Chapter 33

891 17 5
                                    

Pagdating ng dalawa sa Library ay agad silang umupo sa sofa kung saan madalas silang mag-review ng magkasama dahil sa malakas ang connection ng wi-fi sa parteng iyon. Hindi naman napigilan si Adam na pumasok ng library dahil kilala naman siya sa school. Umupo sila sa sofa at kumuha si Clark ng dyaryo para magbasa. Si Mika ay hindi maka-imik. Pakiramdam niya ay hindi siya makalunok ng ayos dahil kay Clark. Nagpapawis ang kanyang kamay at bumibilis ang tibok ng puso.


Clark: Ang layo mo sa akin, may sakit ba ako? Halika nga!


Hinila ni Clark si Mika at umakbay sa kaniya na lalo pang nagpa-bilis ng tibok sa puso ni Mika. Hindi siya maka-tingin ng diretso kay Clark dahil sa nahihiya siya. Pakiramdam niya ay namumula na ang mukha niya.


Clark: Basahin mo toh! Ang ganda nung article oh!


Iniabot ni Clark kay Mika ang dyaryo at tumingin dito pero hindi naman binasa. Ngumiti si Mika pagkatapos at ibinalik kay Clark.

Mika: Ang ganda. :)

Clark: Oo nga, ang ganda.


Tumingin si Clark kay Mika ng mata sa mata. Iba ang pakiramdam ni Mika sa sinabi ni Clark habang naka-ngiti sa kaniya. Kaya iniwas niya ang tingin dito bago pa niya mahuli ang lihim na pag-tingin ni Mika kay Clark noon pa man.


Mika: Tara nga sa office, nandun gamit mo di ba?

Clark: Oo. Tara.


Tumayo sila at pumunta sa office ni Mr. M kung nasaan ang gamit ni Clark. Nadatnan nila doon ang mag boyfriend at girlfriend na sila Klarizza at Vince. Birthday ni Vince at may surprise si Klarizza sa kaniya kanina at ngayon ay momentum na nilang dalawa.

Clark: Ay sorry guys, kunin ko lang yung bag ko ha.

Vince: Kuya Clark naman eh! Panira ka ng moment, bilisan mo. (nagjo-joke)

Clark: Hoy! Vince, baka kung ano na yan ha!

Klarizza: Gagi wala! Ge na! Lumabas ka na kasi.


Natatawa na lang si Clark ng lumabas sa office dala ang bag niya para makapag-palit siya ng damit dahil na rin sa pawis. Sinamahan siya ni Mika na magpalit sa CR ng boys pero syempre nasa labas si Mika. :)

Matapos mag-palit ni Clark ay lumabas ito ng CR at may kinuha sa bag habang si Mika naman ay naka-tingin sa puno ng Mangga sa gitna ng school building na hitik na hitik sa bunga. Ngumiti si Clark ng makita ang hinahanap, isinara ang bag at tinawag si Mika.


Clark: Ahm, Mika, may ibibigay ako sa'yo.

Mika: Ha?

Clark: (ipinakita harap-harapan kay Mika ang knotted bracelet na kulay black and white)

Mika: Hala, ano toh?

Clark: Thanks for everything.


Kinuha ni Clark ang kanang kamay ni Mika at isinuot ang knotted bracelet. Napa-ngiti si Mika ng makitang meron din si Clark na suot at magka-terno sila.

Clark: Sorry walang green eh.


Ngumiti si Mika sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.

Mika: Thank You, Clark. This is enough!

Clark: Ilibre kita ng lunch.

Mika: Really? Ang bait mo ata sa akin ngayon ah.

Clark: (pisil sa ilong ni Mika) Lagi naman akong mabait sa'yo ah. Grabe toh!

Mika: Joke lang. Tara na?

Clark: Tayo na. :)

Pumunta sila sa hilera ng mga bilihan ng pagkain at bumili ng mojos at calamares na paborito ni Mika para maging lunch nila with Lemon juice. Naka-upo sila sa mga tables doon habang kumakain at nag-kwe-kwentuhan. Napansin naman ni Mika na kanina pa tingin ng tingin si Clark sa cellphone niya at parang may hinihintay at ka-text. Ayaw sana niyang mag-tanong pero nagpa-linga-linga si Clark sa paligid.


Mika: Sino hinahanap mo?

Clark: Oh! There!


Napa-tingin si Mika sa direksyon kung saan naka-tingin si Clark. Kitang-kita sa mata nito ang saya at kislap. Hindi naman maintindihan ni Mika kung ano ang nangyayari. Napansin na lang niya na may babaeng naglalakad. Kulot ang buhok niya, wavy ang pagka-kulot. Hindi rin gaanong katangkaran pero tama lang. Maputi at mukha talagang dalaga sa itsura niya. Naka-dress siya ng blue at papalapit sa pwesto nila Clark at Mika.


Clark: Mika, si Mabell, girlfriend ko. Bhe, si Mika, yung kwine-kwento ko sa'yo na kaibigan ko.

Mabell: Hi, nice meeting you.

Mika: Hi! (fake smile) Nice meeting you rin. Wow! Boyfriend mo yang mokong na yan? Kelan pa?

Mabell: (upo sa tabi ni Clark) 5 months ago? Hehe.

Mika: Aba, tol! Iba ka na talaga. Ahm, una na muna ako hinahanap daw kasi ako ni Tatay eh.

Clark: Hala mamaya na.

Mika: Sorry kailangan eh, baka meeting sa marketing ng school.

Clark: Marketing?

Mika: Oo. Kasi di ba mago-open na ang SXA ng K-12 Education next school year eh ayun magpro-promote kami sa lahat ng elementary schools kung saan-saan.

Mabell: Sayang naman, gusto pa naman kitang makilala pa.

Mika: Sorry talaga. Babawi ako next time. Swear! K. Bye!


Nakalimutan ni Mika ang pinagkainan niya na itapon pagmamadali at pati na rin ang bracelet na ibinigay sa kanya ni Clark. Sinadya niya na iwanan yun dahil hindi niya alam kung paano ibabalik kay Clark. Kinuha ni Clark ang bracelet at ibabalik sana kay Mika kaso ay malayo na ito at mukhang nagmamadali talaga.

Habang naglalakad at hindi alam kung saan papunta ay naiiyak na si Mika sa sakit na naramdaman. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun. Nasaktan siya dahil pakiramdam niya ay nadaya siya. Sakto namang nakita niya si Mr. M na naka-tambay sa isang booth ng pagkain at kumakain ng fishballs.


Mika: Tatay! :(

Mr. M: Oh nak, ano'ng gusto mo?

Mika: Tatay!


Doon na nag-simulang umiyak si Mika kay Mr. M. Hindi naman talaga siya umiyak, sobrang malungkot lang talaga siya at napansin yun ni Mr. M kaya kina-usap siya habang kumakain sila ng fishballs at kikiam.


Mr.M: Oh, kwento.

Mika: Tatay! :(

Mr.M: Hmmm?

Mika: Ganito po kasi yun, uhm, paano ko ba i-e-explain. :/

Mr. M: Tell it from the start.

Mika: Si Clark po kasi...

Mr.M: Oh ano'ng meron kay Clark?

Mika: (pahina ng pahina ang boses) Gusto ko kasi siya.

Mr. M: Oh tapos?

Mika: May girlfriend na siya Tatay! Waaaah! Ipinakilala niya sa akin kanina.

Mr. M: Hay, young love. Anak, (tinapik sa balikat) wag ka na malungkot ha! May Adam pa.


Napa-tamhimik si Mika ng makita si Mr. M na ngumuso at tumunghay siya para hanapin si Adam. Napa-ngiti naman si Mr. M sa kaniya.

Presidency RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon