Mika: T-thanks. (awkward)
Caleb: (smiles) Oh ano pa?
Umiling lang ito at pumunta sa counter. Nagpaalam naman si Caleb na may bibilhin lang at doon na sila nagbitaw ng kamay. Hindi alam ni Mika sa sarili kung bakit hinahanap-hanap niya ang kamay ni Caleb na naka-hawak sa kamay niya.
Binayaran ni Mika ang binili at hinintay si Caleb sa labas ng bookstore. Pag labas ni Caleb ay hinawakan niyang muli ang kamay ni Mika. Nagulat naman si Mika at tiningnan si Caleb na naka-ngiti lamang sa kaniya. Nginitian na rin lang siya ni Mika at hinigpitan naman ni Caleb ang hawak sa kamay ni Mika.
Pagdating ng Lunes ay walang imikan sila Adam at Mika. Iniiwasan lamang nila ang isa't isa at nag-focus na lamang si Mika sa mga lalabanan niya sa mga susunod na Linggo.
Eyem: LQ?
Mika: Ha?
Tyrone: Did you two get into a fight?
Nagulat ang dalawa lalo na si Eyem sa pag-singit ni Tyrone sa kanilang usapan habang nag-di-discuss si Ms. Catacutan.
Eyem: Hindi mo kami sasawayin?
Tyrone: No! :)
Mika: Makinig na lang kayo. Baka magalit sa atin si Miss.
Hindi na napilit ng dalawa na mag-kwento si Mika hanggang sa uwian nila. Nagkita naman sila Mika at Clark para manuod ng UAAP pero parang wala pa rin ito sa mood niya.
Clark: You okay? Nilalagnat ka ba?
Hinipo ni Clark ang leeg at noo ni Mika para i-check kung okay lang ba siya. Sinabi ni Mika na ayos lang siya at medyo pagod lang sa mga gawain sa school.
*****
Adam: Mika, can we talk?
Out of the blue, isang araw ay kinausap ni Adam si Mika matapos ang linggo na yun. Nagkita sila sa canteen pagkatapos ng klase. Nauna si Mika at hinintay si Adam doon.
Mika: What do you want to talk about?
Tanong agad niya kay Adam pagka-kita niya.
Adam: Bakit mo ginawa yun kay Gwen? Wala naman siyang ginagawang masama sa'yo 'di ba?
Rinig sa boses ni Adam ang inis.
Mika: Ginawa? Adam wala akong ginagawa kay ---
Hindi na naka-tuloy si Mika sa pag-sasalita dahil sa pag-palo ni Adam ng malakas sa lamesa na ikinagulat at ikinatakot ni Mika. Nanginginig na ang mga luha nito sa mata at hindi niya alam kung bakit.
Adam: Bullhshit Mika! Why do you have to lie? Sinaktan mo na nga at pinagsasabi ng masasama si Gwen tapos magsisinungaling ka pa ngayon? Ano'ng akala mo sa akin mapapaniwala mo ako at maawa sa'yo? Mika tandaan mo, hindi kita ka-anu-ano, at si Gwen, mahal ko si Gwen, kaya 'wag na 'wag mo na ulit mahahawakan o masasaktan si Gwen kung hindi, ako na mismo makaka-laban mo.
Nagulat at nasaktan si Mika sa mga sinasabi ni Adam. Hindi niya maipag-tanggol ang sarili kaya umalis na lamang siya at tumakbo palabas ng gate. Naiiyak siya dahil hindi siya maka-paniwala na kay Adam mismo nag-mula ang mga salitang yun.
Pag-tawid ni Mika sa kabila para mag-abang ng jeep pauwi ay agad namang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi na nagpa-sundo si Mika dahil nawala na rin sa isip niya. Halos lahat ng tao ay naki-silong sa mga labis na bubong ng mga buildings at establishments malapit sa school nila. Wala ng mapuntahan si Mika kaya nag-hanap sa loob ng bag na pwedeng mapang-sangga sa ulan.
Caleb: Magkakalagnat ka niyan.
Mika: Caleb?
Pinayungan ni Caleb si Mika at niykap sa ng dalaga. Nagulat man si Caleb at ipinatong na lamang nito ang kamay sa likod ni Mika at hinaplos ang buhok.
Caleb: Tahan na. Ihahatid na kita pauwi para may payong ka.
Sumakay ng jeep ang dalawa at pinahiram ni Caleb si Mika ng panyo para punasan ang sarili. Basang basa ang panyo ni Mika dahil sa pagka-basa sa ulan.
Caleb: Saan ba ang inyo?
Mika: Cordillera Street.
Tumango lang si Caleb. Kahit lampas sa kanila ay sinamahan niya si Mika hanggang sa tapat ng bahay nila. Nagpa-alam si Caleb at saka umuwi, tumila na rin ang ulan.
Isang buong linggo na walang pansinan at imikan nanaman sila Adam at Mika at marami na ang nakaka-pansin at nag-tataka kung bakit.
Samantalang, isang araw, habang naglalakad si Caleb sa may corridor papunta sa classroom ay may napakinggan siyang dalawang kaklaseng babae na nag-uusap habang naka-sandal sa pasamano ng 3rd floor. Pumasok siya sa classroom nila at umupo malapit sa dalawa para mapakinggan ang usapan.
Girl 1: Magka-away daw sila Mika at Adam dahil kay Gwen? Totoo ba yun?
Girl 2: Ha? Bakit? Hindi ba dapat si Mika ang kinakampihan ni Adam?
Girl 1: Mas bagay naman si Adam at Gwen. Masama pala ugali nung si Mika, sinabihan daw si Gwen na wag lumapit-lapit kay Adam dahil sa kaniya na eh wala namang ginagawa si Gwen sa kaniya.
Girl 2: Seryoso ka? Kelan nangyari daw yan? Baka naman chicka lang. Mabait kaya si Ate Mika.
Girl 1: Oo yun ang sabi ng mga volleyball girls na varsity.
Girl 2: Tsk. Papansin nanaman sila. Mga pa-bida eh! Nandun kaya ako ng away-awayin ni Gwen si Mika. Napakinggan ko ang lahat! Binaliktad nila ang story para lang balikan siya ni Adam. Papansin talaga yung mga yun.
Girl 1: Weh? Seryoso.
Girl2: Oo girl. Nasa taas lang nila ako nun. Maldita talaga yang si Gwen.
Napa-isip naman si Caleb noong laban nila sa Priceton. Napa-ahh na lamang siya ng maalala ang mga nakita. Nakita niya na magka-usap sila Mika at Gwen pero wala naman siyang mapakinggan kasi nasa baba siya. Sinundan niya ng tingin ang dalawa hanggang umalis si Mika at makita niya.
Caleb: (sa isip...) So that was the scenario back there. Hmmm...
Kita ni Caleb ang epekto nito kay Mika kaya naisipang kausapin si Adam. Napansin ni Caleb ang pagiging matamlayin ni Mika at pati na rin ang kawalang-gana. Hindi na siya tulad ng dati na hyper at makulit.
BINABASA MO ANG
Presidency Rivals
Teen FictionAdam Dmitri Zulueta vs. Mikhaela Xhien Sandoval for President for the S.Y. 2015-2016 Copyright © 2015 DiwatangBae All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including...