Chapter 39

68 5 0
                                    

Belle Pov

"I remember everything brit i'm sorry kong iniwan kita." Umiiyak na sabi ko habang yakap siya.

"A-ano naalala muna? Bell jusko okay kalang ba?" Tanong niya kumalas sa yakap ko sabay hawak sa balikat ko bakas din ang luha sa mga mata niya

"No brit ang sakit nandito yung mga taong nanakit sakin gusto kong umalis dito." Pakiusap ko sakanya tumango naman ito habang pinupunasan ang luha ko.

Ayaw ko silang makita.

"Shhh okay aalis tayo hintayin mo ako dito at ako na magpapaalam okay." Tumango naman ako humihikbi lang ako dahil parang paulit-ulit na bumabalik sa utak ko yung ginawa ng hayop na dumakip samin.

Gagawa ako ng paraan para makaganti sakanila, hahanapin ko sila isa-isa.

"Belle tara na." Napatingin naman ako kay brit hindi kuna malayan na nandito na pala siya sa harap ko tumango ako sabay punas ng luha ko.

"So sama ka sakin dun ka muna sa bahay." Sabi niya tumango naman ako para nawalan ako ng gana mabuhay dahil sa nangyayari sakin ngayon.

Nag commute lang kami ni brit ng nakarating kami sa bahay nila ay bumungad samin si dona na nakangiti.

"Hala ate ganda." Bati niya sabay yakap sakin niyakap ko naman siya pabalik.

"Nak ako yung nanay mo ohh." Pabirong sabi ni brit sa anak tumawa lang ang bata. "Sige walang ice cream bukas." Dugtong pa ng ina napanguso naman ang bata.

"Joke lang bebe bukas bilhan kita ng ice cream ngayon sleep kana muna!! Ay wait kumain kana ba?" Tanong ni brit tumango naman ang bata.

"Yes mama naka bath narin po ako tapos naka inom ng gamot and milk." Masayang sabi ni dona ginulo ko naman ang buhok niya.

"Good halikana sleep kana po okay para lumaki ka!! Kakausapin kupa si ate ganda mo mamaya." Ani niya.

Lumayo naman ang bata at lumapit sa nanay niya binuhat ito ni brit at sabay umalis.

Ni-lock ko muna ang pintuan bago pumunta sa sala nila maliit lang ang bahay kasya sa tatlong tao pero okay na.

Hindi parin ako makapaniwala na sila ang tumulong sakin ng wala akong maalala. Gusto ko munang lumayo at hahanapin ko yung gumawa samin nito.

"Bell!!" Lumingon ako kay brit, pumunta naman ito sa'kin at tumabi.

"So anong plano mo ngayon?"

"Ayaw ko muna silang makita masakit parin sakin ang ginawa nila, at gusto kong gumanti sa gumawa satin nito brit!!" Malamig na sabi ko tumingin naman ako kay brit na ngayo'y umiiyak na, hinawakan ko siya sa kamay.

"Sorry bell kong hindi dahil kay daddy, hindi ka sana nadamay at hindi na-rape." Humagulgol niyang sabi, tumulo narin ang luha ko dahil sa emosyon.

"Okay lang brit makakamit din natin ang hustisya." Bulong ko

"May tanong sana ako? Anong nangyari bakit muko iniwan non?" Napatigil naman siya dahil sa tanong ko pinunasan muna niya ang pisngi niya bago tumingin sakin at ngumiti ng mapait.

"That time kinuha din nila ako nakita ko kasi may nakatutok na baril sayo kaya natakot ako yung ng bugbug sayo ay mga tauhan ng sindikato, nagmamakaawa ako sakanila pero parang wala silang narinig, wala akong lakas para makatakas sa mga kamay nila at hindi ko rin inaasahan na maging biktima rin ako ng panggagahasa katulad mo." Umiiyak na sabi niya.

"You mean dona is?" Tumango siya.

"Ohh fvck brit i'm sorry kong wala ako sana ay niligtas kita." Umiling siya.

"Nagpapasalamat narin ako dahil hindi ka nadamay at natulungan ka ng mga tao nakalayo kasa mga taong kumuha satin, at kahit bunga ng panggagahasa si dona ay tinuring kupa rin siyang anak."

"Wag kang mag-alala brit dito nako protektahan ko kayo."

"No bell unahin mo muna ang sarili mo at wag kang mag-aalala nakulong na yung mga sindikato wala ng mananakit satin bell tapos na noon pa, ayusin mo muna ang sarili mo ako naman yung tutulong sayo." Sabi niya sakin.

Ngumiti siya sakin pero hindi kupa rin tanggap na bakit sa kulungan lang ang inabot nila sana ay namatay na ang mga hayop na yun.

"Bell kong ano man ang plano mo tutulungan kita."

"Kaya ko brit at wala narin naman ako pamilya bakit kupa aayusin ang sarili ko." Paos na sabi ko sakanya umiling naman siya.

"No nandito kami ituring mo kaming pamilya ni dona." Ngumiti naman ako  dahil sa sinabi niya.

"Thank you brit." Sabi ko sabay yakap sakanya.

Maski papano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Kumalas ako ng yakap sakanya. "Su-sumama kayo sakin? Kong gusto niyo?" Nagulat siya dahil sa sinabi ko.

"Saan?"

"Sa iloilo dun tayo kila lola gusto kong mag move-on sakanila ayaw kong makita ang mga nanakit sakin at nang-iwan na parang basura!!" Mahabang saad ko.

"Kong yan ang gusto mo walang problema!! Kailan ba tayo aalis at tsaka wala tayong pera bell?" Malungkot na sabi niya ngumiti ako.

"May alam ako akong bahala okay!!"

"Okay thank you tara matulog na tayo at bukas ay bagong araw na naman."

Sabay kaming pumunta sa kwarto ni dona dito nalang daw ako matutulog at dun naman siya sakanya kwarto.

___________________

Past And PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon