Chapter 22

955 22 7
                                    

Bago matapos ang buwan ng July ay nagulat ang buong SXA sa break-up ng isa sa best couple of the year, ang tambalang Grae at Zeb.




Zeb: Hay naku! Wag na wag lang talagang makakalapit yang lalaking yan sa akin masusuntok ko talaga! (iyak)

Jo: Bakit ba anong nangyari?

Mika: Hi! Good Morning! Oh Zeb ba't ka umiiyak? Anong nangyari?

Jo: Break na sila ni Grae.

Mika: Ha?! Kelan pa? Bakit? Anong nangyari?

Zeb: Hay naku itanong mo d'yan sa magaling mong boyfriend!




Nag-walk out si Zeb mula canteen kasama si Jo. Si Jo ay isa nilang kaklase at kaibigan. Nagtataka si Mika kung bakit nag-break ang dalawa. Hindi maisip ni Mika kung anong dahilab ng break-up gayung sila na ata ang perpektong halimbawa ng tinatawag na Relationship Goals.

Nakita naman ni Mika si Adam na kabababa lang ng kotse sa may parking lot kaya agad niyang pinuntahan si Adam.




Adam: (sinara ang pinto ng sasakyan, harap) Woah! Woooh! Bhie naman aatakihin ako sa puso sa'yo eh.

Mika: Hoy Adan! Anong ginawa ninyo kay Zeb at nag-break yung dalawa ni Grae?

Adam: Chill! Wala akong alam dun.

Mika: Anong wala? Eh bakit sabi ni Zeb sa akin itanong ko raw sa'yo kung ano ang nangyri? Umamin ka!

Adam: Chill! Mika ang lakas ng boses mo wag ka ngang mag-eskandalo dito. Agang aga sinisigawan mo ako. Pwede ka namang mag-tanong ng ayos ah.

Mika: Wala akong paki kung maaga at malakas ang boses ko. Walang sinuman ang pwedeng manakit kay Zeb at sa mga taong mahal ko.

Adam: Bahala ka sa buhay mo! Kung puro ka ganyan hindi na rin ako mag-aaksaya ng panahon sabihin pa sa'yo dahil hindi mo naman ako papakinggan. (alis)

Mika: Adam! Adam! Balik ka dito!




Kahit anong galit at tawag ni Mika kay Adam ay hindi ito lumapit kay Mika. Minabuti niya na hanapin si Michelle o Angie dahil siguradong alam na nila yun.

Hinayaan na muna ni Mika si Zeb na sumama kay Jo. Recess na at mukhang walang balak kumain si Zeb. Nilapitan niya ang dalawa na natira sa classroom para bilhan sila ng pagkain at doon na lamang mag-recess.




Mika: Zeb, imik na uy. Kahit hindi ka na kumain, sige na. Ikwento mo na sa akin.

Zeb: Ukinam! Nakaka-bwisit talaga yang mga varsity na yan eh!

Mika: Bakit anong ginawa sa'yo?

Jo: Here.




Ibinigay ni Jo ang phone kay Mika para ipakita ang litrato ni Grae at Aira na magka-halikan. Si Aira ay kakambal ni Aizle na nasa section B.




Mika: Oh fudge! What the?! Kelan to?

Jo: Kagabi raw.

Zeb: Bwisit! Nakaka-inis talaga! Hindi ko alam kung bakit ako niloko ni Grae. Naging mabait naman akong girlfriend. Ni isang explanation mula sa kanya wala! Magsama sila! Bwisit! (iyak)

Jo: Wag mo na ngang iyakan yun! Walang kwenta naman talaga yung lalaki na yun eh sabi sa'yo. Tsk. Nasayang lang 2 years mo sa kaniya.



Siniko naman ni Mika si Jo na isa ring basher slash hater ng mga varsities. Galit na galit si Mika sa nalaman. Ayaw na niyang tanungin pa si Zeb dahil alam niyang masakit iyon para sa kaniya. Hinanap niya sila Michelle at Angelie sa canteen at nakita naman niya.




Mika: Tell wht happened?

Angelie: Saan?

Mika: Last night.

Michelle: Me! Alam ko. Bali-balita ito ng mga nasa party kagabi. Sabi nila nakita nila na naghahalikan sila Grae at Aira sa couch. Well sobrang lasing ata ni Grae kaya ganun. May tampuhan daw kasi sila Grae at Zebedee kaya mas minabuti ni Grae na sumama sa mga ka-team niya na mag-bar. Kaso ayun nandun si Aira at kinanchawan sila ng team ng isang body shot at nauwi sa halikan.

Mika: Team? As in the whole varsity basketball team?

Michelle: Yeah.

Angelie: Eh di nandun din si Adam?

Michelle: Siguro? May nabanggit ba siya sa'yo na magba-bar sila kagabi?

Mika: O-oo.




Um-oo na lang si Mika kahit wala naman. Lalong nag-init ang dugo ni Mika sa varsity team kaya agad niya silang pinuntahan sa kabilang side ng canteen para komprontahin.




Mika: Mga gago! (suntok kay Grae)

Grae: Aray! Ano ba'ng problema mo?

Mika: Alam mi Grae kung anong problema ko! Grae naging mabuting girlfrend si Zeb sa'yo tapos gaganunin mo lang! Anong ginawa niya para pagtaksilan mo siya at talagang sa babaeng ito pa? (kunwaring susuntukin si Aira kaya napa-atras)

Yvonne: Wag mo ngang inaaway ang best friend ko!

Mika: Hoy Ibon! Wag kang makisali dito! Hindi ikaw ang bida! Wag ka ngang OA! Best friend? Wow ha! (nilaksan ang boses) Para sa lahat ng nandito ngayon... ang babaeng ito ay isang plastik at mas masahol pa sa plastik! Bakit? Hindi alam ni Aira na siya ang umahas sa ex niya. What a friend! Ganun na pala ang mag best friend ngayon noh?




Nagulat ang lahat sa revelations ni Mika at kahit si Aira ay nagulat.




Aira: Totoo ba yun? (naiiyak)

Mika: Oo naman kaya ingatan mo si Grae dahil matagal na siyang gusto ng (diin) Best friend mo!

Aira: Walang hiya ka!




Nagsabunutan at nagsampalan na sila Aira at Yvonne sa canteen. Samantalagang ang iba ay inaawat sila. Hinarap nila Grae, Toffer at Adam si Mika sa kabila ng gulo sa isang tabi.




Mika: Hindi pa tayo tapos Grae! Lalo ka na! (duro kay Toffer)

Adam: Mika umalis ka na!

Mika: Wag mo akong hawakan at wag mo akong tatawagin sa pangalan ko. I thought I see something good in you, pero hindi pala.




Umalis si Mika na may kurot sa puso niya. Ayaw man niyang sabihin yun kay Adam ay hindi na rin siya nakapag-timpi dahil sa galit.

Parang aso't pusa nanaman ang dalawa matapos yun hanggang uwian. Napatawag naman sa office sila Aira at Yvonne samantalang si Mika ay may review class na.



Eyem: Anak okay ka lang.

Mika: Yeah (weak smile)

Eyem: Kaya mo yan ganyan talags yang mga (parinig kay Tyrone) vsrsities na yan!

Presidency RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon