Chapter 24

977 17 8
                                    

Mika: Eh di dyan ka na!

Naglakad si Mika palayo.

Adam: Mika! Bumalik ka dito! Mika!

Ni isang lingon ay hindi ginawa ni Mika kay Adam. Hinayaan niya lamang na magsisigaw ang binata. Walang nagawa si Adam kundi ang tumakbo para habulin si Mika. Naabutan niya ang dalaga at agad hinarang.

Adam: Mika, I'm sorry okay! Please patawarin mo na ako. Sorry na!

Mika: (naka-kunot ang noo)

Adam: Please. (hinawakan kamay ni Mika)

Mika: (tinaas ang kilay) Ilibre mo muna ako sa night market.

Adam: Oo kahit ilan pa! Sus!

Inakbayan ni Adam si Mika at sabay silang pumunta sa may ihawan. Marami ang kinain ni Mika na barbecue, isaw, dugo, hotdog, kwek-kwek at lalo na ang calamares na paborito niya.

Adam: Okay na tayo?

Mika: Sige na nga.

Adam: Arte mo!

Mika: Lalo ka na!

Adam: Oh joke lang. Umuusok nanaman yang tenga at ilong mo.

Mika: Che!

Adam: Hmmm, bhie, matanong ko lang, bakit parang galit na galit ka sa aming mga varsity? Palagi mo na lang kami bina-bash.

Mika: Paki mo?

Adam: Bhie naman.

Mika: Ewww! Don't call me that endearment! So ewww!

Adam: Okay. Baby.

Mika: Urgh! (irap)

Adam: Eh bakit nga?

Mika: Gusto mo ba talagang malaman?

Adam: Oo.

Mika: Ibili mo muna ako ng calamares at palamig.

Adam: Hindi ka naman nagsabi date pala toh! Sana nakapag-dala ako ng pera.

Mika: Oh! (dukot sa bulsa)

Adam: Joke lang kasi. Bibili na po.

Bumili si Adam ng thirty pesos na Calamares at dalawang twenty pesos na pineapple juice.
Si Mika naman huminga ng malalim para sa sunod na pag-uusap nila ni Adam.

Mika: Yey! Thanks. (kain)

Adam: Oh ano na?

Mika: Gusto mo ba talagang malaman?

Adam: Oo.

Mika: Bakit?

Adam: Para malaman ko kung ano kami as a team sa mga haters namin. Ang pangit naman kasi kung puro fans lang namin ang pinapakinggan namin, hindi balance.

Mika: Well I guess hindi makatutulong ang sasabihin ko.

Adam: Even thou. Please. I wanna know the things na nagpapa-sakit sa'yo. Yung mga ayaw mo.

Mika: Why?

Adam: Alangan, girlfriend kita eh.

Mika: Hay! Okay fine. Mukha namang katiwa-tiwala ka.

Adam: Why?

Mika: Nevermind. Okay listen carefully at bawal mag react ha.

Adam: Okay.

Mika: Bawal magtanong.

Adam: Okay.

Mika: Kaya ako galit na galit sa inyo kasi ang yabang at ang angas ninyo. Saka, dahil kasi ni Toffer. (umiwas ng tingin kay Adam) He got Natalie pregnant.

Poker face lang si Adam at hindi umiimik habang si Mika naghihintay ng sasabihin ni Adam.

Mika: (irap) Go! Mag-react at mag-tanong ka na.

Adam: What?! Paano? Kelan pa? Bakit hindi ko alam? Sino lang nakaka-alam sa school? Tunay? Weh? Bakit hindi nabalita? Kaya ba umalis si Natalie? Di ba nasa modeling school siya? Yun ba dahila kung bakit galit ka sa amin? Feeling mo lahat kami malibog at mayabang?

Mika: Woah! Wait! Okay! Isa-isa ha!

Adam: Okay. Nakaka-gulat lang kasi eh.

Mika: Tss. Bakla.

Adam: Ano'ng sabi mo?

Mika: Wala. Oo yunang dahilan kung bakit nag-stop si Natalie. Noong December siya nanganak. Well eh di ba mag-ex sila so malamang may posibilidad na ganun.

Adam: Oh geez! Eh ano naman reaksyon ni Toffer?

Mika: Wala. Itinanggi pa niya, wala ring sustento o ano. Ni kamusta nga wala eh.

Adam: Mabait si Toffer, hindi niya gagawin yun.

Mika: Eh di sa kanya mi tanungin kung ano ginagawa niya sa anak niya. May gana pa siyang mag-girlfriend ng panibago.

Doon naintindihan ni Adam ang lahat pero pilit pa rin niyang ipinagtatanggol si Toffer kay Mika. Hindi alam ni Adam kung sino ang paniniwalaan. Matapos nilang kumain ay hinatid ni Adam si Mika sa bahay. Agad namang dumiretso si Mika sa kwarto.

Adam: Sige po una na po ako.

Mikhael: Adam, salamat sa pag-sunod kay Mika sa concert.

Adam: Wala po yun, salamat din po sa ticket. Salamat po sa pagkakataon para magka-bati kami.

Umuwi na si Adam at pag-dating sa bahay ay abang na abang ang pamilya niya sa update niya tungkol sa kanila ni Mika.

Ginette: So ano? Bati na kayo?

Amy: Anong sabi niya?

Roan: Kuya ano? Okay na ba kayo ni Ate Mika?

Ronnie: Buti na lang at tinawagn ka ni Mr. Sandoval, nmayat ka na sa hindi mo pagkain kagabi at kanina eh.

Adam: Okay na kami! Whoooo!

Family: Yes! Whoooo!

Niyakap nila si Adam at tuwang-tuwa sa balita. Masaya silang nagkwentuhan kung anong nangyari kahit na medyo masakit sa bulsa ni Adam ang nangyari ay masaya sila sa pagkaka-bati nila Mika at Adam.

Pagpasok nila ng Martes ay bumungad kila Mika at Adam si Gwen na kasama si Raynier. Parang natural na kila Adam at Mika na mag-kulitan na may lambing sa isa't isa. Masaya sila na nagkukulitan at napansin ni Mika ang pag-irap ni Gwen.


Adam: Kita mo yun? (paglampas)

Mika: Alin?

Adam: Si Gwen at Raynier. Huh! Umirap si Gwen ibig sabihin nasaktan siya.

Mika: Ahh.



Nasaktan man si Mika ay hindi na lamang niya pina-alam at ipinkita kay Adam. Hindi niya alam kung bakit parang gusto na lang niyang sarilinin ang sakit sa mga sinabi ni Adam. Naguluhan si Mika kung seryoso ba lahat ng pagpapakita ni Adam ng kagandahang loob sa kaniya o kasama lang yun sa mga effort niya para mapaniwala si Gwen at ang iba tungkol sa relasyon nila.

Maghapong masaya at hyper si Adam. Si Mika naman matamlay. Naiisip niya kapag binalikan ni Adam si Gwen, naiisip niya kung paano na siya. Naiinis siya sa sarili dahil nahuhulog na siya unti-unti kay Adam. Umiling-iling siya at ipina-alala sa sarili ang sa kanilang dalawa ni Clark.

Maagang umuwi si Mika dahil marami pa siyang gagawin. Hindi na rin siya mautusan ni Adam dahil tapos na ang dare nila. Si Adam naman ay naiwan para sa parctice nila ng basketball.




Adam: Toffer pwede ka bang kausapin?

Toffer: Tungkol saan pre?




Medyo lumayo ang dalawa mula sa mga ka team nila.

Presidency RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon