Belle Pov
"Ma'am may family dinner po kayo." Sabi ng secretary ko ng pagkapasok ko palang sa office ko.
"Okay." Maikling sabi ko umalis naman ito kaagad sa loob ng office ko.
3 weeks na ang nakalipas pero hindi ko parin malilimutan ang mukha niya, napangiti nalang ako dahil na iimagine ako na kasama ko siya dito sa office ko.
In-love naba ako or crush lang ano ba talaga?
Hayy miss doctor para ako mababaliw kakaisip sayo.
Umiling-iling nalang ako tsaka umupo sa swivel chair ko dito sa office.
I scanned all my documents baka kasi may pipirmahan or something na gagawin pa pero mukang wala naman.
Hindi sana ito ang ang trabaho ko kaso ako nalang yung anak nila kaya sakin ipinamana ng magulang ko ang boutique nato H clothing yip kila lola at lolo pa itong bussines at ipinasa lang nila kay daddy, tapos ipinasa sakin, si mommy naman ay may sariling restaurant and my daddy his currently ka business partner ng mga magulang ng kaibigan ko at naging bussines partner din nila ang mga professor namin nong college.
Humarap naman ako sa glass window dito makita mo lahat ang mga matataas na building.
Kapag gabi ay maganda din maraming lights kaya minsan dito nalang din ako natutulog may sariling kwarto ako dito sa office pinasadya ko talaga tong ipagawa.
Kinuha ko naman sa bulsa ko yung cellphone at mag picture sana ng nakita ko sa likod nito ang calling card ni doc sarah.
Napangiti naman ako what if mag sakit-sakitan ako tapos siya ang maging doctor ko.
Natawa naman ako sa naiisip ko.
Tokkk.......tok......
"Come in." Sabi ko. Umayos naman ako ng upo bumungad sakin ang secretarya ko.
"Ma'am may customer pong gusto kang makausap." Mahinhin na sabi niya tumango ako.
"Okay paki sabi na pumunta dito sa office."
Tumango naman ito tsaka lumabas.
Inayos ko muna ang sarili ko nag bulbo at liptint ako para maging ka aya-aya naman ako sa kumausap sakin.
Biglang pumasok ang secretarya ko at kasunod ang taong hindi ko inaasahan na magkikita ulit kami.
Bigla na naman akong kinabahan dahil nandito siya.
Parang model kong mag lakad at ang simple niya talagang tignan.
"Ma'am."
"Boss H." Naramdaman ko naman ang pagtapik sakin ng secretary ko.
"Ma'am okay ka lang ba need mo ng gamot?" Natatawang tanong niya tinignan ko naman ito ng masama kaya.
"Sabi ko nga lalabas nako...... Btw miss this is the owner." Sabi niya sabay turo sakin.
"Umalis kana sec baka masakal kita." Banta ko sakanya tumawa lang ito sakin bago lumabas.
Napahilot naman ako ng sintido dahil sa kakulitan niya, minsan siya ang boss dito kapag wala ako pinagkakatiwalaan ko kasi siya, matagal na sakin ang secretarya kuna yan.
Tumikhim ako at tumingin sa babaeng nasa harapan ko.
"Take a sit." Sabi ko umupo naman ito sa visitor chair.
"Why are you here doc?" Tanong ko hindi ako makatingin ng maayos sakanya kasi ang bilis ng tibok ni mareng heart.
"Gusto ko ikaw yung gumawa ng lab coat ko." Seryusong sabi niya luhh pwede namang bumili sa pharmacy or sa mall.
Pero okay lang para makita ko siya palagi dito.
"Why me?"
"Because i want and unique lab coat and gusto ko may pangalan mo ang nakalagay." Tumango ako kaya pala what the. Nagulat ako dahil sa last word na narinig ko sakanya.
Nakangiti lang siya ngayon sakin.
"Bakit e dapat pangalan mo ang nakalagay?"
"I know but gusto kong nakalagay ang pangalan mo." Maktol niya ang cute naman ni doctora.
"Okay kalma size mo?" Tanong ko nagtataka naman itong nakatingin sakin.
"Why?."
"What size?" Hala hindi niya alam size niya tumikhim ako at tumayo tsaka lumapit sakanya. At sumandal sa lamesa ko sabay cross arms.
"Do you know your body size doc?" Seryusong sabi ko tumango naman ito.
"I'm 5'8." Seryuso ring sagot niya.
"HAHAHAHAHAHA." Humalagapak ako ng tawa dahil sa sagot niya. Ang layo ng tanong ko sa sagot niya.
"Why are you laughing at me." Mataray na sabi niya, tumigil naman ako at umayos ng tayo kasi mukang may napipikon na.
"Ehemmm kasi body shape para malaman kong anong size ng katawan mo." Natatawa pang sabi ko LT niyang kasama, inosenteng doctor pala to.
"And?" Mukang hindi niya parin na gets napa facepalm nalang ako.
"Example your bust, waist, hips and high hips gets." Explain ko tumango naman siya buti naman kong ganon.
"I don't now e sukatin mo nalang." Napanganga naman ako sana sinabi niya kaagad na hindi niya alam pinag-explain niya pako.
Bumuntong hininga ako tsaka naglakad papunta sa drawer ko at kinuha ang body measurement tape ko tsaka bumalik sa harap niya.
"Stand up." Utos ko tumayo naman ito tsaka sinukat kuna ang dapat sukatin.
Pinatalikod ko naman ito at shutaa ang sexy niya pala kong ganon.
Ikaw napo bahala sakin kasi nakakatukso tong kasama ko.
Amoy na amoy ko yung vanilla na pabango niya. Dahan-dahan naman itong humarap sakin at kaya nag katitigan kami, kaagad ko namang iniwas ang tingin ko kasi mas doble ang tibok ng puso ko ngayon.
____________________
Body size kasi doc hindi height😭😭
BINABASA MO ANG
Past And Present
Contobestfriend series #3 Doctorxtambay Started: July 13, 2024 End: September 6, 2024