Chapter 1

3.1K 51 4
                                    

Reina: Mika open na ang pagpapasa ng forms para sa Student Council ah.

Claire: Tatakbo ka ba?

Mika: Oo naman. (confident na tono)

Elsie: Ano'ng lalabanan mo?

Grace: Syempre President 'yan, 'di ba Mika?

Mika: Yes, of course.

Michelle: Hala makakalaban mo si Adam. Wait! Bali-balita lang yun ha! Yun kasi yung usapan noon sa office.

Nagkumpul-kumpol sila Mika at ang iba niyang kaklase sa may pwesto niya para tanungin kung tatakbo siya bilang President ng St. Xavier Academy. Noon pa man ay involve na si Mika sa mga ganitong gawain. Isang over-achiever si Mika at siya ang nag-iisang anak ni Mr. Mikhaelson Cash Courtney-Sandoval na isa lang naman sa pinaka-mayaman sa buong mundo. Well, pang sampu lang naman siya sa pinaka-mayamang tao sa buong mundo. Kaya naman hindi nakakapag-taka kung lumaki si Mika na matalino at magaling na bata. Si Mika ay ipinang-lalaban ng school nila at minsan nang naging representative ng Pilipinas sa isang International Contest. Isa siya sa mga maituturing na genius sa buong Asya, pang labing-anim lang naman siya sa bilang.

Bata pa lang si Mika ay parati na lang sila ang nagiging lider sa lahat ng gawain nila sa eskwelahan. Syempre pa kalakip nang pagiging over-achiever at pagiging rich kid ni Mica, isa rin siyang masayahin, mabait at pala-kaibigan na bata lalo na noong nag-dalaga. Mas naging open siya sa lahat ng gawain sa eskwelahan at sa labas man.

Hindi rin maipagkakaila ang kagandahang pisikal ni Mika. Matangkad na mga nasa 5"6 ang height, maputi at makinis, mahaba ang mga biyas, mahaba ang buhok na tuwid at itim na itim, mapupulang labi, matangos na ilong at mga matang nangungusap.

Mika: What?! Si Adam?

Agad namang napa-tayo si Mika mula sa upuan niya ng mapakinggan ang sinabing balita ni Michelle.

Michelle: Pinag-uusapan lang nila yun sa office hindi ko sure yun. Balita lang.

Si Michelle ay ang Secretary ng St. Xavier Academy's Newspaper and Magazine. Isa rin siyang news writer sa school nila.

Michelle: Itanong mo kay Angie kasi siya yung alam kong mas nakaka-alam nun.

Palabas pa lang ng classroom si Mika para hanapin si Angie ay sakto namang nagkasalubong sila ng rumored rival, si Adam.

Adam Dmitri Ayala-Zulueta. Isang mayaman, gwapo, matangkad at well, popular sa SXA. Siya lang naman kasi ang Captain Ball ng Varsity ng Basketball sa school at siya rin lang naman ang nakaka-abot sa National level ng inter-school basketball competitions. Chinito, maputi at palaging naka-ngiti na may matangos na ilong at mapulang-labi kahit na nag-yo-yosi siya. Matangkad siya syempre at mga nasa 5"9 to 5"11 ang height.

Simula pagkabata ay magka-away na sa lahat ng bagay sila Adam at Mika. Sila na ata ang maituturing na longest-alive-mortal-enemies-of-St. Xavier Academy. Simula Nursery ay magka-away na sa lahat ng bagay sila Adam at Mika. Perfectionist si Mika, happy-go-lucky si Adam. Sobra silang magka-iba and they can't stand each other. Maarte si Mika sabi ni Adam, Mayabang si Adam sabi ni Mika.

Mika: Well, well, well... I guess my rumored rival has came.

Adam: Oh no Mika! It's not a rumor. It's a fact.

Lalong kumulo ang dugo ni Mika. Ayaw na ayaw niyang inilalapit ni Adam ang mukha niya sa kaniya at saka tatayo ng tuwid para mag-mukhang maliit si Mika.

Mika: tabi!

Sinuntok niya sa dibdib si Adam at sinigawan pa ang ibang kasama nito na umalis sa dinadaanan niya.

*****

Mika: Oh my gosh Angelie, is that true?!

Nakita ni Mika si Angie sa canteen kasama sila Elaine, Justine at Kristel.

Justine: Ang alin?

Mika: Totoo bang makakalaban ko si Adam sa Presidency?

Angie: Kalma girl! Kalma!

Kristel: Paano ba naman kakalma yan alam mo namang longest-alive-mortal-enemies sila ni Adam.

Elaine: Ano ba ang nangyari?

Mika: Sabi kasi ni Michie lalaban daw si Adam napakinggan niya sa office. Please explain it Ms. President.

Si Angelie ang president ng SXA's Newspaper and Magazine and Journal and... yeah!

Angelie: Okay hindi ko masyadong alam yun. Napakinggan ko lang din yun pag-pasok ko ng office napakinggan ko sila Charles at CJ na nag-uusap. Sabi nga nila na nababalita ang pag-takbo ni Adam.

Elaine: So totoo ba na lalaban siya?

Kristel: Baka naman chicka lang talaga?

Angelie: According to my other sources mukhang hindi nagjo-joke si Adam eh. Acctually may nabuo na ata siyang party? I'm not sure ha.

Mika: No! (pumalo ng malakas sa table) Hindi niya ako pwedeng maunahan. Justine you will be my secretary, Elaine... P.R.O. and Kristel you will be our Senior Representative. Now kailangan na nating maghanap ng iba pa nating makakasama.

Hindi na nakapalag ang lahat at sumang-ayon na lang sa kagustuhan ni Mika bago pa siya maging halimaw sa harapan ng lahat. Agad din naman nilang sinimulan ang panliligaw sa mga estudyante na pwede pa nilang makasama.

*****

Toffer: Tol mukhang gumagawa na ng army ng iyong Prinsesa Mika ah.

Adam: Gago! Prinsesa ka dyan!

Joshua: Bakit ba hindi mo maaming may gusto ka kaya inis na inis ka kay Mika saka maganda naman siya at mabait. Di ba? What can you say babe? (tumingin kay Aizle habang naka-akbay.)

Aizle: Oo nga Adam. Bagay kayo saka 'di ba sabi nga ang sabi nila... The more you hate, the more you love. Malay 'nyo, kaya pala kayo naiinis sa isa't isa ay dahil mahal n'yo na ang isa't isa?

Adam: Tigilan nyo ako pwede?

Kevin: Shut up na mga pre!


Nakita nila na dumarating na si Gwen kasama ang mga alipores niyang sila Marcia at Jen.


Gwen: Hi Babe!


Agad namang yumapos si Gwen kay Adam at hinalikan sa pisngi. Ngtama naman ang tingin nila Adam at Mika kahit na nasa court si Mika at nasa bleachers si Adam. Parang may kuryente sa bawat tingin ng dalawa at hindi mapagkakailang may galit sila sa isa't isa.

Presidency RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon