Caleb: Kamusta naman ang kasal?
Mika: Tigilan mo nga ako!
Pinalo ni Mika si Caleb sa braso habang naka-upo sila sa may sea wall at naka-tingin sa dagat habang kumakain ng ice-cream na binili nila na naka-lagay sa sweet cone.
Caleb: Naku baka magalit ang groom, itinakas ko ang bride niya.
Mika: Gagi! Hindi noh. Asa! Buti nga at hindi na-tuloy yung kiss the bride kanina eh.
Caleb: Ahh kaya ka ba malungkot dahil dun?
Mika: Hindi noh!
Caleb: Eh bakit?
Mika: Wala. Saka hindi naman ako malungkot.
Caleb: Eh ano lang? Sobrang lungkot?
Mika: (tingin kay Caleb) Hindi ko rin alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon eh. (tingin sa langit)
Caleb: (hinawi ang buhok ni Mika sa mukha at inilagay sa likod ng tenga) Ano naman naramdaman mo kanina habang ikinakasal kayo?
Mika: Honestly, I just sieze the moment kasi alam kong biruan lang yun at matatapos din.
Caleb: So mahal mo pa nga si Adam?
Mika: Honest answer ba?
Caleb: Aba, syempre :)
Mika: Oo, Caleb. Sobra. Kahit na bawal at hindi naman pwede.
Caleb: Bakit naman?
Mika: Caleb. (tingin kay Caleb)
Caleb: Hmmm? (tingin kay Mika)
Mika: I have something to tell you. Siguro naman okay lang na sabihin ko na toh sa'yo.
Caleb: Okay? Sige, spill it out.
Mika: It was a joke.
Caleb: Of course it was a joke, si Erwin ang pari eh.
Mika: No! Everything! Lahat ng ito is just for a show.
Caleb: Ha?
Mika: Hindi ko talaga boyfriend si Adam. (yuko)
Caleb: Hmmm? Can you please explain further? (napa-kunot ang noo)
Mika: Okay. Ganito kasi yan. Alam mo naman siguro ang title namin ni Adam sa school?
Caleb: longest-alive-mortal-enemies?
Mika: Yeah and we had a deal noong meeting de advancè. Kung sino ang matalo sa amim sa presidential position ay magiging slave for a month.
Caleb: So that is how it started? Eh paano napunta sa pagpa-panggap ninyo?
Mika: He wants Gwen back.
Caleb: Oh-uh mukhang panalo ulit si Mr. Zulueta sa deal ninyo.
Mika: Oo, Caleb, panalo siya at ako... eto... talong-talo.
Caleb: Now I understand everything.
Mika: Ang daya nga eh.
Caleb: Bakit naman?
Mika: I started the deal at hanggang ngayon ako ang talo. Sobrang talo.
Caleb: Everything will be fine. (tapik sa balikat ni Mika)
Mika: I hope so.
Caleb: But, honestly... habang pinapanuod ko yung kasal-kasalan ninyo kanina, I can say is, may pag-tingin din sa'yo si Adam.
Mika: Ano? Galit?
Caleb: Hindi.
Mika: Eh ano?
Caleb: Gusto ka rin niya, ay, no... mahal ka rin niya.
Mika: Paki-define nga ng pinagka-iba ng gusto sa mahal?
Caleb: Kapag gusto mo ang isang tao, gusto mo lang sa kaniya ang maga-gandang ugali niya. Kaya mo nga siya nagustuhan eh. More on physical attraction lang yun. Kapag mahal mo ang isang tao, kahit siya pa ang pinaka-masamang tao sa mundo, tatanggapin mo pa rin siya kasi siya yun.
Tumingin si Mika kay Caleb at ngumiti naman si Caleb sa kaniya. Binigyan ni Mika si Caleb ng weak smile. Umuwi ang dalawa at inihatid ni Caleb si Mika sa kanila.
Mika: Salamat ha.
Caleb: Salamat din. Sige na pahinga ka na. Kitakits bukas ha.
Mika: Bye. Ingat ka ha.
Caleb: Sige na pasok ka na.
Pumasok si Mika ng bahay nila at umalis na rin si Caleb. Pag-dating ni Mika sa bahay nila ay parang walang katao-tao. Patay ang lahat ng ilaw at elektrisidad. Binuhay niya ang ilaw sa sala at hinanap ang dalawang katulong, si Mang Konching, si Manong Amado at ang tatay niya ngunit isa sa kanila ay wala. Pag-akyat niya sa kwarto niya ay may nakita siyang maliit na papel na naka-dikit ng tape sa pinto ng kwarto niya.
Mika,
Nasa St. Luke's kami. Isinugod si Papa mo sa ospital kanina. Ayaw ka niyang kontakin kanina kasi raw nasa school ka pa. Hindi rin niya alam ang tungkol sa sulat na ito.Manang Konching
Agad namang may bumalot na kaba at takot sa puso ni Mika. Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Agad siyang lumabas ng bahay at pumara ng taxi papunta ng ospital. Pag dating doon ay nakita niya ang family doctor nila na si Dr. Sebastian na naglalakad at may kausap na isang nurse.
Mika: Doc, where is my dad? (naiiyak)
Dr. Sebastian: Follow me, Mikhaela.
Bawat hakbang ni Mika papalakad papunta sa tatay niya at parang unti-unting napupunit ang puso niya. Pakiramdam niya ay unti-unting hinuhugot ng lupa ang enerhiya niya pababa.
Dr. Sebastian: He was brought to the hospital kaninang 3pm. Kumalat na ang cancer virus sa buong katawan niya. Ayaw naman niyang magpa-chemo therapy kasi malakas pa naman daw siya.
Mika: Cancer cells?
Dr. Sebastian: Your dad has a cancer and it is in Stage 3. Buti nga nakita natin agad para maagapan kaso hindi pa rin siya ma-awat kaka-trabaho and it makes him worst. I'll leave you first, okay?
Mika: Salamat po doc. (punas sa luha)
Hindi napigilan ni Mika ang pag-iyak ng makita ang tatay niya na naka-ratay sa hospital bed at maraming tubo na naka-dikit dito sa loob ng ICU Room. Pakiramdam niya ay parang tinutusok ng mga pako ang puso niya at pinupunit na tadtad ng saksak. Pumunta si Mika sa chapel para mag-dasal at doon niya nakita si Manang Konching. Ngumiti ang matanda sa kaniya at sabay silang lumuhod para mag-dasal.
Mika: Lord, alam ko pong marami akong itinagong lakad kay Daddy, pero please Lord, help my dad. Napaka-aga pa po para kunin n'yo s'ya sa akin. I will give up everything para lang po gumaling si Daddy. Kunin n'yo na po lahat ng bagay na meron ako ngayon wag lang po ang tatay ko. Kahit po ubusin n'yo na ang unlimited naming yaman, pagalingin n'yo lang po si Daddy.
Umiiyak si Mika habang nagda-dasal at damang-dama niya ang sakit na dimaranas ng ama.
BINABASA MO ANG
Presidency Rivals
Novela JuvenilAdam Dmitri Zulueta vs. Mikhaela Xhien Sandoval for President for the S.Y. 2015-2016 Copyright © 2015 DiwatangBae All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including...