[A/N: I'm listening to that song right now at yan din ang gusto kong maging kanta ng opening nila. HAHAHA! Mema! Sorry na mahal ko si Afrojack ii. HAHAHA! Patugtugin n'yo habang nag-babasa kayo. HAHAHA! Enjoy reading!
Dedicated din ito sa gwapong new KUYA ko na si @KuyaSage01. HI KUYA! Salamat ha! Labyu! ]
* * * * *
Caleb: What should I do? Can you teach me how? Please!
Mika: Here, fold mo muna tapos.
..Mula sa malayo ay kita ni Adam ang dalawa habang gumagawa ng origami flowers. Nakita niya na masaya si Mika kapag kasama si Caleb at ngayon lang niya ulit nakita ang mga ganung ngiti.
Nag-init agad ang dugo ni Adam ng makitang pinahiran ni Caleb si Mika ng glue sa ilong at masayang nagku-kulitan. Lumabas siya ng kotse at mabilis na naglakad patawid sa bahay nila Mika.
Grae: Adam! Huminahon ka!
Toffer: Adam makinig ka sa amin, hindi makaka-buti kung aawayin mo sila.
Adam: Bitawan n'yo ako!
Toffer: Adam! Please! Makinig ka naman sa amin kahit ngayon lang.
Parang natauhan si Adam ng biglang may bumusinang sasakyan. Agad silang tumakbo pabalik sa tabi at naglakad pasakay sa kotse.
Lingid sa kaalaman ni Adan ay nakita siya ni Toffer kanina na umalis at tinanong kay Grae kung saan ito papunta. Iba ang pakiramdam na baka may mangyaring gulo kaya minabuti nila na sundan si Adam.
Pagkagaling sa village nila Mika ay dumiretso sila sa isang bar para maikwento ni Adam ang lahat.
Grae: So ang lahat ng yun ay deal lang?
Toffer: Ibig sabihin hindi mo totoong girlfriend si Mika?
Adam: Hindi, nagpanggap lang kami para mabawi ko si Gwen. Sobra kasi akong nasaktan nung iniwan ako ni Gwen kaya gusto ko na makita niya na madali ko lang siyang palitan. Gusto kong masaktan siya at gumapang pabalik sa akin.
Toffer: Eh kung ganun pala, bakit ka nagkaka-ganyan ngayon? Di ba yan naman ang goal mo, ang mapabalik sa'yo si Gwen? And it's working.
Adam: Dre hindi ko rin alam eh. Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Hindi ko alam kung bakit gusto ko pakagi lang nasa tabi ko si Mika. Hindi ko na alam!
Grae: Dahil ba, nahulog ka na sa kaniya?
Tumingin ang dalawa kay Adam na parang inuulit ang tanong ni Grae. Hindi umimik si Adam sa halip ay uminom ng cocktail drink at umorder pa ulit ng isa.
Toffer: Adam, sa tingin ko mas mabuti na alamin mo muna ang nararamdaman mo.
Adam: Ha?
Grae: Tama si Toffer. Tingin ko kasi, nahulog na rin yun sa'yo eh. Kung si Gwen talaga eh di tapusin n'yo yung deal habang hindi pa lumalala ang lahat, pero, kung si Mika talaga, sabihin mo na habang maaga pa. Bago pa mahuli ang lahat.
Napag-isip-isip ni Adam ang mga sinabi nila Grae at Toffer. Tama sila, kailangan ng pag-isipan ni Adam ang lahat bago pa mahuli at lumala ang sitwasyon. Kahit ang dalawa ay kapansin-pansin ang humihinang performance ni Adam sa baketball at pati na rin ang pagiging seryoso na nito sa lahat ng bagay.
*****
Lunes ay maagang pumasok si Mika para mag-ayos ng booth nila. Kasama niya sila Christian, Erin, Aaron at Lloyd pag-aayos pati na rin si Aizle at Abby.
Clark: Hi Miss!
Mika: Woah! Clark!
