Huminga ng malalim sila Mika at Eyem. Tumayo sila at sumigaw.
Eyem: Go Babe!!! (itinaas ang banner)
Mika: Go Bae!!!
Napatingin ang lahat sa dalawa at napangiti naman sila Hayden at Adam. Ginanahan naman sa paglalaro ang dalawa. Sila Eyem at Mika kinarir na ang pag-chi-cheer dahil na rin may mga kasabay na sila. Bawat shoot ng SXA ay nakiki-kanta na sila sa cheer song ng SXA.
Natapos ang third at fourth quarter na naka-habol pa ang SXA at nanalo. Halos 30 points ang nilamang nila sa mga taga-Standford. Tuwang-tuwa ang lahat. Pababa na sila Mika at Eyem nang mapansin na pulos mga babae ang kasama ng nga varsities para magpa-picture.
Nag-walk out si Eyem habang pinupunit ang banner na ginawa pa niya kagabi. Si Mika naman naiwan na doon habang pinapanuod ang boyfriend na nakikipag-picture sa iba.
Gwen: So ano titingin ka na lang ba?
Mika: Gwen?
Gwen: Hi Mika, kamusta ka naman bilang girlfriend ni Adam?
Mika: Ha? Ahm, okay lang.
Gwen: Okay ka lang ba talaga o hindi? Hindi mo ba napapansin na ginagamit ka lang ni Adam para lalong magpalakas sa mga tao. Saka tingnan mo, hindi mo ba napapansin na hindi kayo bagay? Paano ka naman magugustuhan ni Adam? You're a freaking nerd, Mika.
Mika: Gwen ano ba'ng pinagsasabi mo?
Gwen: Adam hated you so much kaya paano ka niya magugustuhan. Mika, gumising ka nga. Baka naman nahulog ka na sa kaniya? Well, Adam won't love you, know why? Ako lang naman ang mahal niya kaya paano ka niya mamahalin?
Umalis na lang si Mika habang umiiyak sa mga sinabi sa kaniya ni Gwen. Pinipigil man niyang lumuha ay hindi na niya natiis ang pag-luha. Ayaw niya munang umuwi dahil paniguradong magtatanong lang sa kaniya sila Manang at ayaw niyang malaman ni Papa niya ang nangyari.
Naglakad si Mika palabas ng Princeton at naglakad lang siya ng nag-lakad.
Caleb: Mika? Mika! Mika, sandali!
Nakita ni Caleb si Mika habang nag-lalakad papalayo. Hindi siya nilingon ni Mika, sa halip ay naglakad lamang ito ng mabilis at hindi na pinapansin ang nasa paligid niya. Kaya hinabol siya ni Caleb at hinawakan sa braso para iharap sa kaniya.
Caleb: Mika, sandali. Ano'ng nangyari?
Mika: Caleb.
Mahinang tono ni Mika. Umiyak ng umiyak si Mika sa dibdib ni Caleb habang naka-yakap si Caleb kay Mika at itinuon ang noo ng dalaga sa dibdib niya.
Naisip ni Caleb na hindi sila pwedeng mag-tagal ng ganung posisyon dahil baka may makakita sa kanila at ma-chismis pa. Kaya inaya niya si Mika na pumunta sa isang mall para magliwaliw at makapag-labas ng sama ng loob.
Nasa isang ice-cream parlor sila dahil doon gusto pumunta ni Mika. Inilibre siya ni Caleb ng isang ice-cream at lahat ng flavors ay pinili ni Mika.
Caleb: (pinapanuod si Mika habang kumakain) You like ice-cream ha?
Mika: I love it!
Caleb: I see. Hehe. So uhm, okay ka na ba?
Mika: Yes. Sorry ha.
Caleb: Saan?
Mika: Naabala pa kita. Salamat din.
Caleb: You're welcome (grin) Eh, Mika? Pwede mo bang ikwento sa akin ang nangyari?
Tiningnan ni Mika si Caleb at nawala nanaman ang pagiging madayahin niya. Sumandal ito sa sofa na kina-uupuan nila at kumain ng ice-cream.
Caleb: Okay lang kung ayaw mong ikwento.
Mika: Paano mo nga pala ako nakita? Hindi ka ba sumasama sa mga varsities?
Caleb: Sumasama naman. When they go clubbings and bar hopping. Hahaha. Eh palabas na kasi ako nun, sakto, I saw you, so nilapitan na kita. I didn't mean to be 'a mean to you' hindi ko naman alam na umiiyak ka pala.
Mika: A mean?
Caleb: Yeah. Isn't it mean that I called you in a bubbly tone yet you're crying?
Mika: Hmmm, nope. You didn't know that I was crying, after all. (smiles)
Ginulo naman ni Caleb ang buhok ni Mika at nagtawanan silang dalawa. Pagka-tapos sa ice-cream parlor ay pumunta nag-ikot-ikot sila sa mall dahil ayaw pang umuwi ni Mika.
Caleb: You sure you don't wanna go home yet?
Mika: Yeah.
Caleb: So we will just stay here?
Mika: Tara nga dito.
Biglang hinila ni Mika si Caleb sa isang bookstore para magtingin-tingin ng mga libro. Hindi namalayan ni Mika na magka-hawak pa rin sila ng kamay ni Caleb hanggang pag-pasok sa bookstore at nagtitingin-tingin ng mga libro. Si Caleb naman sa kabilang banda ay napansin ito, ngunit hindi niya alam kung paano sasabihin kay Mika. Para sa kaniya ay nakaka-hiya yun at napaka-yabang kung sasabihin pa niya kaya humawak na rin siya sa kamay ng dalaga.
Mika: Hmmm, asan kaya yun?
Tanong ni Mika sa sarili habang naka-hawak sa baba niya ay iniikot ang paningin.
Caleb: What are you looking for?
Mika: Alaska (smiles)
Caleb: Ha?
Mika: Wala. Okay, you don't get it. (tawa ng mahina)
Napa-ngiti na lang si Caleb kay Mika. Hindi niya maintindihan kung bakit parang gumagaan lalo ang pakiramdam niya kapag nakikita niya si Mika na naka-ngiti at masaya lalo na kung ang dahilan ay siya.
Caleb: You like books?
Mika: I love them. Hahaha.
Caleb: Ahh, so ano'ng hinahanap mo?
Mika: Yung book 2 ng To All The Boys I've Loved Before.
Caleb: Hmmm, what is the title?
Mika: P.S. I Still Love You by Jenny Han.
Hindi pa rin nag-hihiwalay ang kamay ng dalawa habang nag-hahanap ng libro na sinabi ni Mika.
Mika: Nakita ko na!
Masaya niyang sabi. Pilit namang ina-abot ni Mika ang libro pero hindi niya ma-abot. Kaya lumapit si Caleb at siya na ang kumuha. Konting tiad lang ay nakuha na nito. Doon napansin ni Mika na magka-hawak sila ng kamay at naramdaman ang init sa buong katawan.
Caleb: Here.
Sabi ni Caleb kay Mika habang naka-ngiting ibinibigay ang libro. Ang mga mata nitong mapang-akit at ang gwapo niyang mukha, lahat ay parang sinasaulo ni Mika.
BINABASA MO ANG
Presidency Rivals
Teen FictionAdam Dmitri Zulueta vs. Mikhaela Xhien Sandoval for President for the S.Y. 2015-2016 Copyright © 2015 DiwatangBae All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including...