark: I know this will make you better.



Binilhan ni Clark ng Dairy Queen Ice-Cream si Mika.



Mika: Thanks! (smiles)

Clark: Don't give me a weak smile babawiin ko yan.

Mika: Joke! (grin)

Clark: Ikaw talagang bata ka. Yaan mo na yun. Palampasin mo na. Officer ka na naman ng mga nagdaang panahon saka hindi mo naman first time matalo di ba?

Mika: Iba kasi eh.

Clark: Paanong iba?



Hindi rin pwedeng malaman ni Clark ang deal nila ni Adam. Walang pwedeng maka-alam kahit sino pa yun.



Mika: Wala. Naiinis lang talaga ako sa kayabangan niya.




Tumawa lang si Clark at ginulo ang buhok ni Mika. Pag-uwi sa bhay hindi niya alam kung paano i-e-explain sa Papa niya ang pangyayari. Hindi niya alam kung paano sisimulan.




Mikhael: What? You loose?

Mika: I'm sorry dad (pinipigil ang pag-iyak)

Mikhael: I thought you asure me that you'll win?

Mika: Yes dad but, I don't know what happened. Maayos naman po yung pangangampanya ko eh.

Mikhael: So you assume?

Mika: Something... like... that. (pahina ng pahina ang boses)

Mikhael: Mikhaela how many times do I have to telk you not to assume! Look what happened? You failed my expectations in you! Hay naku Mikhaela, I don't know what to do with you! Have you forgotten what I told you?

Mika: (sobrang pigil sa pag-iyak) Failure pulls you down.

Mikhael: You only knew it by words, you don't act on it. Go out! I don't to see you first. Just leave me alone for now, okay?

Mika: Yes dad.




Pag-labas ni Mika ay saka niya ibinuhos ang lahat ng emosyon niya. Galit, inis, sakit at kabiguan. Umiyak lang ng umiyak si Mika at hindi na rin kumain kinagabihan.

Sa ngayon gusto lang niyang mapag-isa. Hindi niya alam kung sino ang dapat tawagan at iyakan kaya mag-isa niyang dimala ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.

Presidency RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon