Belle Pov
Kasabay ng pagtakbo ni doc ay kaagad kong pinaputukan si oliver natamaan ko siya sa balikat at tyan natumba ito, nakasunod lang ako sa likod ni doc para kahit papano ay safe siya.
"Belle!!" Rinig kong sigaw ng dalawa kong kaibigan kaagad akong napatingin sa likod ko nakita ko ang pagbunot sabay tutok ni oliver kay doc ng baril, hindi ako nagdalawang-isip na bilisan ang pagkilos sabay yakap kay doc.
Tatlong sunod na putok ng baril ang narinig ko, naramdaman ang pagbaon ng bala sa likod ko napa igik ako dahil sa sakit.
Naramdaman ko nalang ang pagkatumba ko at hindi kuna alam ang kasunod na nangyari dahil pumipikit na ang mata ko.
Sigawan at iyakan ang huling narinig ko ng tuluyan nakong nilamon ng dilim.
***************
Sarah PovNaramdaman ko ang pagyakap sakin ni bell kasabay non ang tatlong sunod-sunod na putok ng baril, rinig ko ang pag ungol niya nataranta naman akong lumingon sakanya, at napasigaw ako dahil bigla siyang natumba.
Tumingin ako sa gawi ni oliver at nakadilat lang ang mata nito habang maraming dugong nakakalat sakanya.
Binalik ko ang tingin kay bell at pumipikit na ito may umuubo narin ng dugo.
Ipinatong ko sa hita ko ang ulo niya at hinahaplos ang bibig niyang may dugo.
"Bellat gising!!" Sigaw ni thea habang umiiyak.
Nasa tabi ko ang kaibigan niya na umiiyak narin, bakit wala pang ambulance na dumarating.
"Fvck call the fvcking ambulance now!!" Umiiyak na sigaw ko habang nakapatong sakin ang ulo ni bell.
Nataranta kami ng bigla itong pumikit, kinuha naman ni sm ang kamay ni bell at tinignan ang pulso.
"Humihina ang pintig ng pulso niya." Sabi niya.
Pinatalikod namin siya pinunit ko naman ang dress ko sabay tapal sa sugat niya para matigil ang pagdurugo.
Halo-halo na yung naramdaman ko kaba takot at lungkot dahil sakin sana ang bala na yun, pero siya ang sumalo nanginginig ang kamay ko habang nakahawak sa likod niya.
"Doc ako na!!" Sabi ni sm sabay alis ng kamay ko. Buti nalang at tumigil ang pagdurugo ng sugat niya.
"Babe please don't die!!" Pakiusap ko habang tinatapik ang mukha niya.
Kaagad siyang sinakay sa stretcher ng pagkarating ng ambulance sabay kinabitan ng oxygen.
"Doc ang heartbeat ng pasyente humihina!!" Rinig ko sabi ng nurse hinawakan ko naman sa kamay si bell habang umiiyak.
Sumakay narin ako ng ambulance buti at nakilala ako ng doctor.
Biglang nag flat line ang monitor ng heartbeat niya i perform cpr to her habang tumutulo ang luha ko awang-awa ako sa girlfriend ko.
Kaagad nilang ibinaba si bell sa ambulance habang ako naman ay nasa ibabaw ni bell nag perform ng cpr sakanya habang papasok kami sa hospital.
Bumaba ako ng nasa harap na kami ng emergency room, susunod na sana ako ng pigilan ako ni fiona.
"Stay here best....Hindi mo kaya dahil sa sitwasyon mo ngayon!! Relax okay ililigtas ko ang girlfriend mo!!" Sabi niya sabay pasok sa loob.
Napaupo nalang ako dahil sa panghihina.
"Nasan siya? Okay naba?" Tarantang tanong ni sm.
Umiling lang ako tapos yumuko.
Papa L please save her ayaw ko siyang mawala sakin wag mo munang bawiin siya sakin hindi pako nakakabawi sakanya dasal ko sa isip ko.
Naramdaman ko nalang ang pagyakap sakin ng kaibigan ko.
"Magiging okay lang ang lahat cous!!! Strong siya!!" Alo ni jena sakin.
Tumingin ako sa tumawag sakin, nakita ko si daddy na may kasamang mga police habang papalapit sakin.
Tumayo naman ang kaibigan at pinsan ko para makaupo si daddy.
"Anak!!" Tawag niya umiiyak akong tumingin sakanya for the first time tinawag niya akong anak.
Tumabi ito sakin at hinawakan ako sa kamay, kinuha ng police ang jacket na nakatakip sa kamay niya.
Napasinghap ang kasama dahil sa nakita nila, naguguluhan ako dahil sa nakikita ko ngayon.
"Dad bakit ka nakaposas?" Tanong ko humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko na para bang ayaw niya akong bitawan. "Explain dad please." Pakiusap ko bumuntong hininga muna siya at ngumiti ng pilit sakin.
"Me and your mom are happy dahil nalaman namin na magkakaanak na kami. Kabuwanan niya non dinala namin siya sa hospital nagulat kami sa sinabi ng doctor na hindi ka kayang ilabas ng mommy mo sa sinapupunan niya dahil may sakit pala sa puso ang mommy mo at tinago niya samin yun, and doctor said na kailangan kong pumili sa inyong dalawa hindi ako makapagdecide dahil mahal ko kayo pareho." Dad said sabay yuko naramdaman ko naman ang pagtulo ng luha niya. "Biglang lumabas ang isang nurse non at nabigla kami dahil si mommy ang nagdesisyon pinili ka niyang mabuhay, para akong nawalan ng buhay dahil sa sinabi ng nurse. Inilabas ka nga ng mommy mo pero hindi ka naman niya nasilayan dahil wala na siya, gumamit ako ng pinagbabawal na gamot kasama ko si oliver at ang tatay niya kaya nabaon ako sa utang at napagdesisyunan kong ipakasal ka kay oliver pero mali pala ako!!" Umiiyak na sabi ni daddy, masakit dahil ngayon ko lang nalaman ang rason kong bakit ganon ang trato sakin ni daddy.
____________________
BINABASA MO ANG
Past And Present
Short Storybestfriend series #3 Doctorxtambay Started: July 13, 2024 End: September 6, 2024