Belle Pov
"Nagbibiro kalang hindi ba?"
"Hiwalay na kami ng mommy mo"
"Wag po please.."
"Sarap mo talaga ahh..."
"Yan tanggapin mo bagay sayo yan isa ka ng basura ngayon HAHAHAHA."
"Wala ka talagang kwentang."
"Bell."
"Sunshine." Rinig ko sigaw ng isang babae napabalikwas ako ng bangon dahil hindi ko alam ang naramdaman ko.
Tumingin ako kay doc na ngayo'y nagaalala sakin.
"Are you okay sunshine? Kanina pa kita ginigising kasi umungol ka." Sabi niya huminga muna ako ng malalim tsaka lumunok parang may bumara sa lalamunan ko.
Inabutan niya naman ako ng tubig. "Here drink this!!" Kinuha ko naman ito at uminom ng kunti.
"May napanaginipan ako..... Hindi ko maaninag ang mga mukha natatakot ako." Malungkot na sabi ko kaagad naman niya ang dinaluhan at niyakap.
Hindi kuna malayan tumutulo na pala ang luha ko.
"Shhh I'm here makaalala ka rin wag mong biglain." Sabi niya sakin. "Let's sleep." Malambing na sabi niya at kumalas ng yakap sakin, ayaw kupa sana kaso pinilit niya ako, tumabi siya ng higa sakin sumiksik ako sakanya tsaka niyakap siya ng mahigpit naramdaman ko ang pag haplos niya sa likod ko, unti-unti ako nilamon ng antok dahil sa ginagawa niya sakin.
***************
Nagising ako dahil sa lakas ng katok sa kwarto ni doc yip sa iisang kwarto lang kami natulog, napatingin naman ako sa katabi ko dahil hindi magising kahit ang lakas ng kalabog sa labas.
"Doc gising." Paggising ko sakanya umungol lang ito at lalong yumakap sakin.
Kinurot ko naman ang pisngi niya kaya ayun napahiyaw sa sakit.
"Why did you do that sunshine ang sakit." Reklamo niya natawa naman ako.
"May tao kanina pa may kumakatok sa pintuan natin doc at mahimbing kasi ang tulog mo." Sabi ko kinuha ko naman ang kamay niyang nakahawak sa pisngi at pinalit ang kamay ko dun.
Mamula-mula ang pisngi niya dahil sa pagkurot ko.
"Sorry.." Mahinang nasabi ko.
"Okay lang sunshine kah-"
Hindi pa natapos ang sasabihin niya ng may biglang sumigaw sa labas ng kwarto namin, at mukang galit na galit ito nagkatinginan naman kaming dalawa ni doc.
Bakas din sa mukha niya ang takot bakit?
"SARAH LUMABAS KA JAN DITO MO PALA DINADALA ANG BABAE MO!!" Sigaw ng kong sino sa labas tatayo na sana ako ng bigla niya akong hinawakan sa kamay.
"Don't dito kalang sunshine ako na!! Wag kang lalabas kapag hindi pa ako nakabalik." Seryusong sabi niya tumango nalang ako wala nakong magagawa kasi halata sa sumisigaw sa labas na galit siya.
Tumayo na siya at nag-ayos ng kunti, tumayo na rin ako at pumunta sa cr para maghilamos.
Hinintay ko siyang bumalik sa kwarto namin, nilibot ko ang tingin ko dito sa loob simple lang walang mga mamahaling gamit siguro kakabili lang ni doc ng bahay nato.
Pumunta naman ako sa terrace at ang ganda kita mo ang dagat, parang gusto kong tumira dito kaysa sa bahay ni doc na kunti lang ang puno, kapag hindi mo sinadyang magtanim ng puno sa bahay niya ay mainit rin.
Naalala kuna naman ang napanaginipan ko kagabi, gusto kong sabihin kay doc yun pero parang may pumipigil sakin.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan napalingon naman ako, mugto ang mata ni doc na mukang galing sa pagiyak, lumapit naman ako sakanya.
"Doc okay kalang ba?" Hindi siya nagsalita niyakap niya lang ako bigla at umiyak sa balikat ko niyakap ko naman siya pabalik.
"I'm tired sunshine.." Parang batang sumbong niya hinaplos ko ang likod niya.
"Doc okay lang kong pagod ka magpahinga ka muna!! Wag mong hayaan ang sarili mong mapagod minsan kailangan din natin ng pahinga." Hindi ko alam kong bakit yan ang lumabas sa bibig ko hindi naman ako marunong mag comfort.
"Ikaw ang pahinga ko." Humihikbing sabi niya natawa naman ako, nabigla ako ng kumalas siya ng yakap sakin at hinampas ako.
"Edi kong ako ang pahinga mo dito ka sakin doc." Sabi ko habang pinupunasan ang pisngi niya.
Gusto kong mang tanungin kong ano yung nangyari at sino yung lalaking sigaw ng sigaw kanina, pero wag na muna kasi base sa nakikita ko ngayon ay mukang malapit sakanya ang lalaking yun.
Tumayo naman siya kaya nagtaka akong nakatingin sakanya.
"Maliligo muna ako at kakain tayo kapag tapos nakong maligo." Sabi niya bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot.
"Okay doc mahal kita." Malambing na sabi ko namula naman siya dali-dali siyang pumasok sa banyo.
Napa kamot nalang ako ng ulo dahil hindi kuna alam ang gagawin ko dahil kapag kasama ko siya parang kompleto nako.
Ito na ata ang sinasabi nilang kapag mahal mo ang isang tao parang ayaw muna siyang bitawan or hindi kaya ayaw mo ng mawala siya sa paningin mo.
___________________
BINABASA MO ANG
Past And Present
Short Storybestfriend series #3 Doctorxtambay Started: July 13, 2024 End: September 6, 2024