Chapter 2

1.8K 36 6
                                    

Kinagabihan naman ay nagkaroon ng woods party sa isang tago at hindi kilalang gubat sa lugar nila. Syempre pa ang nag-organize nito ay walang iba kundi ang mga varsity ng SXA. Sila lang naman kasi ang mahilig magpasimuno ng mga ganyan.

Toffer: Game?

Adam: Hit it!

Lalong lumakas ang musika at lalo namang nag-party ang lahat. Hindi ito school activity pero halos lahat ng estudyante sa St. Xavier Academy ay nandito.

Bigla namang humina ang music ng biglang umakyat si Adam sa stage sa tabi ng DJ at pinatigil ang tugtog. (mic feedback)

Adam: Mag-ingaaaaaaaaay!!!!!!!

Malakas na sigaw ni Adam sa microphone at ganun na nga ay nag-ingay ang lahat.

Adam: Sa mga nagdaang-araw, siguro ay napapakinggan ninyo ang bali-balita na lalaban ako sa pagka-Presidente. Tama! Tama ang inyong narinig. Lalaban ako para sa inyo!

Lalong nag-ingay ang mga tao. Sigawan at palakpakan. (noise fades)

Adam: Inaasahan ko po ang inyong pag-suporta sa akin sa darating na eleksyon. Gusto kong magpasa kayo sa akin ng mga gusto ninyong baguhin o mga idagdag na batas sa Academy para sa ikabubuti ng school. We will review it at isasama sa mga plata-porma namin. I am Adam Dmitri Zulueta, running for President!

Nagsigawan at nagpalakpakan ang mga estudyante. Lumakas ang tugtog at nag-party ang lahat. Pagkababa ni Adam ng stage ay agad siyang nakipag-apir sa mga ka-team niya at naghalikan sila ng girlfriend na si Gwen.

*****

Mika: WHAT?!!! (malakas na palo sa table)

Betsy: Eh Ate Mika yun lang yung napakinggan kong usap-usapan ng mga kaklase ko eh. (takot na takot)

Kristel: Ano'ng nangyari? Pasensya na late ako.

Elaine: Nagkaroon ng woods party kagabi. Ginamit yun ng grupo nila Adam para mangampanya.

Mika: We need to move!

Agad namang naka-isip si Mika ng gagawin nila. Kailangan nilang magpa-good vibes sa mga estudyante kahit na sikat silang lahat sa school. Mga honnor student at may background na sa leadership ang lahat sa kanila. Tinarget nila ang mga nasa lower year lalo na ang freshmen. Bawat makita nilang estudyante ay babatiin nila araw-araw at hahayaang lumapit sa kanila. Open din sila for tutorials.

*****

Toffer: Aba mukhang desidido talaga si mortal enemy mo na manalo at kunin ang korona ah.

Adam: Hindi ko hahayaan yun. Ano ba tingin mo sa akin hindi desidido?

Toffer: Init ng ulo mo. Hindi naman sa ganun talagang natutuwa lang ako sa inyo, ang effort ninyo. Napaka competitive. Ngayon lang kita nakitang ganito.

Tiningnan lang ni Adam si Toffer at nag-smirk sila parehas. Halos lahat naman nang nasa grupo ni Adam ay mga varsity players at ang ilan ay mga popular na model sa lugar nila.



Gwen: So serious babe?

Adam: No babe. (ngumiti)

Gwen: (umirap at umalis) Bahala ka na nga! Wala ka nang panahon sa akin.

Adam: Gwen!!!


Hinayaan na lang ni Adam si Gwen dahil alam niyang magkakabalikan din sila kung hindi man ay marami pa namang iba diyan.

Kinahapunan ay nagpasa na ng forms sila Mika at Adam sa Student's Affair and Discipline Office para ma-review ang forms at grades nila pati na rin ang mga plata-porma nila.

Pag dating sa office ay nagpa-unahan pa ang dalawa sa pag-pasok sa pinto at para nanamang may kuryente sa pagitan nilang dalawa kapag nagtatama ang tingin nila. Damang-dama sa buong office ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.


Mika: Nauna ako!

Adam: Ako kaya!

Mika: No! Ako!

Adam: Ako!

Madam Vera: Ateh, koya, ano? Mag-aaway pa ha?

Nagtinginan lang ang dalawa at kinuha na ni Madam Vera ang forms nila at magkahiwalay na inilagay sa mga folders.


Madam Vera: Osya! Go go na! Oke na!



Kahit palabas ng pinto ay nag-uunahan pa ang dalawa. Pag labas naman ay inirapan lang ni Mika si Adam at umalis na. Si Adam naman ay nagmamadaling magpunta sa varsity room para magpalit ng jersey at panlaro.


Mika: Grrr! Nakaka-inis talaga! Nakaka-inis talaga siya!!!


Pauli-uli si Mika habang nagra-rant sa harapan ng tatay-tatayan niyang si Mr. M.

Mr. M: Anak kalma!


Sabi ng propesor habang ang paa ay nakataas pa sa lamesa niya habang hawak ang bagong timplang kape.



Mika: Nakaka-bwisit kasi siya Tatay, alam mo yun? Ang yabang niya! Akala mo kung sinong magaling!

Mr. M: Bakit magaling ka ba?

Mika: Oo naman Tay! Wala ka bang tiwala sa akin? Nakakagigil! Anyways hindi ko kailangang aksayahin ang oras ko sa kaniya dahil papangit lang ako! Sayang lang energy ko!


Natawa lang naman si Mr. M sa kaartehang sinabi ni Mika at uminom sa kape niya.


Clark: Tama, wag mo ng pag-aksayahan ng oras si Adam, sa akin na lang yang oras na yan para hindi masayang.



Napalingon naman si Mika sa may pinto nang biglang may mag-salita. Sa loob-loob niya ay kilala niya ang boses na yun kaya siya napalingon. Laking gulat niya nang makita si Clark Patrimonio na isang ex-student sa SXA at college na ngayon. Ahead siya ng isang taon kay Mika at special someone ni Mika. MU sila para kay Mika pero si Clark hindi mo maintindihan kung higit pa ba sa kaibigan ang tingin kay Mika.

Mika: K-k-kuya C-clark. A-anong ginagawa mo dito? (nauutal na sabi at nag-bla-blush)

Clark: Hi Mika! (ngiti, tingin kay Mr.M) Tay! (niyakap si Mr. M at tinabihan si Mika sa may sofa) I miss you! Pwede ka ba ngayon?

Mika: I miss you too! Oo naman.



Niyakap ni Mika si Clark at ganun din si Clark. Uwian na nun at naghihintay na lang ng alas-singko si Mr.M para maka-uwi. Sila Clark at Mika naman ay pumunta muna sa isang mall na hindi kalayuan sa school. Parehas pang naka-schook uniform ang dalawa habang naglalakad-lakad sa mall.


Clark: Kamusta naman ang running for President na si Ms. Mikhaela Sandoval?

Mika: Stressing. Nakaka-imbyerna ang kalaban ko eh.

Clark: Who?

Mika: Adam Zulueta (irap ng mata)

Presidency RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon