Mika: What the fuck are you doing Adam?!
Agad nagpunta sila Adam at Mika sa likod ng school pagkatapos ng klase para pag-usapan ang nangyari kaninang recess. Sanay ng pag-usapan si Mika, sanay na siya maging sikat... pero hindi bilang girlfriend ni Adam.
Adam: So you're cussing now?
Mika: Tss. (roll eyes) Ano ba kasing pumasok sa kokote mo at naisip mo yun ha?
Adam: Pwede ba wag kang ma-ingay? Kapag may naarinig sa'yo masisira ang plano ko at sige, ikaw din, malalaman nila ang deal. It's part of our deal okay? You will pretend to be my girlfriend!
Mika: For a month?! (sigaw)
Adam: For until I want!
Mika: What the?!!
Adam: You'll be my slave for a month at susundin mo lahat ng sabihin at ipag-uutos ko. That is our deal, right? So you will be my girlfriend until I saw my ex-girlfriend crying and mbegging for me to come back.
Mika: Seriously? Si Gwen? Eh sa pag hindi naman tinamaan ng kalandian yang ex mo eh! Yun iiyak at magmamaka-awa sa'yo? Wake up Adam! Gwen won't do that kasi hindi ka na niya mahal!
Napansin ni Mika ang pag-iiba ng itsura ni Adam. Naging seryoso at matalas tumingin. Nakaramdam siya ng takot kaya tumahimik na siya. Lumapit naman si Adam sa kaniya ng sobrang lapit at yumuko para mag-pantay ang mukha nila.
Adam: Come with me. Siguradong mapapagod ka sa gagawin ko sa'yo. Maghanda ka na!
Hinila na lang ni Adam si Mika. Sobrang kinakabahan naman si Mika sa gagawin ni Adam. Ngayon lamang siya nakaramdam ng ganitong takot. Mahigpit ang pagkaka-hawak ni Adam sa kaniya. Pag dating sa varsity room sila lang dalawa ang naandoon. Naka-sara ang mga bintana at naka-lock ang pinto.
Adam: Maghubad ka na.
Mika: Ha? Adam please wag iba na lang!
Adam: Ano bang pinagsasabi mo diyan? Maghubad ka na at isuot mo ito!
Itinapon ni Adam ang damit kay Mika at napakunot na lang ang noo niya. Nagpalit siya ng damit sa may shower area at lumabas. Agad ibinigay sa kaniya ni Adam ang mop at mga gamit pang linis sa shower area at varsity room.
Adam: Linisin mo to! Magprapractice lang ako. Be back at 6. Wag kang aalis dito!
Mika: Fine!
Nagsimula ng maglinis si Mika ng varsity room at shower area. Puro kalat ang naandoon. Mga balat ng shampoo at sabon. Minsan pa ay mga sachet ng deodorant o kaya ay mga pinagka-inan at ang basurahan nila na isang buwan na atang hindi naitatapon.
Mika: Sa bahay nga hindi ako pinaglilinis, dito pa? The hell!
Puro reklamo ang maririnig kay Mika. Samantalang si Adam chill na chill sa pagkaka-upo sa try-out ng varsities. Cancelled ang practice nila ngayon para sa try-outs.
Adam: Anong pangalan ni number six na naka white at blue na jersey?
Grae: (tumingin sa mga papel) Caleb Borras.
Nagsulat si Adam sa papel. Matapos ang laro ay pina-pila ang mga nag-try out.
Toffer: Ang mga tatawagin ko ay mangyari mag-step forward. (kinuha ang papel kay Grae)
Isa-isang tinawag ni Toffer ang mga nakapasok sa try-out. Panghuling tinawag si Caleb.
Adam: Congrats sa inyo at better luck next time sa iba. Team, gather muna tayo dito! (umakyat sa bleachers para makita siya ng lahat)
Hayden: Yes? (nagpupunas ng pawis)
Adam: Kung gagamit kayo ng varsity room at shower area, paki-ayusin ha! May na-hire na akong naglinis nun! Paki-tapon ng mga basura ninyo sa tamang tapunan at paki-punasan ng mga basa ninyo. Yun lang dismissed.
Grae: (inakbayan agad si Adam pagkababa) Taga-linis?
Adam: Si Mika. (smirk)
Grae: Yung totoo? Girlfriend mo ba talaga yun o slave? May pustahan kayo noh?
Adam: Wala. Ge na!
Pag dating naman ng ilan sa varsity room at shower area ay inayos na nila ang pag-gamit sa room at shower area. Si Mika naman nag-aayos na ng sarili habang naka-harap sa salamin na naka-dikit sa pader. Pag-talikod niya agad bumungad sa kaniya ang isang lalaki na ngayon lamang niya nakita. Hindi gaanong katangkaran pero ang hubog ng katawan ay masasabing perpekto at ika nga ng ilan ay yummy. Sobrang lapit nila sa isa't isa.
Mika: Sorry (natatawa)
Kapansin-pansin ang abs ng lalaki at ang mabango nitong amoy.
Caleb: Hi I'm Caleb. (naka-ngiti)
Sobrang lapit nila ni Mika sa isa't isa at ga-hibla na ang distansya nila.
Mika: (nauutal) M-m-mika.
Nag-shake hand sila at saka binigyan ni Caleb ng daan si Mika.
Adam: Babe!
Inakbayan ni Adam si Mika at inis na inis naman ito. Lumabas na sila at pumunta sa parking area.
Mika: Happy now? Sige na uuwi na ako.
Adam: Uuwi? Ihahatid kita. Baka kapag may makakita sa'yo hindi maniwalang girlfriend kita.
Mika: Fine!
Walang nagawa si Mika kundi sumakay sa kotse ni Adam at nagsimula namang mag-drive na si Adam. Si Mika naman nagpapahinga langbsa loob ng kotse.
Adam: I'll pick you up tomorrow.
Agad napabangon si Mika.
Mika: Ha? Wag na! May driver naman ako.
Adam No! Isa!
Mika: Please ihatid mo na lang ako pauwi wag lang fetch! Okay na to! Okay na.
Adam: Why?
Mika: Magagalit si Dad.
Adam: Eh di kakausapin ko.
Mika: No!
Adam: Yes!
Mika: Adam look, hindi ako nakikipag-biruan. Gusto mong mapalayas ako sa amin? No! Please.
Adam: Okay okay. Ang ingay mo!
Mika: Ikaw kasi eh. Oo nga pala kung magpapanggap ako na girlfriend mo we have to set rules.
Adam: Fine.
Mika: No kiss, no hug, no holding hands... bawal ang touchy!
Adam: Paano naman nila malalaman na girlfriend kita kung wala yung mga yun. No kiss. No hug. Yes holding hands at akbay. Wag lang mag-alala, wala akong balak tsansingan ka. Asa ka! Hindi ko gugustuhing halikan at yakapin ka!
Mika: Mabuti naman dahil ayoko sa'yo. Okay sige fine! Wag lang OA ha!
Adam: Fine!
Hanggang pauwi sa bahay ay hindi inimikan ni Mika si Adam. Nag-bye lang sila sa isa't isa at umuwi na si Adam. Si Mika naman naglakad na papasok sa bahay.
BINABASA MO ANG
Presidency Rivals
Novela JuvenilAdam Dmitri Zulueta vs. Mikhaela Xhien Sandoval for President for the S.Y. 2015-2016 Copyright © 2015 DiwatangBae All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including...