Chapter 40

888 14 0
                                    

Habang nag-papalitan ng vows sila Gwen at Adam ay hindi maka-tingin ng ayos sa kanila si Mika. Siya pa ang nag-abot ng singsing ng dalawa at napansin nga niyang wala na ang singsing nila sa daliri ni Adam. Parang pinakuan at pinagpupukpok ng martilyo ang puso ni Mika ng makita iyon.

Si Adam naman ay hindi rin maka-tingin ng diretso kay Mika dahil parang may kirot sa puso niya at panghihinayang tueing makikita niya si Mika habang si Gwen masayang-masaya.

Pagka-tapos ng kasal ay totohanang hinalikan ni Gwen si Adam sa labi pero agad lumayo si Adam sa kaniya. Ngulat ang lahat sa ginawang pag-halik ni Gwen kay Adam at agad silang pinicture-an. Si Mika naman ay parang unti-unting pinupunit ang puso niya. Napansin naman ito ni Caleb kaya agad niyang hinawakan ang kamay ng kaibigang malungkot at nasasaktan. Nagka-ngitian sila at hinawakan na rin ni Mika ang kamay ni Caleb.

Nainis naman si Adam ng makitang magka-hawak ng kamay sila Mika at Caleb.



* * *


Caleb: Are you okay?

Mika: Yeah. Salamat sa ice-cream ha. Bayaran na lang kita sa sunod.

Caleb: It's my treat to you. Cheer up!


Nag-punta ang dalawa sa isang ice-cream parlor na ang gamit na ice ay liquid nitrogen para tumigas at lumamig ang mga pagkain. Nag-picture at nag-video pa ang dalawa habang kunakain ng umuusok ang bibig at ilong nila. Sa ganoong paraan ay unti-unti na ring sumaya si Mika sa kabila ng mga pinagdadaanan niyang mabibigat ngayon.




* * *



Mika: Caleb, salamat ha! Salamat talaga.

Caleb: Inilibre lang kita, grabe ka namang mag-thank you.

Mika: Hehe. Malaki na kasi ang naitulong mo sa akin. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko kapag kasama ka.




Lumapit si Mika kay Caleb. Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Caleb at niyakap siya. Si Caleb naman ay niyapos na rin si Mika.

Nahpa-alaman na ang dalawa at pumasok ma si Mika sa loob nh building ng ospital kung saan naka-confine ang Papa niya. Pag dating sa ICU ay saktong kalalabas lang ng doctor ng Papa niya.




Mika: Doc, kamusta po si Papa?

Doc: Mika, may maganda akong balita sa'yo. Maari pang maisalba ang Papa mo kung mag-a-undergo siya ng Stem Cell Transplantation. Naka-usap ko na si Mikhael kung gusto niya at pumayag naman siya.

Mika: Doc, payag po ako dun. Isalba n'yo lang po ang buhay ng Papa ko. Kahit magkano po mag-babayad kami isalba n'yo lamang ang buhay niya.




Sa sobrang saya ay naiyak si Mika sa nalaman. Matataas na drugs na ang ini-inject sa Papa niya. Inayos na rin niya ang mga kailangan para sa Stem Cell Transplant ng Papa niya. Wala niti sa Pilipinas kaya kailangang umalis ng Papa niya papunta sa America para magpa-galing.




Kashmira: (on phone) Hello Anak, kamusta na si Papa mo? Ano'ng sabi ng Doctor?

Mika: Ma, may pag-asa pa si Papa. Kailangan niya lang daw pong mag-undergo ng Sten Cell Transplantation.

Kashmira: That's a good news. Eh parang wala namang ganyang procedure na ganyan sa Pilipinas at kakaunti lang na mga bansa ang nag-o-offer niyan sa pagkaka-alam ko.

Mika: Yes Ma, inaayos ko na po ang passport ko, sasama ako kay Papa papunta sa America para magpa-gamot siya.

Kashmira: Ano? Pero paano ang pag-aaral mo? Hindi ako papayag na pumunta ka sa America.

Mika: Pero Ma...

Kashmira: No Mikhaela! This time, I'll be a mother to you. Naiintindihan kita na gusto mong sumama kay Mikhael pero hindi kita papayagan. Isang buwan na lang graduation mo na. Isa pa ayokong mapabayaan mo ang pag-aaral mo.

Mika: Pero, paano si Papa?

Kashmira: I'll take care of him. Give me the details at kung saang ospital and I will work on it pag-dating niya dito.




Pakiramdam ni Mika ay gusto niyang umiyak dahil sa sobrang saya sa pag-tulong ng kanyang Ina sa kanya at sa kaniyang Ama. Pagka-tapos maka-usap ni Mika si Kashnira ay agad utong pumunta sa ICU para sabihin na bukas na ang flight ng Ama papunt sa America.





Mika: (umiiyak habang hawak ang kamay ng Ama) Dad, I'm so happy. Sana successfuk yung transplant mo. Ipag-pre-pray ko po talaga kay Lord na wag ka muna niyang kunin sa akin. Papa, kaya mo yan! Ikaw pa! Ikaw ang taong kilala ko na matapang at hindi sumusuko. Dad, wag kang magpapa-talo sa sakit mo ha. Mas malaki ka pa rin d'yan.

Mikahel: (umiiyak) Anak... (hinawakan ang kamay ni Mikhaela...) Sorry. I'm so sorry my daughter. I love you!




Gustong mag-tatalon ni Mikhaela sa sobrang saya ng mapakinggan niya ang mga katagang iyon mula sa bibig ng kaniyang Ama na umiiyak. Alam ni Mikhael na naging mahigpit siya kay Mika at hindi niya naipaparamdam ang pag-mamahal sa anak.

Tumayo si Mika para yakapin ang Ama. Agad din namang niyakap ni Mikhael ang anak na huli pa niyang nagawa ay noong sanggol pa lamang siya.




* * *



Matapos ang pag-uusap ng mag-Ama ay umuwi na si Mika para magpa-hinga.

Lingid sa kaalaman niya ay nakita siya ni Adam paalis ng ospital dahil galing siya sa mall malapit sa ospital. Pagka-sakay ni Mika ng sasakyan ay agad siyang pumasok sa ospitak at napa-isip kung ano ang ginagawa doon ni Mikhaela.





Adam: Nurse, napansin mo po ba yung babae na naka-violet na T-shirt at pants na maong? Yung mahaba ang buhok na itim na itim at bagsak. Mga ganito lang po kaliit. Kalalabas niya lang dito eh.





Ipinantay ni Adam ang kamay sa may dibdib niya habang tinatanong sa nurse si Mika.





Nurse: Ah. Si Ms. Sandoval. Bakit po?

Adam: Kilala mo ba kung sino ipinunta niya rito?

Nurse: Yung tatay po niya nasa ICU. Bakit po?

Adam: Si Tito Mikhael nasa ICU?





Sa sobrang gulat ni Adam ay mabilis siyang tumakbo papunta sa ICU para tingnan ang kalagayan ni Mikhael.

Presidency RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon