Chapter 29

66 5 0
                                    

Sarah Pov

Where here sa tapat ng bahay kaagad kaming pumasok sa bahay bumungad samin yung private investigator na kinakausap si belle.

Nagtatawanan pa sila, babae kasi yung hinared kuna private investigator.

Nakaramdam naman ako ng selos dahil sa close na sila ni bell. At nagtatawanan pa ako sana yun e sakin lang ang mga ngiti niya.

"Hoyy okay kalang siya naba yun ang ganda niya at mukang close pa sila ni bell." Saad ng katabi ko tinignan ko naman siya at sinamaan ng tingin nag peace sign lang siya sakin.

Minsan talaga may saltik din tong bestfriend ko sarap ipatapon sa mental hospital.

"Tumahimik ka!" Malamig na sabi ko.

Nakita kong lumingon sa gawi namin si bell kinawayan niya ako pero itong katabi kuna parang kiti-kiti.

"Hello bell." Masiglang bati ni fiona nauna pa siyang pumunta sa gawi ni bell.

"Hi po doc fiona." Bati niya pabalik kay fiona na ngayo'y parang unggoy kong makakapit kay bell.

Nilagay ko naman sa bulsa ko yung dalawang kamay ko tsaka tinignan sila na walang buhay.

"Hello doc." Bati niya sakin tinignan ko lang siya sabay tango ayaw kong makipag-usap sakanya nagtatampo pa  ako dahil sa close sila ng private investigator ko.

Bakas sa mukha niya ang pagtataka, umiwas nalang ako ng tingin at bumaling sa private investigator ko.

"Eve btw sa office ko nalang tayo mag usap and you fiona dito kalang." Sabi ko sabay baling sakanya tumango naman siya sakin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Okay po." Pang-aasar niya pa.

Sabay kaming pumasok sa office ko pinaupo kuna muna siya.

"Drinks?" Tanong ko umiling naman siya.

"So what is it?" Matigas na sabi ko.

"Uhmmm..... Doc base sa nahanap kuna about kay miss bell sa lansangan siya tumira may kasama daw siyang isang babae hindi kupa alam ang pangalan ng babae doc, at sabi rin sa mga nakakita sakanya ay pagala-gala sila....ito pa nag trabaho siya sa sindikato pagnanakaw, minsan mandurukot...yung iba hindi kupa po alam but gagawin ko ang lahat para malaman natin at masumbong sa mga pulis ang mga sindikato kasi marami din pala silang nabiktima na mga bata minsan niri-rape at pinapatay nila ang nakidnap nila." Pahayag niya tumango lang ako.

"A-about her family?" Nauutal na tanong ko napalunok nalang ako ng laway para bang may bumabara sa lalamunan ko.

Nag-iinit na rin ang mga mata ko parang anytime ay tutulo na ang luha ko.

"Wala pa doc inuna ko kasi yung sa sindikato?" Nahihiyang sabi niya.

"Okay thank you you can leave!!" Malamig na sabi ko.

Tumayo naman siya at nagpaalam sakin.

Dun na bumuhos ang kanina kupang pinipigilan na luha, umiiyak lang ako habang nakatingin sa picture namin dito sa office ko.

"Babe bakit gano'n I'm sorry kong huli ako at ngayon lang ako nakabalik kasalanan ko ang lahat ng to." Usap ko sa picture hinaplos-haplos ko ito habang umiiyak.

Gaganti ako babe kailangan nilang makulong.

Tumayo ako tsaka pinahid ang mga luha ko, lumabas nako ng office ko sabay punta sa kwarto at naligo.

Ayaw kong makita niya ang kalagayan ko.

Nang natapos nako ay kaagad akong nagbihis at lumabas ng kwarto  bumaba nako para tignan ang dalawa. Pinilit kong ngumiti sa harap niya para hindi nila malaman na malungkot ako at kakagaling lang sa pagiyak.

"Yoww so kamusta?" Tanong ni fiona ng pagkababa ko tumabi ako sakanya.

Wala si bell dito ng pagkababa ko.

"Next time i tell you where's bell?" Tanong ko.

"Uhmm sa kusina ata hindi ko alam." Sagot niya sabay kamot ng ulo binatukan ko naman siya dahil sa kalukuhan niya, napasimangot naman siya at hinawakan ang ulo niya.

Tumayo nalang ako, wala talagang kwentang tanungin si fiona, ako nalang ang maghahanap sakanya baka kong saan-saan na naman yun nagsusuot.

I stare at her nakatalikod ito parang ang lalim ng iniisip, nakita ko siya dito sa likod ng bahay naka-upo malapit sa swimming pool.

"You okay?" Mukang nagulat siya natawa naman ako, humarap ito sakin at tumango tumabi naman ako sakanya.

"D-doc!!!" Utal na tawag niya.

"Yes!!"

"Galit kaba?" Tumingin ako sakanya, nakita ko sa mga mata niya ang lungkot at parang iiyak na ito ano mang oras.

"I'm not mad bell....."

"Ehh bakit ka ganon ang ginawa mo sakin kanina doc?"

"I'm sorry." Gusto ko mang sabihin na nagseselos ako baka kasi ma shock siya at iiwasan niya ako.

"Okay lang po." Nakangiting sabi niya iba-iba talaga ang mood niya, hinawakan ko naman ang kamay niyang nakapatong sa lamesa.

Napangiti nalang rin ako dahil okay na kami.

"You know i have a lover back then.... And malaki ang naging kasalanan ko sakanya, ayaw kong maulit-ulit ang nagawa ko noon kaya habang maaga pa gusto kong humingi ng sorry sa ginawa ko." Ani ko hindi ko alam bakit lumabas yun sa bibig ko.

"Bakit anyari doc?"

Natawa naman ako. "Iniwan ko siya ng hindi niya alam ang rason at 2 year's ang nakalipas pero mahal ko pa din siya, at alam muba nagkita kami kaso lang hindi niya ako maalala." Malungkot na sabi ko.

"Ayyy edi kausapin mupo bumawi ka sakanya kahit wala siyang maalala at diba kapag mahal mo ang tao maghahanap ka ng way para makabawi ka sakanya." Tumango naman ako sa sinabi niya.

Ikaw yung babae na yun bell gusto ko sanang sabihin sakanya.

"Can i hug you?" Paalam ko sakanya tumango naman siya sabay yakap sakin.

Napapikit ako dahil naramdaman ko ang init at komportable dahil sa yakap niya.

__________________

Past And PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon