Caleb: Now tell me what happened?
Mika: Caleb... (iyak) Si Dad kasi may cancer, Stage 3 at nasa ICU siya kagabi.
Caleb: Oh...
Hindi alam ni Caleb ang dapat sabihin kay Mika. Ang alam lang niya ay kailangan ni Mika ng makikinig sa kaniya. Ikwinento ni Mika ang mga nangyari kagabi pag-uwi niya at ang ikwinento ni Manang Konching sa kaniya. Mayamaya pa ay nakaka-ngiti na si Mika dahilsa kakulitan at jokes ni Caleb.
Mika: Hahaha! Loko ka!
Caleb: Oh may isa pa... ano'ng pagkain ang naninipa?
Mika: Naninipa?
Caleb: Oo. :)
Mika: Hmmm... ano?
Caleb: Edi... kick-iam!!! (with action)
Mika: Hahaha! Ang cute mo dun isa pa nga!
Caleb: Kick-iam!!!
Mika: Hahaha! Isa pa!
Caleb: Hala ayoko na, pinagtri-tripan mo na ako. Nakaka-halata na ako eh, kanina ka pa.
Mika: Hahaha. Ang waley mo kasi.
Caleb: Pero tawa ka ng tawa?
Mika: Ang waley ng jokes mo kaya ka nakaka-tuwa. Ang trying hard. Hahaha! Tara na nga.
Caleb: Saan?
Mika: Doon muna sa booth namin, magpapa-kita lang ako.
Caleb: Okay.
Masaya si Caleb na napapa-ngiti niya si Mika. Si Adam naman, sa kabilang banda ay kasama ang ibang varsities sa booth. Magka-tabi sila ni Gwen habang nanunuod ng volleyball at basketball sa court.
Hanggang ngayon ay naiisip pa rin ni Adam ang mga nangyari kanina. Iniisip niya kung bakit umiiyak si Mika. Iniisip niya na kung hindi si Caleb ang dahilan ng pag-iyak ni Mika, ay sino?
Julie: Hey sumama kayo sa akin. (pinosasan sila Gwen at Adam)
Adam: Gwen? Ikaw ba ang may pakana nito?
Gwen: (ngiting aso) Ha? Hindi ha.
Julie: Tayo na. Bayad na toh.
Tumayo ang dalawa at sumunod kay Julie. Naka-ngiti naman si Gwen sa mga teamates. Ang iba ay sumama sa kanila. Pag dating sa wedding booth ay kinalagan sila at inayusan.
Kim: Ikaw nanaman? (biro kay Adam)
Adam: Ganyan talaga pag pogi.
Kim: Ang kapal. Oh isuot mo na toh.
Inalalayan ni Kim si Adam na mag-suot ng amerikana habang si Gwen ay mine-make-up-an na sa loob. Umupo muna si Adam sa tabi ni Kim habang naghi-hintay ng biglang dumating sila Mika at Caleb.
Kim: M-mika? (gulat at nauutal)
Napa-tingin si Adam kay Mika at Caleb.
Mika: Hi. Yung attendance? Kanina pa ako nandito, ngayon lang ako naka-punta sa booth. Nag-takaw pa ako eh.
Kim: Ahh. Oh kasama mo nanaman si American Boy?
Mika: Hahaha. Caleb, si Kim, classmate ko. Kim, si Caleb, kaibigan ko.
Kim: Asus baka naman... ka-ibigan.
Binigyang diin ni Kim ang salitang ibigan habang nagpa-parinig kay Adam na kunwari ay patay malisya sa mga nangyayari.
Caleb: Malapit na.
Natatawang sabi ni Caleb kaya hinampas siya ni Mika.
Mika: Hay naku, ma-loko toh kaya wag mong paniniwalaan Kim ha.
Kim: Hahaha. Ayos lang yan, mas bagay kaya kayo. Saka mukhang hindi ka paiiyakin ni American Boy. Di tulad ng iba d'yan, nilandi lang nung ex iniwan na ang present. Tsk.
Kanina pa nagti-timpi si Adam kay Kim. Alam niya na may hinanakit sa kaniya si Kim dahil sa ginawang pang-iiwan kay Mika. Para kay Adam, hindi siya naiintindihan ni Kim. Iniisip ni Adam na kung malalaman lang ni Kim ang ginawa ni Mika kay Gwen ay magagalit din ito kay Mika. Pei hinayaan na lang niya kesa magka-gulo pa.
Gwen: Ayoko! Gusto ko rin mag-suot ng gown! Ano ba!
JP: Hindi nga pwede kasi marami pang susunod.
Nagka-tinginan sila Mika at Kim. Pumasok naman agad si Mika sa booth at inawat ang nagsi-sigawang sila JP at Gwen.
Mika: Ooops, teka lang. Ano'ng nangyayari dito?
JP: Heto kasing babaeng hmmmp! Eh gustong isuot yung gown eh hidi nga pwede kasi marami pa ang kasunod. Alam mo ba yung salitang nagma-madali ha?
Gwen: Hoy bakla! Wag mo akobg sinisigawan ha! Bakit si Mikhaela kahapon isinuot yung gown? Eh bias pala kayo eh!
Mika: Ayyyt! Wait. JP. Hayaan mo ng isuot ni Gwen kung yun ang gusto niya. Ako na lang ang kaka-usap sa mga kasunod na kung pwede ay mag-hintay pa sila.
JP: Okay girl, sabi mo eh.
Gwen: Mika, pwede bang samahan mo ako sa CR para mag-bihis? *smirk*
Huminga ng malalim si Mika at saka sinamahan si Gwen sa CR para mag-bihis. Lumabas ang dalawa ng booth. Napa-tingin naman sila Adam, Caleb at Kim kay kila Mika at Gwen. Napa-tayo si Adam dahil naisip niya na baka awayin o saktan ni Mika si Gwen.
Mika: Umupo ka d'yan. Hindi ko sasaktan ang taong mahal mo.
Bulong ni Mika kay Adam. Sinamahan ni Mika si Gwensa CR para mag-bihis. Pag dating doon ay ginawa lamang siyang katulong ni Gwen. Siya ang pinag-bitbit ni Gwen ng gamit niya at siya pa rin ang nag-ayos ng damit ni Gwen.
Gwen: Oh my. I look gorgeous. (harap sa salamin) Ano, Mika, mukha na ba talaga kaming ika-kasal ni Adam?
Tumango lamang si Mika.
Gwen: Oh by the way, I want you to be my bride's maid ha. Tara na?
Nauna si Gwen sa pagla-lakad. Si Mika naman ay naka-sunod lang kay Gwen.
Gwen: Oh and one more thing, pwede bang layuan mo na si Adam? Kasi hindi ka na niya mahal eh. Well ganyan talaga kapag sobrang mahal niya yung ex niya. Tingnan mo oh, siya pa ang nag-aya sa akin na magpa-kasal kami sa wedding booth and by the way, again, ito yung singsing ninyo.
May kinuha si Gwen na singsing sa bag niya at iflinush sa toilet bowl. Gustong maiyak ni Mika pero pakiramdam niya ay quota na siya sa pag-iyak.
Gwen: Tara na! :)
Pinigil ni Mika ang sakit na nararamdaman para hindi siya maka-gawa ng masama. Pag dating sa marriage booth ay nagka-ngitian sila Adam at Gwen na siyang sumisira unti-unti sa puso ni Mika.
Kitang-kita sa mga mata nila Gwen at Adam ang saya sa gaganaping kasal-kasalan. Tinawag ni Gwen si Mika para siya ang umalalay sa gown ni Gwen na kunwari ay natatapakan niya.
BINABASA MO ANG
Presidency Rivals
Teen FictionAdam Dmitri Zulueta vs. Mikhaela Xhien Sandoval for President for the S.Y. 2015-2016 Copyright © 2015 DiwatangBae All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including...