Chapter 36

842 19 6
                                    

Erwin: You may now kiss the bride.



Nagsigawan ang mga tao at agad na pinatahimik nila Erwin para makita ang kiss the bride na sinasabi. Itinaas ni Adam ang belo ni Mika at inilagay sa likod niya. Tumingin si Adam sa mga tao na kitang-kita ang kilig sa mga mata nila. Tumingin siya kay Mr. M na naka-tingin sa kanila. Ngumuti at umiling lamang ang kanilang sir. Ibinalik muli ni Adam ang tingin kay Mika na naka-yuko at parang ayaw na ayaw siyang tingnan. Inangat ni Adam ang mukha ni Mika. Pakiramdam mi Mika ay pumunta sa mukha niya ang lahat ng dugo niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya at parang may daan-daang paru-paru ang nagsisiliparan sa tiyan niya. Halos ma-blanko din ang utak ni Mika ng lumapit si Adam sa kaniya at tingnan siya sa mga mata niya. Si Adam naman ay napa-lunok at sobrang bilis ng kabog ng dibdib. Para siyang hinahabol sa bilis. Hindi siya maka-hinga ng ayos at ang tanging nakikita niya lamang sa paligid ay walang iba kundi si Mika.




Bea: Itigil ang kasal!

Marianne: Ano ba yan ang tagal! Inip na kami, kiss na ng matapos na at kami naman.




Natatawang sabi ni Bea at Marianne. Nag-tinginan ang iba sa kanila. Ang iba ay nainis at ang iba naman ay wala lang. Kahit pabiro alam nila Mika at Adam na si Gwen ang may kagagawan ng pag-sigaw ng dalawa. Inalis ni Mika ang kamay ni Adam sa mukha niya at hinubad ang belo.




Mika: Tara na, magpapalit pa ako.

Veron: Pero... sige.




Walang nagawa si Veron kundi ang sumunod kay Mika palabas ng booth.




Erwin: (hinga ng malalim) Next?




Nag-alisan na ang mga tao at inuhanda na ang sunod na ikakasal. Umalis si Adam sa booth kasama ang limang lalaki. Marami ang na-disappoint sa hindi nila pagki-kiss pero gayunpqman ay nangunguna pa rin ang kilig feeling nila sa kasalang naganap.

Sa CR, habang nagbibihis si Mika...




Veron: Asar! Magki-kiss na kayo eh! (naka-tingin sa salamin at nag-aayos ng mukha)

Mika: (nasa loob ng cubicle) Okay lang yun ano ka ba.

Veron: Sayang talaga girl, most awaited yun ng lahat eh.

Mika: Wag mo ng isipin yun made-depress ka lang saka, sige ka, yang wrinkles mo.

Veron: May point ka.






Pagka-labas ni Mika sa cubicle ay pumunta na sila sa booth. Isinauli ni Mika ang gown sa booth pati ang mga flower crown na gamit niya kamina. Nakapag-hilamos na rin siya para matanggal ang make-up. Umupo siya sa tabi ni Kim at kinuha ang cellphone sa bulsa.





Kim: Congrats naman sa newly wedd.

Mika: Sige, mang-asar ka pa Kim. Kayo kasi may awa nun eh.

Kim: Nakaka-kilig kasi, iba talaga ang chemistry ninyo ni Adam. Sabi na yang longest-alive-mortal-enemies title ninyo mapapalitan ng mortal-lovers-enemies-no-more na title eh.

Mika: Ano?

Kim: Wala. Gawa-gawa ko lang yun. Hahaha. Pero sa totoo lang Mika, iba talaga yung kanina. Parang magic lang.

Mika: Magic?

Kim: Oo, magic. May magic sa pagitan ninyo ni Adam. May spark ba.

Mika: Spark lang pala pa-magic-magic ka pa.

Kim: Nakaka-kilig talaga! Upload ko na lang yung pics ha.

Mika: Kim naman! :(

Kim: Girl, sa dami ng tao kanina hindi lang ako ang nag-picture. May video pa nga yung iba eh. Wala ka ng magagawa, upload ko na toh.

Mika: Bakit n'yo ba ginagawa ito sa akin! :'(

Kim: Mika, minsan lang kami kiligin. Pag-bigyan mo na kami. Hahaha!

Caleb: Ehem, shall I say... congratulations, Mrs. Zulueta?




Napa-tingin naman sila Kim at Mika kay Caleb na bigla na lang sumulpot sa tapat ng table.




Mika: If you mean it.

Caleb: Oh. Then, congrats?

Mika: Kim pwede bang umalis na ako? Alas-tres nanaman.

Kim: Sige mukha namang wala ng magpapa-kasal eh. Saka sub ka lang naman siguro naman tapos na ang laro ni Nigel.

Mika: Thanks. Bye.





Kinuha ni Mika ang bag niya at sumama kay Caleb. May nagla-lako ng cotton candy na iba't ibang kulay at naisipan ni Mika na bumili.




Mika: Hala! Yung cotton candy na assorted ang kulay.

Caleb: Gusto mo?

Mika: Yes. Please can we? *puppy eyes and pouty lips*

Caleb: Hahaha. Tara.





Inakbayan ni Caleb si Mika at nag-lakad sila papunta sa nagti-tinda ng cotton candy. Bumili si Caleb ng XL na size mg cotton candy para kay Mika. Iba't ibang kulay na iba't ibang flavors. Bale 24 flavors lahat at 24 kulay na pinagdugsong-dugsong sa iisang cotton candy. Kitang-kita sa mata ni Mika ang saya kesa sa kanina niyang mukha.



Caleb: Happy now?

Mika: Thank You Caleb ha. Nilibre mo pa ako may pera naman ako. Babawi ako sa'yo, swear.

Caleb: Wala yun. Oh saan mo gustong pumunta?

Mika: Alam ko na!




Hinawakan ni Mika ang kamay ni Caleb at hinila ito palabas ng gate ng school. Alas-kwatro ang pagsa-sara ng mga booths at alas-singko naman ang tapos ng games dahil alas-sais ay mag-sisimula na ang theme song competition ng INTRACAD 2015. Wala namang kasali sa kanilang dalawa kaya umalis na agad. Naka-gawian na ni Mika na hindi manuod ng mga events tuwing gabi ng INTRACAD dahil sa hindi rin siya pinapayagan ng kaniyang daddy.





Caleb: Saan ba tayo pupunta?

Mika: Basta! Maganda dun.





Sumakay sila ng jeep papunta sa East. Halos labing-limang minuto rin ang i-byinahe nilang dalawa papunta sa isang sikat na park at gustong-gustong puntahan ni Mika.





Caleb: Eh? Dito lang pala eh.

Mika: Hindi pa kasi ako nakaka-ratong dito eh. Pasensya na.

Caleb: Oh. Sige. So gusto mong mag-lakad-lakad?

Mika: Yeah! (tango ng tango habang naka-ngiti)





Nasunod ang gusto ni Mika. Ang maka-punta sa National Park at maglakad-lakad. Medyo pagabi na rin kaya maganda ang mga ilaw lalo na sa mga dancing fountain na sumasayaw sa saliw ng OPM songs.

Presidency RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon