Chapter 14

1K 25 2
                                    

Gwen: I will!


Sigaw ni Gwen. Hindi na nag-dalawang isip si Adam na maging ka-partner ni Gwen. Ito na ang pagkakataon niya para mapasankya muli si Gwen.

Adam: I'll be her partner.


Hindi pumalag si Gwen at wala rin si Raynier. Napapa-isip naman si Mika kung ano ang gagawin nila.

Nagkaroon ng malaking space para humiga si Gwen at siya mismo ang naglagay ng asin sa may baba ng pusod niya dahil naka crop top ito ng damit na sobrang iksi lang at naka leather na jacket na hinubad niya. May hikaw sa pusod si Gwen at naka maiksing-maiksing shorts lamang at naka boots.


Crowd: Body shot! Body shot! Body shot! Body Shot! Body shot!



Palakas ng palakas ang ingay at sigawan. Pabilis din ng pabilis ang sinasabi nila. Tumahimik ang lahat ng sipsipin ni Adam ang Lemon. Halatang naasiman siya sa itsura ng mukha niya. Yumuko ito para dilaan ang asin sa baba ng pusod ni Gwen at saka ininom ang Tequila.

Nagulat si Mika sa nasaksihan niya. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay gusto niyang magalit kay Adam kahit wala naman itong ginagawa sa kaniya. Nag-ingay ulit ang madla nang matapos ang body shots nila Gwen at Adam.



Dwayne: Hey Mika!


Napakinggan ni Adam ang pag-sigaw ni Dwayne at parang nahulasan nang makitang paalis si Mika at palabas ng bar.




Adam: Asan si Mika?

Dwayne: Ewan ko lumabas na lang eh. Tsk (iling)



Agad namang lumabas si Adam para hanapin si Mika.



Adam: Hey Mikhaela, wait! (hinawakan sa kamay)

Mika: Don't call me that name.

Adam: Hey ano ba, saan ka ba pupunta?

Mika: Uuwi na ako.

Adam: Eh bakit ka ganyan pwede mo namang sabihin sa akin.

Mika: Hindi na! Maka-abala pa ako sa paglandi mo. Saka yun naman talaga ang plano di ba? Sige na uuwi na ako (naglakad ulit)

Adam: Teka nga! (iniharap si Mika sa kaniya) Nagseselos ka ba?

Mika: Ako mag-se-selos? Hoy Adam Dmitri para sa kaalaman mo ni katiting na selos wala akong nararamdaman.

Adam: Eh bakit ka ganyan?

Mika: Nakaka-bastos kasi na alam ng lahat na girlfriend mo ako tapos ganun ang gagawin mo sa ex mo? Nakaka-bastos yun Adam kung alam mo lang.

Raynier: Sobrang nakaka-bastos.



Iniharap ni Raynier si Adam sa kaniya at sinuntok. Nag-suntukan sila Adam at Raynier sa labas. Walang nagawa si Mika kundi sumigaw at awatin ang dalawa. Salamat na lang at dumating agad sila Dwayne, Joseph at Toffer para mag-yosi nang makita nilang nagbubugbugan ang dalawa.



Dwayne: Raynier tama na, Adam tama na yan.



Pumagitna si Dwayne sa dalawa habang hawak ni Joseph si Raynier at hawak naman ni Toffer si Adam.



Raynier: Wag na wag mong pinapakialman ang akin, Adam! Akala mo! Gawin mo pa ulit yun at hindi lang iyan ang matitikman mo.



Umalis na si Raynier papasok sa club.



Toffer: May masakit ba?


Umiling lang si Adam habang hingal na hingal at nakasandal sa kotse.



Joseph: Mika saan ka?

Mika: (lakad ng mabilis palayo) Uuwi na ako.

Adam: Mikhaela! Sumakay ka na dito.

Mika: (tumigil) Seriously? Ihahatid mo ako ng ganyan ka kalasing? Wag na! Mag ta-taxi na lang ako pauwi.

Dwayne: I'll drive the two of you home.



*****


Walang imikan habang nasa kotse. Nasa unahan sa tabi ni Dwayne si Adam at si Mika sa likod. Hindi niya tinitingnan si Adam o si Dwayne at sa labas lang naka-tingin. 11:47 na ng gabi at medyo inaantok na rin siya. Pag dating sa bahay agad bumaba si Mika ng sasakyan ng walang imik.



Adam: Mika wait! (hinabol)

Mika: What? (pinindot ang doorbell ng tatlong beses sa inis)

Adam: I'm sorry kung nagawa ko yun kanina, I was out of my control. Hindi ko naisip yung deal natin or ikaw. I'm really sorry about it.

Mika: You don't have to say it... (lumapit kay Adam at hininaan ang boses) Wala lang naman kasi ako sa'yo. Hindi mo naman ako ka-anu-ano di ba? We're only the longest-alive-mortal-enemies of St. Xavier Academy.

Manang Konching: Mikhaela ikaw na ba yan?

Mika: Umuwi ka na at magpagaling.



*****


Isang buong linggo ring hindi nagpansinan sila Mika at Adam. Palagi namang sinusuyo ni Adam si Mika. Busy si Mika ngayon dahil ng laban nila para sa isang Science-Mathematics Competition sa buong division.

Pauwi na si Mika nang makita siya ni Adam habang sakay ng itim na sasakyan.





Adam: Hey still mad at me? (sinasabayan ang lakad ni Mika)

Mika: Anong ginagawa mo? Umuwi ka na.

Adam: Please Mika, sorry na kasi, okay?




Tiningnan lang siya ni Mika at naglakad ng mabilis. Napapakinggan niya ang ilang estudyante sa paligid na pinag-uusapan sila. May LQ daw.




Adam: Come with me. I'll treat you.

Mika: Ano ako bata?

Adam: Please.




With Adam's puppy eyes and pouty lips napapayag niya si Mika. Sumakay ito sa kotse pero hindi kinakausap si Adam. Nagpunta sila ng Starbucks at binilhan ng frappe si Mika, Strawberry Frappe na paborito ni Mika.



Adam: Favorite mo yan di ba?

Mika: Stalker ba kita? Paano mo naman nalaman?

Adam: Sa FB nakita ko saka tinanong ko na rin kay Zeb.

Mika: Kay Zebedee? Baka kung anu-ano pinagsasabi nang babae na yun ha!

Adam: Hmmm... hindi naman.

Mika: Ano namang sinabi sa'yo nun?

Adam: Secret (ngiti)

Mika: Tss. (inom ng frappe).

Adam: Bati na tayo?

Mika: Sino may sabi? (hindi tinitingnan si Adam)

Adam: Sya akin na yang frappe. (inextend ang kamay na kunwari kukunin ang frappe)

Mika: (natatawa) Oo na! Bati na tayo. (pinalo kamay ni Adam)

Adam: Grande pa naman yan.

Mika: Che! (inom)




Napangiti si Adam dahil gumaan na ang pakiramdam niya dahil bati na sila ni Mika. Matapos yun ay nagikot-ikot muna sa mall ang dalawa habang naka-holding hands. Parang nasanay na rin si Mika sa ganito pero hindi pa rin nawawala ang spark kapag naglalapit sila. Ang kuryente na hindi na parang kidlat kapag nagkikita sila kundi isang kuryente na dumadaloy mula kay Adam papunta kay Mika.

Presidency RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon