Sarah Pov
Naawa nako sa sitwasyon niya gusto ko siyang tanungin pero mukang ayaw niya rin akong makasama dito siguro nag titiis nalang siya.
Napatingin ako sakanya nakatalikod ito sakin.
Napabuntung-hininga nalang ako.
Ano bang gagawin ko sayo bell bakit naging ma ilap kasa tao.
Hindi pa alam nila thea na nandito si belle na naka confine sa hospital na pinagtrabahuhan ko, baka next month ipapaalam ko sakanila.
Tumayo ako at akmang lalabas na ng biglang kong narinig ang boses niya.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya kaya napalingon ako sakanya, bakas pa rin sa mukha niya yung kaba at takot samin/ sakin.
For the first time nag salita din siya napangiti naman ako.
Kahit wala kang maalala okay lang titiisin ko basta nakita at nakasama na kita ngayon.
"Bibili ng kape bakit?" Gusto kong ngumiti kaso pinipigilan ko.
Lumapit naman ako sakanya ng nagtangka siyang bumaba sa higaan niya.
"Sa-sama ako." Nauutal na sabi niya napangiti naman ako at hindi ko mapigilan na haplusin ang ulo niya.
Napapitlag pa siya ng kunti dahil sa ginawa ko."Okay tara na." Sabi ko tsaka hinila siya palabas. Wala na siyang dextrose kaya hindi nako nag abalang mag bit-bit non.
Okay nato para naman mag exercise niya yung legs niya.
Nakatingin lang samin ang mga nurses at doctor first time nilang makita na magkasama at dumidikit ang pasyente na mailap samin noon.
Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa braso ko kaya napatingin ako sakanya, palihim akong napangiti dahil sa ginawa niya nahihiya pa siya.
Tumikhim naman ako.
"Next week pwede kana ng lumabas." Sabi ko parang wala siyang narinig kaya napakagat labi ako.
Ang hirap naman nito.
Naglakad nalang kami papuntang canteen habang siya ay nakahawak parin sa braso ko.
Tumingin ako sakanya pero nakayuko parin ito. "Anong gusto mo?" Tanong ko sakanya tumingala naman ito sakin at parang nagtataka.
Tinuro ko naman ang mga pagkain dito sa canteen, kaagad din niyang tinuro ang gusto niya.
"Lava cake!!" Tumango naman siya.
"Okay give me 1 pack of lava cake." Sabi ko tumango sakin ang tindera at binigay ang isang pack ng lava cake, kaagad ko naman itong kinuha sabay abot sa kasama ko.
"Ano pa?" Umiling naman siya kaagad kong binayaran ang binili namin.
Sabay kaming bumalik sa kwarto niya.
Nakamasid lang ako sakanya habang kinakain niya ang binili namin.
My lips form a smile because of her actions earlier.
Naramdaman kuna kunti nalang ay babalik na siya sa dati at sana bumalik na rin yung ala-ala niya.
Gusto kong bumawi at humingi ng pasensya sakanya.
I decide sa bahay ko nalang siya dadalhin kapag naka labas siya ng hospital, para na din mabantayan ko ng mabuti kakausapin kupa siya ng mahinahon.
Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya, tumingin naman siya sakin.
"Uhmm i know hindi mo maalala kong sino ka at may pamilya kapa ba pero i offer you na dun nalang muna sa bahay ko tumuloy." Pag-aalangan na sabi ko.
"Pw-pwede po ba doc?" Tanong niya tumango naman ako tsaka lumapit sakanya.
"Yes!! At wag kang magalala kapag magaling kana tutulungan kita." Nakangiting sabi ko.
"O-okay po." Sabi niya sabay iwas ng tingin. Nagiging komportable na rin siya sakin at hindi mailap.
Kumain nalang siya ulit kaya hinayaan ko nalang, bukas na bukas bibilhan ko siya ng maraming lava cake.
Hanggang ngayon hindi ko parin nahahanap ang magulang niya sa social media kahit sa company niya ay iba na yung nag aasikaso at wala na rin yung secretary niyang ka-close dun.
Depression and anxiety kailangan kong kumuha ng private investigator para malaman ko ang lahat kong ano yung nangyari sakanya sa 2 year's nawala ako dito sa pilipinas.
Sumasakit ang ulo ko dahil sa ginawa ni daddy hindi sana aabot sa ganito kong hindi niya ako pinagkasundo kay Oliver.
He's my fiance gusto kong sabihin kay belle ang lahat kaso natatakot ako, alam kong nakasunod din ang tauhan sakin ni daddy nong last na nagkita kami ni belle.
My dad is strict kahit elementary palang ako ay kailangan maging top ako, na pressure din ako hanggang sa nag college at naka-graduate pero iba pala ang plano niya, gusto niya akong ipakasal sa pamilyang Jimenez umayaw ako at nagalit siya sakin pinabalik niya ako sa states at ilang taon din ako dun umuwi ako nong nalaman kuna ikakasal na pala ang pinsan ko.
I saw her in the wedding of my cousin na love at first sight na ata ako sakanya, naging close din kami after that she confess to me and i'm happy because she said na liligawan niya ako, kaya magpapakipot paba ako kong ang mahal kuna mismo ang nag confess sakin.
After a month of panliligaw ay sinagot ko rin siya, akala ko nga sasaya na kami pero nalaman ni daddy na may girlfriend ako naging kampante ako pero sinabi sakin ni daddy na fiance ko pa pala si oliver at makipaghiwalay nako kay belle.
Umiiyak akong nagmamakaawa kay daddy na ayaw ko pero pinagbantaan niya akong papatayin niya si belle kapag hindi ko siya sinununod, i was stress at hindi kuna alam ang gagawin ko.
And that day i decide na kausapin si belle at makipaghiwalay, masakit sakin na makitang nakaluhod siya habang umiiyak.
_______________
BINABASA MO ANG
Past And Present
Short Storybestfriend series #3 Doctorxtambay Started: July 13, 2024 End: September 6, 2024