Chapter 17

1K 29 9
                                    

Pag-akyat ni Mika sa itaas hindi niya alam na pinag-stay muna ni Mikhael si Adam para kausapin.

Mikhael: Dun tayo sa office ko mag-usap.

Umupo naman agad si Adam pag-dating aa office at si Mikhael ay sa upuan niya.

Mikhael: Adam, I want you to be with Mika always.

Adam: Hmmm, okay po. May problema po ba?

Mikhael: Wala naman. Gusto ko lang na palagi kang nandyan para kay Mika. Gusto ko na palagi siyang nakikitang masaya at nkikita ko yun kapag kasama ka niya. Masaya ako na napapasaya mo siya at sana wag mo siyang iwanan. Alam kong marami akong pagkakamali at pagkukulang kay Mikhaela, hindi ko na mga alam kung paano ako makakabawi. Pero Adam, paki-usap ko lang sa'yo ay palagi mong bantayan at samahan si Mika. Pagpasensyahan mo na kung moody siya minsan o masungit, hindi mo naman siya masisisi, misan kasi kasalanan ko rin. Alam kong galit si Mikhaela sa akin.

Adam: Sir, mahal na mahal po kayo ng anak ninyo. Kung pwede nga lang niya kayong gawan ng monumento, nagawa na niya. Sobra ka pong tinitingala ng anak ninyo at nirerespeto.

Mikhael: Talaga? Pero alam kong galit siya sa akin. MaramingSalamat Adam, dahil nandyaan ka kay Mika para magparamdam ng pagmamahal. Sige na umuwi ka na at gabi na baka hinahanap ka na ng magulang mo.

Adam: Sige po. Salamat din po

Mikhael: Welcome na welcome ka dito sa bahay, saka wag mo na lang sana munang banggitin ito kay Mika baka kasi kung anong isipin.

Adam: Sige po sir, una na po ako. (palabas ng pinto)

Mikhael: And one more thing, call me Dad.

Adam: Thank You, Dad!

Nagyapos ang dalawa at saka inihatid ni Mikhael si Adam sa may pintuan. Pagka-alis ni Adam ay agad ini-lock ni Mikhael ang pinto.

Manang Konching: Nainom mo na ba ang mga gamot mo?

Mikhael: Opo Manang.

Manang Konching: Sya ay magpahinga ka na.

Mikhael: Manang. Kayo na po muna ang bahala kay Mikhaela sa susunod na buwan.

Manang Konching: (niyakap si Mikhael) Mikhaelson, siya mag-iingat ka ha. Matulog ka na.

*****

Sa text message...


Mika: Pasensya ka na kanina, salamat din pala.

Adam: Salamat din. Matulog ka na.

Mika: Ikaw din.

Adam: Hindi pa ako maka-tulog eh.

Mika: Bakit naman?

Adam: May bwisit kasing naka-pasok sa isip ko.

Mika: Ha?

Adam: Bwisit ka kasi.

Mika: Anong konek?

Adam: Wala. Sige na mauna ka ng matulog, wag mo na akong hintayin.

Mika: Sige. Pagod na rin ako good night.

Adam: Paano ba namang hindi ka mapapagod takbo ka ng takbo.

Mika: Ha? Kelan? Saan?

Adam: Wala. Sige na matulog ka ng bwisit ka! Good Night!


Medyo nainis si Mika kay hindi na niya nireplyan si Adam kasi alam niyang nang-iinis lang ang isang yun. Ipinikit niya ang mga mata at pinilit na maka-tulog. Mayamaya nagising siya. Limang minuto pa lang ang nakakalipas at hindi siya maka-tulog. Kinuha niya ang cellphone para magpa-antok. Binasa niyang muli ang text messages ni Adam sa kaniya.


"May bwisit kasing naka-pasok sa isip ko"

"Bwisit ka."


Napamulat siya ng mata at bina ulit ang dalawang text message ni Adam.


Sa text message..


Mika: Hey! You still up?

Adam: Yeah. Why?

Mika: Wala naman hindi ako makatulog eh.

Adam: Bakit naman?

Mika: May shunga kasing isip ng isip sa akin.

Adam: Ngayon mo lang yun na gets? Hay. Sayang effort ko. After 20 minutes pala bago mag-sink in sa'yo.

Mika: Sorry na ha! Ge na patulugin mo na ako.

Adam: Tulog na! Good Night. Sweet dreams.

Mika: Matulog ka na rin ma-late ka pa bukas.


Nagpa-ikot-ikot si Mika sa kama habang kinikilig. Pakiramdam niya ay hindi tama pero may nagsasabi sa kaniya na ayos lang na kiligin siya sa sinabi ni Adam. Napapangiti na lang si Mika kapag binabasa ang text message na yun ni Adam.

*****


Adam: Good Morning, naka-tulog ka ba na ayos?

Mika: Hindi eh.

Adam: Oh hindi na kita iniisip kagabi ha.

Mika: Eh bakit hindi ako maka-tulog?

Adam: Eh ikaw ba namang tawagin ng puso, paanong hindi ka makaka-tulog?


Hindi malaman ni Mika ang nararamdaman. Parang nawala bigla siya sa ulirat at paulit-ulit lang sa isip niya ang mga sinabi ni Adam. Lalo na ang mukha nitobng tinitigan si Mika habang sinasabi ang mga katagang binitawan. Pati na rin ang malamig at malalim na boses ni Adam ng sabihin yun. Sexy voice, sabi nga.


Adam:  Hey. You okay?

Mika: Oo! Gago you! (tinulak si Adam sa braso)


Kahit saan magpunta si Mika ay nandun si Adam at tuwing nagiging moody si Mika ay tila napagpapasensyahan na siya ni Adam at hindi na lang nakikisabay. Naninibago si Mika pero naramdaman niya ang pagtanggap ni Adam sa kaniya. Inisip niya na siguro ay nasaulo na siya ni Adam at naghanda na sa nga posibilidad na pwedeng mangyari sa kanila sa loob ng isang araw.

Uwian na pero hinintay ni Mika si Adam na may practice pa ng basketball. Naka-upo lamang si Mika sa may bleachers habang pinapanuod si Adam. Tueing makaka-shoot ito ay tumitingin siya kay Mika at kinikindatan ang dalaga.



Girl1: Girl grabe ang gwapo talaga ni President noh?

Girl2: Oo nga eh. Ang swerte ng girlfriend niya.

Girl1: May girlfriend na siya?

Girl3: Oo. Sabi yung running for Valedictorian ng 4A.

Girl2: Oo nga sabi nila. Si Mikhaela ba yun? Yun nga yun. Yung palaging tinatawag sa stage pag awarding.

Girl1: Eh? Ang pangit naman nun.


Lingid sa kaalaman ng mga babaeng nag-uusap ay napapakinggan sila ni Mika dahil nasa pangalawang baitang lang ang mga babae at si Mika ay sa pang-apat at hindi naman nalalayo sa kanila.

Matapos ang practice nila ay lumapit si Adam sa pwesto ni Mika. Akala ng mga babae ay lalapitan sila na todo pang kinikilig.


Girl1: Hi Mr. President! (pa cute)

Adam: Oh. Hi. (tingin kay Mika) Bhie tara na?

Mika: (smiles) Tara! San mo gusto? (bumaba at yumapos kay Adam)

Adam: Bhie, pawisan ako, ano ba! Mamaya na. (umakbay kay Mika)

Mika: Naglalambing lang eh!


Napansin ni Mika ang tatlong babae na parang nagulat at sumama ang itsura. Napangiti si Mika at tinaasan sila ng kilay.

Presidency RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon