Ganun na nga ang nangyari, napapunta sila Mika at Adam sa office ni Madam Vera at pag dating nila sa classroom ay hindi na lamang sila nag-imikan para hindi na muling ma-guidance.
Bwisit na bwisit naman si Mika dahil first time niyang ma-office ng dahil lang sa kaingayan. Panira sa record ayon sa kanya. Si Adam naman inis na inis din dahil naman iritang-irita na siya sa boses ni Mika. Hanggang uwian hindi sila nag-imikan at nagkibuan.
Dumiretso si Mika sa office ng kanyang tatay-tatayan na si Mr. M. Pag dating niya doon ay agad niyang nakita si Ms. Abdilla.
Ms. Abdilla: Mikhaela (parang si Aro ng Breaking Dawn ang tono)
Mika: (naka-yuko) Sorry about earlier Miss. Hindi na po mauulit.
Ms. Abdilla: (ngumiti lang) Osya una ako, wag ng uulitin ha.
Mika: (tumango) Opo.
Mr. M: Andyan pa si Ms. Abdilla?
Mika: Wala na po.
Mr. M: Upo!
Mika: Tay sorry. I will explain.
Mr.M: Ayt! (itinaas ang kamay senyas na tumahimik si Mika)
Umupo si Mika sa sofa at tiningnan siya ni Mr. M at umupo ng ayos.
Mr. M: Anak hindi naman masamang ma-office ka. Ang sa akin lang, ganyan ba dapat ang ikinikikos mo? Dapat bang sumisigaw sa classroom?
Mika: (nakayuko) Hindi po.
Mr. M: Eh ano ba dapat ang ginagawa sa classroom?
Mika: Nag-aaral po. Sorry Tay. It won't happen again, promise.
Mr. M: Okay good. Andyan si Annaliza?
Mika: Annabelle tay!
Mr. M: Anabelle!
Anna: Sir?!
Mr. M: Pumarto ka nga!
Mula sa kabilang kwarto ay pumunta si Annabelle sa office ni Mr. M. Si Annabelle ang President ng School's Ministry at si Mr. M ang moderator kaya may sarili silang office.
Anna: Sir bakit po? (pumasok sa office) Hi Ate Mika.
Mika: Hello Anna (Elsa's accent)
May iniutos si Mr. M kay Anna. Si Mika naman nakahilata sa sofa at nagpapahinga sa sakit ng ulo nang biglang may kumatok.
Tyrone: Sir pinatawag n'yo raw po ako?
Mika: (sa isip...) pamilyar ang boses na yun ah.
Nang mabosesan ni Mika kung sino agad siyang umupo ng ayos at tama ang kaniyang nakita na si Tyrone ang naandoon. Si Tyrone Lee na ultimate crush ni Mika.
Nagtinginan sila Mr. M at Mika at nilakihan lang ni Mika ng mata si Mr. M.
Mr. M: Ah yes Mr. Lee come in, sit please.
Nagtama naman ang tingin nila Mika at Tyrone.
Tyrone: Oh you're here too. Hi. (smiles)
Mika: Yes. I am here. Hello (grin)
Bumibilis nanaman ang pag tibok ng puso ni Mika at halos mang-hina sa Hi ni Tyrone.
Si Tyrone Lee ay isang varsity din sa school. 3rd honnor ni Mika o minsan ay second. Palagi lang sila ni Aizle ang naglalaban sa ranks two and three. Isang napaka-adventurous na lalaki at gwapo, syempre.
Tyrone: Pinatawag ka rin? (bulong kay Mika)
Mika: (lumipat sa tabi ni Tyrone) Ha?
Lumipat si Mika sa tabi ni Tyrone at kunwari ay hindi napakinggan ang sinabi. Bingi-bingihan lang teh? Manang-mana yang ninja moves mo sa writer mo eh, ano po?!
Tyrone: Pinatawag ka rin ni Mr. M?
Mika: Nope (smiles)
Tyrone: Ahh okay.
Mika: Regular tambay na ako dito (pa-casual, pigil ang kilig)
Mr. M: (binaba ang phone) So Mr. Lee. Oh anak bakit nandyan ka na?
Mika: (pinandilatan ng mata si Mr. M)
Mr. M: Anyways hintayin natin ang iba. Kelan ang free time mo Mr. Lee?
Tyrone: Saturdays and Sundays and recess and lunch, I guess?
Mr. M: Sabi ko nga. So lahat naman kayo free that time?
Mika: Yes tay. Kaso di ba may practice kayo minsan ng basketball?
Palakpakan si Mika sa galing mag-ninja moves.
Tyrone: Yeah. MWF every 5am in the morning then TTH 4pm to 6pm
Mika: Ahhh.
Mayamaya pa ay dumating na rin ang iba. Mga labin-limang estudyante ang dumating.
Mr.M: Okay let's start!
Mika: Tay, Imma go na.
Mr. M: Ha? No. Stay. Kasali ka dito.
Nagulat naman si Mika sa sinabi ni Mr. M. Kaya nag stay si Mika at umupo na sa upuan ni Mr. M habang naglalaro sa computer.
Mr. M: Okay ladies and gentlemen, I called you for one reason. Kayo pong lahat ay kasali sa Marketing ng ating school which will start on next month.
Hindi na gaanong pinakinggan ni Mika ang mga sunod na sinabi ni Mr. M. Inikot niya ang paningin at nakita ang mga makakasama niya.
Mika: (sa isip...) Adam? For real?
Umirap na lang siya at itinuloy ang paglalaro. Nakikinig si Mika pero hindi pinagtutuunan ng pansin ang sinasabi ni Mr. M.
Mr.M: Pakilagay po lahat ng number ninyo dito at tatawagan ko po na lang kayo kung kelan ang next meeting ulit. Thank You very much!
Mr. M: Gotta go tay! May number mo na ako just text me.
Nagmamadaling pumunta si Mika sa may gate para katagpuin si Clark.
Mika: Sorry I'm late.
Clark: It's okay. Let's go?
Ngumiti at hinawakan ang kamay ni Mika. Ngumiti na rin lang si Mika at tumawid sila papunta sa kabila para sumakay ng jeep. Manunuod lang naman sila ng PBA Game sa Araneta. Walang interes si Mika sa sports pero si Clark meron. So nanuod sila at para silang tunay na couple sa panunuod. Pasandal-sandal effect pa at tuma-touchy.
Inihatid naman ni Clark si Mika pauwi sa bahay. Wala pa ang Papa ni Mika kaya nakaligtas siya sa pag-uwi ng alas-otso. Sabi ni Manang Beth ay nasa office pa raw ang tatay niya.
To: Clark
7:23pmThank You kanina ha! Ingat ka pauwi ng Nova.
From: Clark
7:25pmSalamat din. Nasa fx na ako pauwi. UAAP naman next time ha! Good Night! :*
Muntikan ng himatayin si Mika sa kiss mark ni Clark sa text. Kahit gaano kalayo ang bahay ni Clark ay nag-uuwian ito at nagtya-tyaga na paminsan-minsan ay magkita silang dalawa ni Mika. Simula pa lang noong second year si Mica ay palagi na silang lumalabas ni Clark.
BINABASA MO ANG
Presidency Rivals
Teen FictionAdam Dmitri Zulueta vs. Mikhaela Xhien Sandoval for President for the S.Y. 2015-2016 Copyright © 2015 DiwatangBae All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including...