Napangiti si Mika pero hindi niya ipinahalata sa tatlo. Lalo lamang nahulog ang loob niya kay Adam. Nakita niya ang kaseryosohan ni Adam sa nga seryosong bagay. Nawala lahat ng maling pag-aakala ni Mika kay Adam na isang mayabang, self-centered at easy-go-lucky na binata.
Kinahapunan ay nagkaroon ng practice ang varsity ng basketball. Simula ng August ay tuwing hapon na palagi ang practice nila para sa nalalapit na inter-school olympic games. Sumama naman si Mika sa practice nila para hintayin si Adam.
Mika: Adam.
Adam: Yes Babe?
Mika: Urgh! By the way, uhm, mag-bati na kayo ni Toffer, please. Kausapin mo siya, please
Adam: (hinga ng malalim) Okay. Kakausapin ko siya.
Mika: Thanks. Sorry din pala kung nag-away kayo.
Adam: Why are you saying sorry?
Mika: I feel guilty. Feeling ko kasi kasalanan ko kasi ako ang nag-sabi sa'yo.
Adam: Don't feel sorry. Hindi mo kasalanan yun. Makulit lang talaga ako. :) Sige practice lang ako ha.
Mika: Okay.
Nag-warm up sila at mga exercises bago ang game. Matapos ang halos bente minutos na warm-ups nilapitan ni Adam si Toffer para makipag-ayos.
Adam: Tol sorry sa nangyari kahapon. Uminit lang talaga ulo ko. Sorry.
Toffer: (tiningnan si Adam) Matitiis ba naman kita? Tol, sorry din ah.
Nag-hand shake ang dalawa at pinagbangga ang mga balikat saka tinapik ang likod.
Adam: Ano nga pa lang balak mo dun sa mag-ina mo? Ayaw mo ba talagang makita yung anak mo?
Toffer: Sa totoo lang, wala pa akong balak sa kanila. Inaamin ko nagkamali ako pero sa kabila nun na-realize ko na kailangan kong bumawi sa kanila, hindi ko lang alan kung paano.
Adam: Bakit?
Toffer: Baka kasi ipagtabuyan lang ako ni Natalie eh. Sa dami ko ba namang kasalanan sa kaniya, mapatawad pa kaya ako nun?
Adam: Eh kung seryoso ka naman sa pag-hingi ng tawad sa kaniya eh.
Toffer: Sabagay. Ewan bahala na hahanap na lang ako ng magandang timing.
Adam: Sa Sabado, sumama ka sa amin. Kasama ko sila Mika at Zeb, pupuntahan namin si Natalie.
Toffer: Baka naman awayin ako nung dalawa.
Adam: Hindi yun, kung pupunta ka naman dun para humingi ng tawad sa kaibigan nila at para bumawi sa anak mo, di ba?
Toffer: Sabagay, sige. Salamat tol!
Adam: Ge. Basta sabihan mo lang ako.
Pumito na muli si coach senyas ng pagsisimula nila sa game. Lumingon si Adam kay Mika at nag okay sign gamit ang kamay. Ngumiti si Mika at nag thumbs up.
Matapos ang halos dalawang oras na training ay agad sinalubong ni Mika si Adam.
Adam: Shower lang ako ha.
Mika: Sige.
Hinintay ni Mika si Adam sa may canteen para hindi na siya bumaba sa may goundfloor ng school para samahan si Adam. Nagbasa na lamang siya ng E-book habang naghihintay. Mayamaya pa ay napansin niya na may umupo sa tapat niya.
BINABASA MO ANG
Presidency Rivals
Ficção AdolescenteAdam Dmitri Zulueta vs. Mikhaela Xhien Sandoval for President for the S.Y. 2015-2016 Copyright © 2015 DiwatangBae All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including...