Nagulat si Mika sa bigla na lang pag-sulpot ni Clark habang nagka-kabit siya ng kurtina sa gilid ng booth. Agad namang niyakap ni Mika si Clark pagka-kita rito.
Clark: Wala kaming pasok ngayon eh kaya naisipan kong pumunta dito.
Mika: Ahh. Kaya pala! Sige wait ha busy pa ako eh.
Clark: Ano'ng oras ng duty mo?
Mika: Hmmm, bukas pa ako, after lunch pa. Bakit? (kinikilig deep inside)
Clark: Samahan mo muna ako, may hinihintay kasi ako eh. Ha?
Mika: Sige, sige, tapusin ko lang ito.
Naglibot-libot muna si Clark sa SXA para rin makita ang iba niyang kaibigan at teachers.
Aizle: Break na ba kayo ni Adam?
Mika: (natigilan) Uhm, hindi pa naman. (gawa ulit)
Aizle: Pansin ko kasi palagi na silang mag-kasama ni Gwen.
Mika: Ahh.
Hindi na rin nag-tanong pa si Aizle at gumawa na lang ng trabaho niya sa booth. 8:00 ay nagkaroon sila ng misa at pagkatapos nun ay blessing ng mga booths. Halos 10:00 na rin ng umaga sila nakapag-bukas ng booth ang lahat ng sections. Toka-toka sila sa pag-babantay ng booth at bukas pa naka-assign si Mika kasama sila Kristel, Angelie, Elaine at Justine. Tigli-lima kasi bawat group: isang pari, isang assistant ng pari at tatlong taga-hanap ng mga ikakasal. Sa Wedding Booth nila pwedeng magpa-kasal kahit ayaw ng ika-kasal basta may bayad at may posas pa sila kaya hindi talaga makakatakas at kahit sila pwedeng ipakasal kahit pa ang naka-assign na pari.
Si Mika naman pagka-bukas ng booth nila ay umalis na kasama si Clark. Wala lang nag-libot-libot lang sila sa buong school habang magka-hawak ang kamay. Well, hindi naman kasi ine-expect nung dalawa na mag-holding hands sila sa daming tao sa buong school. Opening kasi at open ang school nila sa outsiders basta may I.D.
Sister Ofel: Clark?
Clark: Sister!
Nag-bless sila Mika at Clark kay Sr. Ofel na siyang madre na nag-hahawak ng scholarships ng mga estudyante sa St. Xavier Academy. Scholar kasi dati si Clark kaya magkakilala sila ni Sr. Ofel.
Sister Ofel: Saan ka ba ngayon pumapasok?
Clark: Ay sa UP po.
Sister Ofel: Ah! Ano'ng kinukuha mo'ng course?
Clark: Political Science po, Sister. :)
Sister Ofel: Aba! Be good ha! Mag-aral ng mabuti. (napa-tingin sa holding hands nila ni Mika) Mukhang may binabalikan ka ata ah, may naiwan ka?
Clark: (natawa) Wala po. Hala, si Sister oh.
Sister Ofel: Oh siya sige, kayo ay magba-bait ha. Mag-aral ng mabuti. Sige na pupunta muna ako sa office.
Clark: Sige po, Sister. Ba-bye po.
Natatawa sila parehas sa sinabi ni Sister Ofel sa kanila. Papunta sila ngayon sa Library ng school, kung saan sila unang nagka-kilala at kung saan sila naging magka-close. Dahil parehas na masipag mag-aral ang dalawang ito kaya palaging tambay ng Library. First year noon si Mika at second year high school si Clark nang maging magka-tapat noon sila sa upuan dahil puno na sa dami ng nagre-review. May hinahanap na libro si Mika at si Clark ang tumulong sa kaniya para hanapin yun. Simula noon ay naging mag-kaibigan na sila at palaging sa Library ang tagpuan nila o kaya naman ay sa canteen.
BINABASA MO ANG
Presidency Rivals
Novela JuvenilAdam Dmitri Zulueta vs. Mikhaela Xhien Sandoval for President for the S.Y. 2015-2016 Copyright © 2015 DiwatangBae All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including...