Chapter 40

64 4 0
                                    

Belle Pov

"What bakit dun pa?" Sigaw na tanong ni sm napatakip naman kami ng tinga.

"Ano ba yan sm hindi kami bingi." Reklamo ni thea.

Nandito kasi kami sa bar namin ang nagulat sila nong pumunta ako dito at ipag-alam na nakaalala nako at aalis na dito sa manila.

"Hoyy bell pwede naman dito nalang kayo diba?" Nakangusong sabi niya uminom muna akong beer.

"Ayaw kuna dito gusto kuna munang umalis pero and please lang kapag nakaalis nako ay wag niyong ipagsabi kong saan ako pupunta." Sabay naman tumango ang dalawa parang mga bata si thea maluha-luha ng nakatingin sakin.

Tatlo lang kami yung nandito wala sina red at andy dahil may duty daw.

"Fine basta wag mo kaming kalimutang tawagan and mamaya ko nalang ibibigay yung pera mo wala akong card na dala nandun kay ella lahat and about sa pinag-imbestiga mo ay ibibigay ko nalang sayo lahat bukas na bukas." Sabi ni sm tumango ako.

Tinignan ko yung relo ko gumagabi na pala akmang tatayo na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan ng tambayan namin, nagulat pa yung kasama ko dahil nandito yung mga asawa niya na masama na ang tingin ngayon.

Tumikhim ako kaya napunta ang atensyon nila sakin. "I go now baka hinahanap nako ni dona." Malamig na sabi ko.

Napabaling ang tingin ko kay sarah na ngayo'y parang iiyak na pero tanging malamig na tingin lang ang binigay ko sakanya.

"Okay bell ingat ka." Sabay na sabi ni sm at thea i nod.

Sasakay na sana ako ng taxi na may biglang humatak sakin.

"Wa-wait bell can we talk?" Utal na tanong niya sakin inalis ko yung pagkakahawak niya baka kasi bigla nalang ako maawa sakanya.

"No." Malamig na sabi ko akma na sana ulit ako sasakay ng hinigit niya ulit ako. "Bakit ba ang kulit mo?? Ikaw na yung tumapos sa relasyon natin diba ginawa mupa nga akong tanga sana nagsabi kalang ng totoo sakin noon!! Masakit bell kahit ilang taon na yung lumipas!! Ikaw nalang sana yung kakampi at dadamayan ako pero ano iniwan muko dahil pa putanginang fiance muna yun!! Ano kasal naba kayo? Ginawa mupa akong kabit?" Galit na sabi ko sakanya umiiyak na siya sa harap ko wala akong pake masakit ang ginawa niya.

"Be-bell le-let me explain please." Pagmamakaawa niya iling lang ang tanging sagot ko.

Umiwas ako ng tingin dahil sa sakit na nararamdaman ko, hinawakan niya ako sa kamay at nagulat ako dahil sa sunod niyang ginawa.

"Tumayo kana sarah wala na kahit anong explain pa yung gagawin mo ay hindi ko kailangan kasi tapos na!! Napapagod din naman ako please lang magpahinga muna ako!! Pipiliin ko muna ang sarili ko." Walang emosyon kong sabi sakanya na nakaluhod parin sa tapat ko pinagtitinginan na kami ng mga taong dumadaan pero wala akong pake. "Mas okay pana mag fucos kana lang ulit sa trabaho at fiance or husband na wala akong pake hayaan mo muna ako." Pahayag ko sabay kalas ng pagkakahawak niya, pinipigilan ko rin wag umiyak sa harap niya.

Tumalikod nako sakanya sabay sakay ng taxi.

"Umalis napo tayo." Magalang na sabi ko sabay pahid ng luha kuna nag-uunahang tumulo.

"Ma'am ito po ohh." Napatingin ako kay manong driver kinuha ko naman ang tissue na binigay niya.

"Thanks manong." Sabi ko tumingin naman ito sa rearview mirror at ngumiti.

"Welcome po ma'am!! Alam mupo ma'am kong ano man po yung pinagdadaanan mo ay kaya mo yan kong nasaktan kaman magpagaling ka heal your self first ma'am!!! Jowa muba yung babae kanina ma'am?" Tanong ni kuya luhh chismuso ata to.

"No she's my ex but may fiance na yun pero hindi ko alam bakit niya ba ako sinusundan?" Malungkot na sabi ko akala ko wala nakong luha pero meron pa pala.

"Ayy kaya mo yan ma'am baka mahal kapa.?" Natawa naman ako dahil sa sinabi niya.

"Hindi na ata manong." Ani ko

"Tadhana nalang ang hintayin mo ma'am baka kayo talaga sa huli." Sabi niya tumawa nalang ako dahil alam kong biro niya lang yun.

"Ohh ma'am nandito na tayo." Anunsyo niya sakin nagbayad nako at bumaba.

Pumasok nako sa loob ng bahay ni brit bumungad sakin si dona na nakaharap sa tv at nanonood ng Sofia the first.

"Dona nasan si mama mo?" Tanong ko sa bata tumingin naman ito sakin at tinuro ang nanay niyang nasa kusina.

Pinuntahan ko siya.

"Brit." Tawag ko lumingon naman ito sakin.

"Ohh bakit?"

"Next day aalis na tayo.... Dahil bukas may pupuntahan pako." Sabi ko tumingin naman ito sakin na para bang kinikilatis ako sabay taas ng kilay.

"Umiyak kaba?" Tanong niya sabay lapit sakin.

Bumuntong hininga ako at tumango. "Nagkita kami kanina!" Hindi kuna mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

Bakit kasi pinaalala niya pa sakin.

"Anong sabi?"

"Mag explain daw siya pero hindi ako nakinig kong makikita ko siya parang bumalik lahat ang ginawa niya sakin." Sabi ko sabay punas ng luha ko.

"Okay lang yan!! Wag ka nang umiyak kong mahal ka talaga non maghihintay yun."

"Gaga may fiance na yun mag move-on nalang ako." Sabi ko sabay tawa.

"Sos tara na nga kumain na tayo at kong saan ka pupunta bukas siguraduhin mo lang na hindi kagagawa ng kalukuhan." Banta niya, ngumisi naman ako at nag kibit-balikat.

Pupuntahan ko bukas yung lalaking dumakip samin at ginawa kaming laruan, gaganti ako at baka nga mamatay pa sila sa mismong mga kamay ko.

"Hoy yung ngisi mo iba na yan nakakatakot kana bell nako." Sita sakin ni brit umiling ako at tumalikod sakanya.

Pinuntahan ko nalang si dona para at sabayan manood.

___________________

Past And PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon