Chapter 25

991 25 12
                                    

Adam: May dapat ba akong malaman?

Toffer: Tungkol saan?

Adam: Sa'yo?

Toffer: Tol diretsuhin mo na ako, ano ba'ng gusto mo'ng malaman? Hindi kita maintindihan eh.

Adam: Ano'ng nangyari sa inyo ni Natalie?



Nagulat si Toffer sa tanong ni Adam. Hindi agad ito maka-sagot at tila na-u-utal pa.



Adam: Tol, ano'ng nangyari sa inyo ni Natalie?

Toffer: Kung ano man ang nalaman mo, hindi yun totoo. Wag ka nga masyadong magpapaniwala dun sa girlfriend mo.

Adam: Toffer alam mo sa sarili mo na anak mo yun! Toffer alam kong may nangyari sa inyo ni Natalie nung gabi ng anniversary ninyo.

Toffer: Bakit nandun ka?

Adam: Toffer kilala kita! Kaibigan kita eh! Nakaka-tampo lang na hindi mo sinabi sa amin o kahit sa akin man lang.

Toffer: Anong gusto mong palabis? Na manloloko ako? Ganun?

Adam: Tol hindi! Ang gusto ko lang i-recognize mo yung anak mo. Kahit hindi mo sustentuhan, tanggapin mo lang na anak mo yung bata.

Toffer: Eh bakit hindi ikaw, ikaw ang naka-isip eh.

Adam: Aba gago ka ah!



Bigla na lang sinuntok ni Adam si Toffer at nag-suntukan sila sa may tabi ng court. Agad silang nakita ni Grae kaya inawat nila silang dalawa.



Coach: Hoy ano ba kayong dalawa! Kung may-away kayo wag ninyong dalhin sa basketball practice. Alam ninyong mahalaga ang practice ngayon para sa darating na inter-school competitions. Ano ba yan ha?

Adam: Sorry coach.

Toffer: Bitawan n'yo ako!



Umalis si Toffer at si Adam naman nasa clinic habang kasama sila Joshua at Hayden.



Joshua: Pre, ano'ng nangyari?

Adam: Wala nagka-initan lang kami ni Toffer.

Hayden: Pinikon mo? Alam mo namang pikon yung si Kris Toffer na yun.

Adam: Tsk.



Hawak-hawak ni Adam ang ice bag sa gilid ng mukha niya. Maagang natapos ang practice dahil sa away ng dalawa. Hindi na nagsumbong si coach kay Madam Vera dahil baka lang lumala ang away ng dalawa.

Mga alas-siete ng gabi ay tumawag si Adam kay Mika.



Mika: Hello?

Adam: Are you in your room? (tingin sa may itaas)

Mika: Yes why?

Adam: Pwede ba lumabas ka ng terrace mo?

Mika: Why?

Adam: Please.

Mika: Fine.



Lumabas nga si Mika ng terrace sa kwarto niya at muli siyang tinawagan ni Adam.



Adam: Look down.



Napa-ngiti si Mika ng makita si Adam. Sumenyas ito ng wait sa kamay. Inilagay ang cellphone sa bulsa at inakyat ang matandang puno ng mangga sa tabi ng bahay nila Mika.



Presidency RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon