Napahagulgol ako dahil sa sakit parang pinipiga ang puso ko. Hindi ko alintana ang bubog na natatapakan ko, may sugat na rin ako sa kamay at braso.
Napatingin ako sa cellphone kuna biglang may nag notif, kinuha ko ito at baka nagbabakasakali na yung girlfriend ko ito.
Napakagat ako ng labi at nagbabadyang pagtulo ng luha ko. Bumungad sakin ang picture ni doc at hindi ko kilalang lalaki tinignan ko isa-isa ang picture, may nakaluhod naghahalikan at last na nakita ko ay yung engagement ring.
Inihagis ko kong saan ang cellphone ko. Hindi ko alam kong nabasag ba ito or hindi.
"Busy pala sa iba, lahat nalang ba kayo iiwan ako." Mapait akong napangiti.
Tumayo ako at hinalungkat ang cabinet ko, nakita ko ang isang bagay na matagal ko ng hindi ginagamit.
Itinaas ko ang manggas ng longsleeve ko at gumuhit ng linya, nagsilabasan ang dugo hindi ako nakuntento at paulit-ulit akong gumawa ng linya hanggang sa naramdaman ko ang ginhawa.
Napangiti ako hanggang sa naging tawa na.
Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina kinuha ko lahat ng alak na naka display dito, binasag ko rin ang lahat ng mga pictures namin yung natira ay ang samin ni kuya jeff.
Tinungga ko ang isang beer bahala na gusto kong makalimot kahit ngayon lang.
Hindi ko narin alintana ang sakit ng mga sugat ko.
______________________
Hello muah muah.
BINABASA MO ANG
Past And Present
Short Storybestfriend series #3 Doctorxtambay Started: July 13, 2024 End: September 6, 2024