Chapter 7

1.1K 30 8
                                    

Kinabukasan pag-pasok ni Mika sa school agad siyang pinosasan nila Toffer at Joshua pagkakita sa kaniya.

Mika: Teka ano to?! Hoy kayong dalawa ha! Si Dimetrio ba nagpadala sa inyo ha?! (galit at nagwawala)

Kuya Amado: Mam okay ka lang po?

Mika: Kuya okay lang po sige po alis ka na. (irap sa dalawa)

Joshua: Sumama ka na lang sa amin. (na-acting na pulis)

Nagsimula na silang mag-lakad papunta sa varsity room kung nasaan si Adam at ibang varsity. Pinagtitinginan sila habang nasa daan.

Mika: Ano bang ginawa ko ha? Wala naman akong ginagawa sa inyo ah! Panalo na nga Presidente ninyo di ba? Ano pa bang gusto ninyo?

Toffer: Sa prisinto ka na lang magpaliwanag.

Mika: (irap) Ano ba kasing kasalanan ko?

Joshua: Nagnakaw ka!

Mika: Ng alin?

Toffer: Ng puso ni Adam!


Nagtinginan sila Joshua at Toffer at parang mga nagbibinatang babagong nakararanas ng kilig. Patalon-talon at sobra ang ngiti.


Mika: Tigilan ninyo akong dalawa kukunyutan ko kayo eh!


Pag dating sa varsity room agad nilang tinawag si Adam na ngayon ay katatapos lang mag-shower. Naka-tapis lang ang tuwalya niyang puti sa may bewang niya habang basa ang buhok na bagsak at may bimpo na naka-sabit sa batok. Kinakausap niya sila Joshua at Toffer. Pagka-alis ng dalawa, ngumiti lang si Adam kay Mika at saka pumunta sa locker niya para kunin ang uniform niya. Iniwas naman agad ni Mika ang tingin niya kay Adam pero muling pa-simple na sinusulyapan si Adam. Mulo ulo hanggang sa perpektong hubog ng katawan nito hanggang sa mabalahibong hita hanggang paa.

Naghintay pa si Mika kung ano ang sunod na mangyayari. Pulos varsity na lalaki ang nandito at makalat at maputik. Alam nyo naman, boys are boys. Amoy na amoy lalaki rin sa room at halu-halo na ang amoy ng matapang na pabango na pang lalaki.



Mika: Pwede pakawalan mo na ako?

Adam: You have to promise me na hindi ka na tatakas.

Mika: (hinga ng malalim) Promise!

Adam: Nope! Hahaha!

Mika: Bwisit!

Adam: Bakit hindi ka sumipot kahapon?

Mika: Eh sa ayaw ko eh!

Adam: Ah ayaw mo? Remember the deal? Gusto mo bang malaman ng lahat ang tungkol dun?

Mika: (sinamaan ng tingin si Adam) No!

Adam: Then follow me! Gawin mo yung deal natin. Ganyan ka pala, walang isang salita.

Mika: Okay! Okay! Fine! Kalagan mo lang ako!


Tiningnan ni Adam si Mika at kinuha ang susi sa bulsa niya saka kinalagan si Mika. Inikot-ikot ni Mika ang kamay pagkatanggal ng posas sa kamay niya. Nagkatinginan sila ni Adam at mabilis siyang tumakbo paalis. Agad namang isinara nila Hayden, Toffer at Joshua ang mga pwedeng paglabasan ni Mika.



Mika: Bwisit!




Naghabulan sila sa loob ng varsity room at hindi inaasahang madulas si Mika dahil sa basa malapit sa shower area. Mabuti na lamang at agad siyang nasalo ni Adam sa likuran kung hindi baka nabagok na ang ulo niya.

Nagulat si Mika sa mabilis na pagsalo sa kaniya ni Adam. Kumg dati ay ayaw na ayaw ni Mika na nailalapit ni Adam ang mukha niya sa kaniya pero ngayon parehas silang walang reaksyon. Bumibilis lang ang tibok ng puso ng dalawa. Nagkatinginan sila Toffer at Joshua at nag-ngitian.



Hayden: Ehem!




Agad itinayo ni Adam si Mika at nagbitaw ang dalawa. Walang imik na kinuha ni Mika ang bag at umalis ng varsity room. Hindi na siya pinigilan ni Adam o ng kung sino pa mang varsity.

Naiinis si Mika dahil sa nangyari pero ang hindi niya maintindihan kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Si Adam naman wala pa ring imik hanggang classroom.

Pag dating ng dalawa sa classroom ay hindi nag-iimikan at walang pansinan. Masyado atang nagin awkward ang monent sa kanilang dalawa kanina.




Elaine: Oh bakit ang tahimik ninyo? (lumingon sa dalawa)

Allen: LQ?

Adam&Mika: Shut up!




Nagkatinginan ang dalawa at saka umirap sa isa't isa at nagtalikuran. Natatawa na lamang ang magkatabing sila Allen at Elaine sa dalawa.




Adam: Sumabay ka sa akin mag-recess mamaya. (hindi pa rin nililingon si Mika)

Mika: Fine! (hindi rin tinitingnan si Adam)




Pag dating ng recess, sumama nga si Mika kay Adam sa canteen. Ang daming nakatingin sa kanilang estudyante dahil na rin sa pag-akbay ni Adam kay Mika.




Student1: Sila na ba?

Student2: Akala ko ba longest-alive-mortal-enemies sila?

Student3: Di ba magkalaban sila bakit sila magkasama?





Naiinis si Mika sa mga naririnig niya at si Adam naman deadma lang. Pinipilit niyang tanggalin ang braso ni Adam sa balikat niya pero agad namang ibinabalik ng lalaki.

Sa di kalayuan ay nakita ni Adam si Gwen papasok ng canteen kasama si Raynier na bagong boyfriend ni Gwen. Nagkatinginan sila ni Gwen at Adam at agad ding umiwas ang dalawa.




Mika: Please stop doing this! (pabulong)

Adam: I'm your master.





Seryoso si Adam na ikinatakot naman ni Mika. Agad siyang nakaramdam ng takot sa sinabi ni Adam. Tumahimik na lang si Mika at kumain. Mayamaya ay dumating na sila Zeb at Grae, Joshua at Aizle, Toffer at Jazz, Hayden, Lance, Tyrone, Kevin at iba pang varsity dahil ipinatawag silang lahat ni Adam.




Zeb: OMG bes! Kayo na?




Agad tanong ni Zeb pagka-upo pa lang nilang lahat. Umirap lang si Mika at gustong-gusto na niyang kainin siya ng lupa as in now na!





Grae: So ano? Bakit mo kami pinatawag?

Adam: Guys, meet my new girlfriend, Mika. (nilaksan para mapakinggan ni Gwen)

All: WHAT?!

Zeb: Seryoso?!! Bes?!




Tumingin si Mika kay Zeb at saka tumingin kay Adam. Kahit siya ay naguluhan at nagukat sa sinabi ng binata. Sinamaan niya ng tingin si Adam at ngumiti lang naman ito. Pinisil niya ang tuhod ni Mika ng sobrang sakit para hindi maka-angal.




Mika: Oo totoo yun. Kahapon lang.




Nakita ni Adam si Gwen kasama si Raynier at sila Jen at Marcia na umalis ng canteen kaya lalo lang napangiti si Adam sa nangyari. Ang lahat ay umaayon na sa plano ni Adam.

Presidency RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon