Paglabas ng room ay magkahawak pa ng kamay sila Adam at Mika papunta sa parking lot.
Mika: Bakit mo ginawa yun kanina? (sinasakal si Adam)
Adam: (tulak si Mika) Aray! Ano ba! Pisngi lang yun kesa naman pag dudahan tayo ni Justine masira pa plano ko.
Mika: Bakit kasi kailangan mo pang gawin ito eh! Sasabihin ko na lang kay Gwen na balikan mo siya. (palabas ng kotse)
Adam: Tange! Wag! (hinila si Mika)
Sa lakas ng impact ng pagkakahila ni Adam kay Mika ay bumagsak si Mika kay Adam at napahiga si Adam. Parehas silang natigilan at parehas bumibilis ang pag tibok ng puso. Hindi nila alam kung bakit ganun ang nararamdaman nila.
Pagka-uwi naman ni Mika sa bahay nakita niya ang Papa niya na nasa sala at nanunuod ng TV. Saktong ibinabalita ang pag dating ni Redd Sync.
Mika: Dad, good afternoon po. (nagmano)
Hindi pa rin kinaka-usap ni Mikhael si Mika matapos malaman ang pagkatalo nito. Para kay Mikhael dapat palaging nasa top si Mika at nangunguna. Ayaw niyang natatalo ang anak at nagiging pangalawa lamang. Sobrang taas ng expectation ni Mikhael kay Mika dahil siya ang taga pag-mana ng kompanya nila.
Matapos ang balita ay pinatay na ni Mikhael ang TV at pumunta na sa office niya. Si Mika naman malungkot pa rin sa nangyari at umakyat na lang sa taas.
Mikhael: Mikhaela.
Mika: Yes dad?
Mikhael: Let's have a dinner together later.
Mika: Okay dad.
Kahit paaano ay nawala ang sakit na nararamdaman ni Mika. Sanay na si Mika na cold ang ama sa kaniya. Kahit kailan ay hindi niya naramdaman ang pagmamahal nito sa kaniya. Oo nga at nabibilhan siya ng gusto niya ngunit sobrang strikto niya kay Mika.
Kinagabihan ganun nga at nagkasabay ang mag-ama sa hapag-kainan.
Mikhael: Your mom is coming next month.
Mika: I heard it.
Mikhael: Gusto ka niyang makita.
Napatigil si Mika. Na-e-excite siya na gustong magalit sa ina niyang matagal siyang iniwan sa tatay niya. 13 years siyang iniwan ng nanay niya at ngayon ay nagbabalik na.
Mika: Really? Did she told you that?
Mikhael: Yes.
Mika: Ano po'ng sabi ninyo?
Mikhael: She has a right on you cause she's your mother after all, so I agreed.
Mika: Okay lang sa inyo?
Mikael: I told her to see you in the house. Wag na wag kang makikipag-kita kay Kashmira ng hindi ko alam. Are we clear?
Mika: Yes dad.
*****
Adam: Okay ka lang?
Mika: (tango)
Adam: Ang tahimik mo nakaka-panibago.
Mika: Ayaw mo yun? Walang maingay?
Adam: Tahimik ka't madaldal ang sungit mo.
Nasa veranda sila Mika at Adam habang kumakain ng lunch. Ang veranda ay isang tamabayan sa tabi ng school nila at tinawag na veranda kasi terrace style ang kainang ito. Dito malimit tumatambay ang mga estudyanteng mahilig mag-yosi.
Grae: Wow! May date pala kaya hindi nag-re reply.
Dumating si Grae kasama si Zeb at ang iba pang varsity sa veranda.
Adam: Bakit? Ano bang text mo?
Grae: Hinahanap ka namin. May bago kaming kasama.
Toffer: Caleb, si Adam ang ating Captain Ball, Adam si Caleb, new teamate.
Adam: Bro, welcome! (shake hands)
Caleb: Thanks. (napatingin kay Mika) Hi.
Mika: Hello. (smiles)
Napa-kunot ng noo si Adam at napa-simangot. Napansin iyon ni Grae kaya nag alibi na kakain na muna sila para mailayo si Caleb kay Mika.
Adam: Magkakilala kayo?
Mika: No. Not that much, sa pangalan lang.
Adam: Transferee na third year yan, galing US kaya medyo maarte.
Mika: Eh? May aarte pa sa iyo?
Adam: Shut up! (sinamaan ng tingin si Mika)
Mika: Pikon! (natatawa)
Adam: Another rule.
Mika: What?
Adam: Don't flirt with other guys.
Mika: Bakit? Kapag ako hindi pwede, tapos ikaw pwede? Unfair.
Adam: Sinong may sabing manchi-chicks ako? (tingin kay Mika)
Mika: (natulala) W-wala. (lunok, iwas tingin)
Napa-smirk na lang si Adam habang nagyoyosi dahil katatapos lang nilang kumain.
Mika: Talagang nakasanayan mo ng mag-yosi huh?
Adam: Oo. Bakit?
Mika: Wala naman. Kailan ka nag-start mag-yosi?
Adam: Last year lang. Nahawa kay Grae at Toffer. Lakas humithit niyang mga yan eh.
Mika: Eh?
Adam: Talaga naman ah. Oo nga pala nasaan na si Natalie bakit hindi ko na siya nakikita?
Mika: Seriously? Si Nat? You don't know what happened to her?
Adam: No. After ng break-up nila ni Toffer wala na akong balita sa kaniya eh.
Mika: Ask your friend!(walk-out)
Medyo nainis si Mika sa tanong ni Adam. Si Adam naman hindi alam kung bakit ganun ang inakto ni Mika. Akala ni Mika ay alam na ni Adam ang dahilan ng pag-alis ni Natalie at pag-lipat sa isang Modeling School. Si Adam naman wala talagang alam sa nangyari dahil palagi na lang umiiwas sa mga tanong.
Adam: Galit ka ba? (habang nagkla-klase sa Math)
Mika: No.
Adam: Eh bakit hindi mo ako kinakausap?
Ms. Tollias: Raynier! You are too noisy! Ano ba! I'm writing here and you are disturbing my class. Imik ka ng imik! Ano ba? Nililigawan mo ba yang si Mikhaela ha?
Justine: Mam, Adam po hindi po Raynier. Section C po si Raynier.
Sa halip na mabadtrip si Mika kay Adam ay natawa na lamang ito sa sinabi ni Ms. Tollias. Isa kasi siyang matandang-ulayaning dalaga na tumanda na sa pagtuturo sa SXA. Si Adam naman lalo lang nabadtrip dahil Raynier ang pangalang naitawag ni Ms. Tollias sa kaniya na siyang boyfriend ngayon ni Gwen.
Adam: Sumama ka sa akin mamaya total Friday naman ngayon.
Mika: Sorry I can't. My dad won't allow me.
Sinamaan ni Adam ng tingin si Mika at tumango na lang si Mika sa takot. Hindi niya alam tuloy kung paano magpapa-alam sa Papa niya.Siguradong mapapagalitan siya nun. Ayaw na ayaw ni Mikhael na pumupunta si Mika sa mga party lalo na sa mga bars o clubs. Una mag-fi-fifteen pa lang si Mika at takot din si Mikhael na maagang mapariwara ang buhay ni Mika dahil sa barkada.
BINABASA MO ANG
Presidency Rivals
Teen FictionAdam Dmitri Zulueta vs. Mikhaela Xhien Sandoval for President for the S.Y. 2015-2016 Copyright © 2015 DiwatangBae All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including...