Clark: Oh ayan nanaman yang mata mo.
Ngumiti lang si Mika at inakbayan ni Clark. Nagpunta sila sa The Coffee Bean para mag relax muna.
Mika: Kamusta naman ang college boy? (inom ng kape)
Clark: Ayos lang naman. First day na first day klase agad at second week pa lang may quiz na agad. Prelims na kasi next month eh. Puro debate nga ang ginagawa namin dun sa isang klase, grabe ang gagaling ng mga kaklase ko.
Mika: Kayang-kaya mo yan, Mr. Over-achiever.
Nagtawanan silang dalawa sa sinabi ni Mika. Si Clark na siguro ang maituturing na lalaking version ni Mika. Matalino, mabait, gwapo, athletic at hearthrob. Naka-salamin si Clark na mas lalo niyang ikinagwapo lalo na kapag naka clean cut siya. Political Science sa isang sikat na University of the Philippines-Diliman ang kinuhang kurso ni Clark. Balak mag-abogado ni Clark pagka-graduate ng Pol. Sci.
*****
Mika: Clark, thank you sa paghatid ha. Ingat ka pauwi.
Clark: Salamat din sa time. Sige uwi na ako.
Kumaway na si Clark at saka naglakad palayo sa bahay nila Mika.
Mika: Good Evening Dad.
Nagmano si Mika sa tatay niya pag dating niya.
Mikhael: Where have you been? (seryoso at nakaharap lang sa computer habang busy sa trabaho.)
Mika: Had a coffee outside together with Zeb.
Mikhael: Take your dinner and do your homeworks.
Mika: Yes dad.
Masasabing isang hardworking na businessman si Mikhael at isang striktong ama pag dating kay Mika. Nag-iisang anak ni Mikhael si Mika gayunpaman, kulang na kulang pa rin ang pakiramdam ni Mika kahit na nagagawa niya ang lahat ng gusto niya at nakukuha lahat ng hingin. Kulang siya sa pagmamahal ng isang ama, lalo na sa pag-aaruga ng isang ina.
*****
Third Friday of June ay nagkaroon na ng Meeting de Advancè kung saan ipre-present ng dalawang kampo ang mga palata porma nila para sa eskwelahan.
Mika: And once again fellow students and pupils of St. Xavier Academy, I am Mikhaela Xhien Clarkson-Sandoval, running for your Student Council President for the School Year 2015-2016! Thank You!
Ngumiti si Mika at bumaba sa stage. Para talaga siyang pulitiko sa itsura niya ngayon. Kahit naka-uniform siya ay maraming tao ang malakas na nagpalak-pakan matapos niyang ilahad ang lahat ng plataporma niya para sa taong ito. Kasunod ni Mika ay ang kaklase niya at masasabing mortal niyang kaaway, si Adam.
Adam: Nice speech.
Ngumiti si Adam kay Mika pag dating nito sa back stage at binati. Pero tila para kay Mika at sarcastic ang dating ni Adam. Sumunod ang grupo ni Adam na nag-present nang kanilang plataporma para sa school.
Katulad nang plataporma nila Mika ay maganda ang hangarin nila para aa eskwelahan.
Adam: Isa lamang akong patunay na hindi lahat ng varsity players ay bola ang hawak. Kaya ko ring humawak ng posisyon at katulad ng bola ay responsibilidad ko ang posisyon ko, responsibilidad ko kayo.
Naghiyawan ang mga tao sa loob ng auditorium at ang iba ay tumayo pa sa pagpalakpak. Bago umalis ang grupo ni Adam at inangat nito ang uniporme dahilan para lumantad sa madla ang magandang hubog ng katawan niya.
Mika: Ewww (pabulong na sabi)
Pagka-baba nang stage ng grupo ni Adam ay agad silang nag-ingay at nag-celebrate sa sobrang saya nila. Ang grupo naman ni Mika ay tahimik lang na bumalik sa kani-kanilang mga classrooms.
Adam: Adam Dmitri Ayala-Zulueta, President of the School Year 2015-2016. Ang cool 'di ba?
Mapang-asar na sabi ni Adam sa katabi niyang si Mika. Nanlilisik ang mata at umuusok ang ilong at tenga ni Mika nang mapakinggan niya si Adam.
Mika: Ano namang kayang gawin ng isang varsity player para sa eskwelahan natin? Mag-lalaro ka lang ata eh.
Adam: Mika alam mo you should give chane to others. Masama ang madamot, sige ka. (pang-aasar pa ni Adam.)
Mika: Alam mo Adam, kung sa'yo rin lang, ayoko nang mag-bigay ng chance. Kasi kung alam ko naman na ako na yung thw best at karapat-dapat, bakit pa ako magbibigay ng chance sa iba. Saka alam mo ang mga binibigyan lang ng chance ay yung mga deserving.
Adam: We'll see. (mayabang na tono.)
Mika: Humanda ka na sa pagka-talo mo!
Adam: Chill! Sige, paghahandaan ko pagka-talo mo. Magpapa-pancit pa ako!
Mika: That was nice of you! (sarkastikong sabi ni Mika at saka inirapan si Adam)
Adam: Let's make a deal para naman hindi ka lugi. Kapag nanalo ka, I'll be your slave, for a month. Then, kapag nanalo ako, you will be my slave for a month. Lahat ng ipapagawa ko gagawin mo.
Mika: (nag-iisip...) Deal!
Adam: Pinky swear? (itinaas ang hinliliit niya)
Mika: (umirap) My pinky promises.
Itinaas din ni Mika ang hinliliit niya at tinalian ni Adam ng pulang ribbon. Sa di kalayuan ay nakita ni Mika si Zeb na siyang best friend ni Mika sa school at ang vice-president ni Mika. Nginitian siya ni Zeb at agad bumitaw si Mika kay Adam.
*****
Zeb: I saw that.
Mika: Zebedee tigilan mo ako ha.
Kasalukuyang nasa canteen sila Zeb at Mika habang kumakain ng lunch nila.
Zeb: Rivals into lovers?
Mika: Hoy Zeb, hindi porke't varsity ang jowa mo ay gusto ko na rin ay varsity. Ewww. Alam mo namang ayaw na ayaw ko sa kanila.
Zeb: Girl, you should try to hang-out with them sometimes, they're nice naman.
Mika: Kahit ano pa'ng sabihin mo hinding hindi ko sila magugustuhan.
Zeb: Eh bakit si Clark? Varsity naman siya dati ah.
Mika: Sila lang ni Kuya James ang gusto ko dati sa varsity eh since graduate na sila wala na akong gusto sa mga varsity. Pulos ang yayabang.
Zeb: Ouch! Grabe ka naman girl, wag ko naman isali si Grae ko!
Mika: Angas boy nga dati tawag mo dun eh.
Zeb: He's so ma-angas and maporma kasi. Saka girl, ano ka ba lalaki yun talagang mayayabang yung mga yun, natural na yun.
BINABASA MO ANG
Presidency Rivals
Teen FictionAdam Dmitri Zulueta vs. Mikhaela Xhien Sandoval for President for the S.Y. 2015-2016 Copyright © 2015 DiwatangBae All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including...