Chapter 4

81 4 0
                                    

Belle Pov

"Ano ba boss ikaw na nga yung pinupuntahan dito ikaw pa galit." Sabi sakin ng secretarya ko.

"Totoo naman at isa pa may jowa na pala yun." Nakangusong sabi ko natawa naman siya kaya sinamaan ko ng tingin.

Ito kasi yun pumunta dito si doc sarah tapos may kasamang lalaki ang sweet pa nila. Nakahawak pa sa baywang ni doc yung lalaki.

Pinuntahan niya kasi ako dito tsaka kinuha ang lab coat niya may dala-dala pa nga na lunch para sakin.

Kinikilig ako non pero nong may bumaba sa kotse niyang lalaki ay biglang nawala yung kilig. Napalitan ng inis totoo.

Nong pagkaalis nila ay kaagad kong binato ang laptop ko ayun nagalit at nasermunan pako ng secretary ko kasi nandun ang lahat ng file sa laptop na yun.

"Tanungin mo nalang kaya boss." Suggestion niya nandito kami sa loob ng office ko.

Mahirap na maraming chismusa sa labas.

"Ayaw ko nakakahiya."

"Edi kapalan mo muna yang mukha mo total in-love ka naman sakanya." Natatawang sabi niya binato ko naman siya ng ballpen.

Alam niya kasi na in-love ako kay doc oo na inaamin kuna, kaso may jowa kaya iwas tayo.

"Kong plano mong umiwas wag alamin mo muna kaya boss kong may jowa naba talaga siya o wala."

"What if meron?" Nakataas kilay na sabi ko.

"Edi kawawa ka HAHAHAHAH." Tawa niya.

"Bukas pupuntahan ko siya pero hindi ko alam kong saan siya nag tra-trabaho." Malungkot na sabi ko.

"Basic si sarah tenario 27 year's old nagtratrabaho siya sa tenario hospital." Nagulat ako kasi pano niya nalaman.

"Paano?"

"Simple lang boss nag research ako tungkol sakanya." Nakangiting sabi niya nag thumbs up naman ako.

"So boss balik trabaho nako." Paalam niya sabay tayo, lumabas naman siya sa office ko napasandal nalang ako sa kinauupuan ko.

Bumuntong hininga ako napahilot naman ako sa sintido ko dahil sa inis.

Tumayo ako tsaka kinuha ang bag kong nakapatong sa lamesa ko tsaka nag-ayus ng sarili muna bago lumabas sa office.

Sinalubong kaagad ako ng secretarya ko.

"Ohhh boss san punta?"

"To the moon." Pagmimilusupo ko sakanya.

"Sige ingat ka boss sana hindi ka mahalin ng lalabs mo." Parang bata na sabi niya natawa naman ako.

Wala namang gagawin at mag gagabi na kaya sa bar tayo ni sm pumunta.

Gusto kong mag chillax kasi nakaka-stress yung nakita ko kanina.

***********

"What's up bell bakit ka nandito problema natin." Bati ni sm sakanya ng pagkapasok pa lang sa tambayan nila dito sa taas.

Walang may makakapasok dito kasi pinasadya namin to, and yes may share ako no palagi kaya ako nag babar kapag stress or hindi kaya may bonding.

"Stress lang ako scar." Maikling sabi ko sabay kuha ng beer tsaka binukasan.

"Stress sa?"

"Kay doc."

"Doc?" Daming tanong naman nito e.

"You mean doc sarah why?" Naguguluhan niya tanong.

"May jowa na ba siya?" Seryusong tanong ko kasi curious lang ako kapag wala edi liligawan kuna.

"Wala ata hindi ko su- wait bakit ka? Ahh i know." Nakangising sabi niya napakamot ako ng ulo kasi naman aasarin na naman nila ako.

"So ano nga?"

"Wala and besides fucos yun sa trabaho." Sa kalooban ko ay nag party nako hindi ko lang pinahalata kay sm.

"Good naman kong ganon."

"Anong plano mo?"

"Try kong mag confess kaso nahihiya ako." Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Nako bell kong sa isda nanjan na yung pagkain bakit hinayaan mo pang ipakain sa iba?" Naguguluhan akong tumingin sakanya kasi hindi ko gets.

"Huh??"

"Hahahaha ito kasi yun nanjan na siya bakit hindi mo itry baka kapag papatagalin mupa ay sa iba yan mapupunta." Explain niya tumango naman ako.

"Okay thank you sm sana wag kang pagalitan ni ma'am." Asar ko sakanya bigla naman siyang umayos na upo alam na.

"Wag mong sasabihin sakanya na pumunta ako dito." Banta niya kaya natawa ako.

"So hindi ka nagpaalam sakanya lagot ka." Pananakot ko umiling-iling naman siya sabay tungga ng beer niya.

"Uuwi din naman ako." Her said.

"Susumbong kita."

"Sige para sabihin ko may doc na crush mo siya." Bigla naman akong tumahimik sa sinabi niya kasi baka totohanin niya talaga ang banta niya sakin.

"Joke lang mareng sm sige inom pa tayo." Humalagapak siya ng tawa dahil sa sinabi ko.

"Takot ka pala ehh." Asar niya sakin napakamot ako ng ulo kasi totoo natatakot ako.

Mahirap na baka umiwas siya sakin kapag nalaman niyang may crush ako sakanya.

Puro asaran lang kami hanggang sa nagpaalam na kaming umuwi sa kanya-kanyang namin bahay.

____________________

Past And PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon