Chapter 32

54 6 0
                                    

Belle Pov

Napakamot ako ng ulo dahil kanina pa picture ng picture si doc, baka mag full storage na siya dahil sa mga pictures namin.

Kanina pa kami dito sa tabing dagat hinihintay namin ang paglubog ng araw, 5 hours din ata yung byahe namin, pero parang hindi nakaramdam ng pagod tong kasama ko.

Ang ganda dito presko yung hangin at kunti lang yun tao couple pa yung iba.

"Doc tama na yan." Sigaw ko sakanya tinatamad akong tumayo kaya sisigaw nalang ako, lumingon naman siya sakin habang nakangiti, unti-unti siyang naglakad papalapit sakin.

Namangha naman ako sa ganda niya, kaya crush ko siya kasi kahit saang anggulo mo siyang tignan ay ang ganda niya.

"You like it here?" Tanong niya at tumabi sakin ng upo sabay sandal sa balikat ko.

"Hmmm....oo doc." Ani ko kinuha naman niya ang left hand ko at pinagsiklop niya sa kamay niya.

Ang clingy niya kagabi pa siya ganyan pero okay lang kaysa mag-away kami.

"You know masaya akong kasama ka ito yung hinihintay kong panahon, can you promise me kong ano man ang malalaman at maalala mo kong sakali wag mukong kamuhian." Ramdam ko ang lungkot sa sinabi niya.

Wait ano daw?

"Bakit doc?" Nagtatakang tanong ko hindi ko kasi gets yung sinabi niya bakit ko naman siya kakamuhian?

"Nvm let's enjoy this moment bell." Sabi niya humarap naman ito sakin at bakas sa mga mata niya ang lungkot.

Hindi ako nagsalita hinawakan ko ang pisngi niya sabay haplos. Napapikit naman siya dahil sa haplos ko ayaw kong makitang malungkot siya, ayaw kong masaktan siya dahil sakin kasi hindi ko ata kayang makita na umiiyak siya.

"Alam mo doc ikain nalang natin yan.... Nagugutom nako." Nakangusong sabi ko natawa naman siya at pinatakan ako ng halik sa labi.

Naramdaman ko naman ang pag-init ng pisngi ko, ibang klase kapag siya ang gumawa non sakin.

"Sunshine hindi mo naman kailangan itago na in-love ka sakin kasi halata naman." Asar niya tumingin naman ako sakanya at sinamaan siya ng tingin, oo na mahal/crush kong ano pa jan ang tawag wala akong pake.

"Alam mo doc minsan lang kitang makitang masaya?" Sabi ko natigilan naman siya sa ginagawa niya at tumingin sakin.

"Why?"

Bumuntong hininga ako at ngumiti sakanya.

"Kasi ang weird mo pala doc....noong unang sama natin sa hospital ay ang tahimik mo at kapag kakain mo lang ako pinapansin." Sabi ko tinaasan niya naman ako ng kilay.

"Wow huh!!!! Ako pa talaga sino nga sa atin yung hindi namamansin?" Balik na tanong niya sakin napaisip naman ako.

Ayy oo nga no ako yun kasi naman takot lang ako sa tao at nong time lang na yun ang mailap ako sakanya/ sakanila.

"Ayy sorry naman po doc."

Huminga siya ng malalim. "It's okay i know your reason kong bakit ka nagkaganon." Hinaplos naman niya ang pisngi ko.

Hala si doc nagpapakilig na naman.

"Pasensya na talaga doc and thank you kong hindi dahil sayo hindi ako gumaling at salamat dahil tinulungan mo ako kahit sa hospital lang tayo nagkakilala." Sabi ko tumango naman siya at sinunggaban ako ng yakap na kaagad akong yumakap pabalik.

"Hmmm i love this kapag magkadikit tayo parang ayaw kuna magtrabaho gusto na kitang makasama araw-araw." Sabi niya alam kong biro lang yun.

"Kapag ginawa mo yun aalis ako." Panakot ko kumalas siya ng yakap sakin natawa naman ako dahil nakalukot na yung mukha niya.

Hinalikan ko naman siya kaagad sa pisngi. "Biro lang po doc hindi ko magagawa yun sayo... Ayaw kitang iwan." Malambing na sabi ko pero hindi niya ako pinansin at tumalikod lang ito sakin at patuloy ang ginagawa niya.

Kinalabit ko siya ng kinalabit pero hindi niya parin ako pinapansin.

"Docc.....oyyy.....sorry na...."

"Baby."

"Mahal!!"

"Babe!!!" Napangiti ako ng bigla siyang tumingin sakin nataranta naman ako ng biglang siyang umiyak.

"Hala doc anong nangyari sorry..." Sabi ko sabay yakap sakanya jusko ano ba ito bakit siya umiyak.

Humagulgol lang siya ng iyak sa dibdib ko hindi ko alam kong ano yung rason niya, ngayon ko lang siya nakita ganito.

"Doc sorry wag kanang umiyak nasasaktan din ako." Sabi ko hinalik-halikan ko ang ulo niya.

"I-i'm okay bell." Sumisinghot na sabi niya sakin, sabay kalas ng yakap niya.

Puro yakapan lang ba walang kiss doc?

"Okay kana po ba?" Malungkot na sabi ko.

Tumango naman siya sakin, pinunasan ko ang luha niya, hinawakan ko siya sa pisngi.

"Mahal kita doc tandaan mo yan." Hindi ako nagdalawang-isip na sabihin sakanya yan, kaninang lungkot ang makikita mo sa mata niya ay napalitan ng saya.

"Iloveyou too bell." Parang musika sa pandinig ko ang sinabi niya.

Kaagad ko siya hinalikan sa labi, kasabay ng paglubog ng araw.

Kiss under the sunset with my love are the best sana ay wala ng problema ang dadating samin.

__________________

Past And PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon